Chapter 2

477 19 0
                                    

Laurece POV

*krriiiiinng kriiinnnggg*

Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago ako natulog.

Paglabas ko ng kwarto nakita kong nakaayos na si Nathalie at naghahanda na sya ng pag kain.

Ang aga naman atang nagising to?

"Nasa cabinet mo yung uniporme mo..." Malumay nitong sabi sa akin kaya bumalik ako sa kwarto at tinignan ito.

Puting blouse at may lining sa gilid na blue sheckered ( Hindi ko alam kong tama ba spell ko hehehe) at mahabang sheckered necktie tapos sheckered rin yung skirt nya hindi naman gaanong maliit yung palda kaya okay narin. May medyas ring puti pero mahaba tapos black shoes. Ang cute! Para tuloy akong anime character.

Tapos kong pagmasdan tong uniform ko ay naligo na ako.

Pagkatapos kong maligo bumaba na ako at nakita kong nakahanda na ang pagkain kaya kumain na kami. Iniwan nalang muna namin yung plato para mamaya ko na yun hugasan dahil late na rin naman kami.

Napansin kong pinag titinginan kami ng mga studyante at pinagbubulungan...

Tsk.tsk.tsk.

Sinigaw nyo nalang sana...

Hindi na ako nag abalang lingunin sila dahil baka mapatulan kulang to eh!

"Hayaan mo na sila..." Malumanay nyang sabi sa akin. Tumango nalang ako bilang sagot

Pagkarating namin sa M.H. (Montello High) naagaw agad namin ang pansin ng aking kapwa studyante

Nakaramdam ako ng konting kaba sa mga titig nila. Sumabay parin ako kay Nathalie kasi kaklase naman kami. Napansin ko yun nung sinuot ko yung uniform ko may pin kasi sa bandang dibdib ko...

"Laurece!" Nakarinig agad ako ng isang pamilyar na boses ng lalaki kaya nilingon ko ito

"Oy! Andy!" Sabay kaway ko sa kanya

Napansin ko namang namamawis ang kamay ni Nathalie kasi magkahawak kasi kami ng kamay. Natawa ako sa naging reaksyon nya. Hahaha!!!

"Anong section mo?" Agad nyang tanong sa akin

"G9-B" tanging sagot ko lang sa Kenya

"Ayos! Magkaklase tayo!" Sabi nya. Transferee kasi ako alam nyo na...

Ngumiti lang ako ng nakaloloko kay Nathalie at sinudot ang gilid nya.

Maya maya ay nag bell na kaya nagsipasukan ang mga studyante pati kaming tatlo...

Andy POV

Pag pasok naming tatlo sakto ring pumasok si ma'am Benidecto adviser namin kaya nagsi upo agad kami

"Any transferees here?" Tanong nya agad sa klase ng pumasok na ito

Nag taas naman ng kamay si Laurece.

"Name. Age. And reason why're you here." Plain lang nyang sabi

"Hi everyone! Daniella Laurece George. 16. And my grandfather sent me here to be trained" saka sya umupo

"Let's start the class." Sabi lang nya habang nagsasalita sa harap. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tignan sya.

Brown ang mata, maputi, katamtaman ang taas ng buhok at kulot ang dulo, mapulang labi at masasabi ko lang na maganda talaga sya...

Hala! Baliw na ata tong utak ko eh! Kung ano anong naiisip!

"Wala akong gusto sa kanya!" Hindi ko namalayan na napalakas ang pagkasabi ko non kaya nagtinginan silang lahat sa akin kabilang na si maam Benidecto.

Montello HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon