Dedicated to @genhemmings_
+deeply sorry dahil natagalan bago ma-post but I still hope you'll like it
+LUKE HEMMINGS ISNSJSNJS세븐틴♥️
"Oy lima pa! Lima pa! Kasya pa o! Mga ate sa kanan konting usog, ayan, lima pa!" Sigaw ng barker na panay ang hampas sa gilid ng jeep. Galit ba si Koya? Galit?
"Lima pa e halos hindi na nga ako makahinga dito? Lima pa? Survival of the fittest ba this koya?" Inis na tanong ng kaibigan mo na halos hindi na nga makahinga sa sobrang sikip kaya napatawa ka.
Ganun naman talaga e, aantayin muna tayong mapino sa loob bago paandarin ang jeep. Kaimbyerna.
"Sus, di ka pa nasanay." Sagot mo habang ginagala ang paningin sa loob ng jeep. Nag babakasakaling makasabay ulit si Koyang pogi (jsnsjabaj) na palagi mong nakakasabay sa jeep. Weird no? Sa dinami dami ng jeep sa lugar niyo nasasadya pang mag kasabay kayo.
/le sings; COULD THIS BE LOVE, I'M FEELING RIGHT NOW? Charot.
E kaso, sa kinasamaang palad, wala si koya.
"O! Apat pa! Apat pa!" Sigaw nanaman ng barker with matching hampas pa sa dingding ng jeep.
"Huhuhu y/n usog ka naman kahit konti, mamamatay na ako e huhu." Pakiusap sayo ng kaibigan. Gustuhin mo mang umusog at hayaan pa siyang mabuhay, wala ka na ring magawa kasi maski ikaw e malalagutan na ng hininga. Dagdag pa natin na may katabi kang may kapangyarihan. Iykwim.
"Hayaan mo, mamaya naman luluwag din dito. Konting tiis pa." Natatawa mong sabi kahit maski ikaw e gusto nang maiyak.
"O! Dalawa pa!" Sigaw ng barker.
Kuya hindi ba pwedeng hayaan mo naman kaming mabuhay? Sabi mo sa isip.
May sumakay nang isa kaya lalong sumikip sa loob. Ang baho na rin. Ito talaga ang mga panahong mapapaiyak ka nalang kung bakit ba hindi uso sa karamihan ang rexona.
"Isa nalang o!" Sigaw nanaman barker kaya napabuntong hininga ka.
Nakatingin ka lang sa may paanan dahil sa sobrang inip hanggang sa makarinig ka ng mga yapak. Indikasyon na nakasakay na ang huling pasahero para umandar na ang jeep. The long wait is over bes. Magdiwang.
"Excuse me."
Agad kang napatingala sa narinig na boses at nagulat kung sino ang lalaking umupo sa tabi mo.
/le sings again; COULD THIS BE LOVE I'M FEELING RIGHT NOW?
Pakshet ang bango niya. Hindi mo na namalayang tumititig ka na pala sa lalaking tumabi sayo.
May suot siyang salamin, hindi gaya noong mga nakaraang araw na wala. Pero gayunman, ang gwapo niya parin talaga.
Hindi naman pala malas ang araw mo ngayon dahil nakasabay mo si kuyang nakakasabay mo palagi. Si kuyang binansagan mong 'emo boy' kasi mukha siyang emo sa bangs niya.
"Hoy y/n, ano ba yang tini..tig..nan.. mo..." Napalingon ka sa kaibigan mong napatameme rin at napatulala sa katabi mo.
"Hoy, hoy, umayos ka nga baka mahalata ka." Bulong mo habang kinakalabit ang kaibigan.
Napatingin naman siya sayo nang may malawak na ngiti saka maya maya e bigla kang hinampas ng pagkalakas lakas. "Y/n palit tayo ng pwesto pakshetangpogingkatabimokinikiligakoforeverkonasiya palit tayong pwesto!" Bulong niya sayo.
"Bleh, bahala ka diyan." Bulong mo pabalik saka tumawa.
Buong biyahe e tahimik lang kayo sa loob ng jeep. Alam mo na rin naman kung saan siya banda bumababa kasi nga madalas kayo nagkakasabay diba? Pero maski ganun, hindi mo parin alam pangalan ni emo boy. Sadlyf naman.
BINABASA MO ANG
Seventeen Scenarios
FanficOne shot imagines for you, my fellow Carats! Saranghamnida ♡ cover by @TaestyPotaeto