Chapter 6.x : CheYcka

8 4 0
                                    

                    10th Couple :
       Chen + Mycka = CheYcka 

Mycka's POV

Dahil gusto ko nga ng badminton, pumunta ako sa BADMINTON SECTION... Malamang! alangan naman sa Swimming Shop? haha.

Pagkakita ko sa raketa, pinulot ko agad at iniwasiwas ko ito.

"Wieee" - sabi ko... wasiwas ako ng wasiwas sa raketa na para bang may totoo nga akong kalaban dito sa badminton section haha.

Nung kunwari iismash ko na ng malakas para di na makuha ng kalaban para manalo na ako ng sigurado ay nilakasan ko yung pagtira then suddenly...

                  ~Tuggsshhh~

Ow ano yun?

"ARAY!" - Ow may natamaan ako kaya minulat ko yung mata ko. At nakita kong dumudugo yung noo niya...

"Oh! Sorry diko sinasadya" - sabi ko saka hahawakan ko na sana kaso!?

"Don't...you...dare...to...touch...me...stupid.!!!" - sabi niya

Aba ang arte neto ah. Tinutulungan na nga eh. Dagdagan ko yang sugat mo eh. Dahil sa mabait ako, kinuha ko yung panyo ko then inabot yung noo niyang may sugat para punasan.

"Ouch! You crazy girl stop that...ouch!" - sabi niya. Okay fine ang arte nito, di wag!!!

"Ang arte mo! Dagdagan ko yang sugat mo eh." - bulong kong sabi...kainis kasi eh. Kinuha ko yung raketa then ihahampas ko sana sakanya kasooo...

Chen's POV

"Don't...you...dare...crazy...girl!" - sabi ko sakanya.

Ihahampas ba naman ulit sa akin yung raketa. Eh shunga at baliw pala to eh. Siya kaya hampasin ko para malaman niya kung gaano kasakit tong ginawa niya sa akin. Ansakit ng noo ko.Nahilo pa ako dun ah, baliw kasi to. Siya na nga tong may kasalan siya pa tong may ganang magalit eh ako kaya nasugatan!!!

" Hmmmp! Ang arte mo naman kasi, ako na nga tong nagmamalasakit... Ayaw mo pang gamutin natin edi hahampasin ko nalang!" - sabi niya ng pagalit... Siraulo to ah...Kainis

"Crazy girl!" - yan nalang nasabi ko kasi ang sakit ng noo ko eh...Pero sa totoo lang naiinis na talaga ako sakanya.

"Gamutin ko na kasi yan!" - sabi niya, aba ang kulit niya ayaw ko nga baka may virus pa ako. Dahil naiinis na ako at napuno.

"ANO BA!? AYOKO NGA DIBA! LAYUAN MO NGA AKO! PWEDE BA? ANG KULIT MO! UMALIS KA NA LANG SA HARAPAN KO, BAKA ANONG MAGAWA KO SAYO PWEDE!!!" - ayan nasigawan ko tuloy ...asar kasi eh.

"EDI AALIS! ARTE MO! BAHALA KA SA BUHAY MO GAGO KA! WAG MO AKONG SISISIHIN PAG NATETANO YANG SUGAT MO HA! MAKAALIS NA NGA BWISIT!" - sigaw niya sa akin, saka umalis. Binangga pa ako, crazy girl.

Andami pa niyang sinabi aalis din naman...Crazy girl talaga...

"Ouch!" - sabi ko. Muntik pa akong matumba buti na lang na balance ko ang sarili ko. Kasalanan niya ito eh. Ang guwapo kong mukha.Bwisit siya, pag nakita ko talaga ulit yun gaganti ako sa kanya.

A/n: So yaan guys one of the couple. Sana magustuhan niyo. Sorry po sa late update.

- Vote and Comment guys

M.Gems meets Exo (Exo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon