Laurece POV
"Guys! Tingnan nyo to bilis!" Rinig kong sigaw ni Andy galing sa harap ng bulletin board
Napansin ko ring maraming studyanteng nagsisiksikan doon
Dali dali din naman kaming umakyat para tumingin
What?! Is this serious?!
"Oh my gosh!" Rinig kong sigaw ni Georgina
"Yes!" Sigaw rin ni Andy
"Yes!!!" Sigaw ni Nathalie habang nakaturo ang kamay sa bulletin board
Habang ako? Speechless. Wala akong masabi...
Nang tignan ko ang results nakarinig agad ako ng bulungan
'Diba sya yung girl na tumalo kay Jean nung school festival?'
'Oo sya yun! Ang ganda parin nya kahit walang make up!"
Sa totoo lang masaya ako sa mga sinabi nila pero hello? Nandito lang pinaguusapan nyo oh!
Geez. –_–
Tumingin ulit ako sa result ng hindi parin makapaniwala
G-9 Rank 10
10. Georgina Sanders
9. Riley Chen
8. Andy Stephens
7. Alice Goot
6. Rebecca Jung
5. Raven Drakes
4. Laurece George
3. Nathalie Gomez
2. Grey Smith
1. Joseph Eun
Congratulation students!
As in!
"Guys bahay tayo mayaya?" Tanong ni Georgina sa amin
Hindi naman kaming nagatubiling tumanggi kaya sumagot agad kami
"Game!" Sabay sabay namig sagot tapos tumawa
*kriiing kriiiing*
Agad kaming napatakbo ng marinig namin ang bell
Naku! Bawal pala malate ngayon! Baka may dalaw na naman so Mrs. Grace ngayon!
Eh! Kasi parang nagmemenuposal kung magalit! Hahahaha!
Secret lang namin magbabarkada yun! Wag kayong maingay
"Pst!" Napahinto ako ng may narinig akong may sumitsit
Lumingon agad ako sa likod para tingnan kong ako ang tinawag
Ha? Baka napagtripan na naman ako
Akmang tatakbo ulit ako ng biglang may humila sa kamay ko dahilan para mapalingon ako at masapak ang palakang nanggulat sa akin
"Array!" Daing nya ng masapak ko sya
"Kasalan mo yan! Bakit ba kasi nanggugulat ka ha?!" Sigaw ko sa mukha nya
"Hindi ko naman alam na magugulat ka eh... So peace na tayo..." Sabay pout nya na parang bata
"Nga pala, congrats!" Sabi nya
"Same here!" Sabi ko na ikinakunot ng noo nya
"Ay! Yun lang? Sayang..." Hindi ko na narinig pa an sinabi nya
"Ha?" Tanong ko
"A-ah sabi ko papunta na si Mrs. Grace kaya pumasok ka na sa classroom nyo at baka mapagalitan ka pa..." Sabi nya. Agad naman akong napa tango at kumaway nalang sa kanya bilang paalam at tumakbo na papasok sa klase ko
BINABASA MO ANG
Montello High
Teen FictionIsang tagong paaralan kung saan mo mararamdaman ang totoong pagmamahal... *** Pero paano kung doon mo rin makikita ang nakaraan mong matagal ng nakabaon? If you find this place,prepare for the change... *** Ang pagkakapareho ng mga lugar, tauhan, se...