Laurece POV
*3 weeks after*
3 weeks narin akong naglilinis kadalasan ko nga lang nakikitang naglilinis yung witch eh!
Sa 3 weeks nayun palagi kong pinapaunang umuwi si Nathalie kasama si Andy hinahatid naman niya si Nathalie eh! Kaya panatag na ako
Sa 3 weeks ring yun nalaman kong seatmate ko yung yelo
Sa 3 weeks na yun palagi akong sinasamahan ni Raven na maglinis. Nakakarinig nga ako ang mga bulungan eh! Bakit daw kasama ko palagi si Papa Raven nila. Bakit daw hindi sila pinapansin. Madaming bakit silang sinabi! Hindi ko na iisa isahin!
Papasok na ako sa classroom kasama si Nathalie as usual kasama si Andy... Nag hihinala nanga ako sa dalawa eh! Sabi nila friends lang daw naman sila... Jan naman nagsisimula ang lahat eh! Echos ko!
Tamang tama pagpasok ko nag bell na kaya umupo nalang ako at dahan dahang ibinaba ang ulo ko
"Goodmorning class. I have a good announcement! Alam naman natin na every school year dito sa M.H. may nagaganap na event so mag ready na kayo sa big event na mangyayari! The school festival will be held!" Para namang nagwawala sa saya yung mga galaw nila. Parang yung nakawala sa hawla
I tatanong ko sana sa katabi ko kung bakit sila ganun kasaya pero naalala ko nga pala yelo tong katabi ko at pilosopo rin masyado kaya tumayo ako at nag lakad papunta kila Nathalie
"N (en) bakit ganyan reaksyon nila?" Tanong ko sa kanya
"Alam mo L (el) minsan lang may pupuntang taga mortal world dito pero sigurado naman ako na kasama natin yun" paliwanag nya
Ha? Kasama?bakit?
"Bakit mo naman nasabi na kasama natin yun?" tanong ko sa kanya
"Kasi yung ibang taga mortal world eh hindi alam ang existence ng M.H." sagot naman ni Andy
Parang lagi na tong magkasama ang dalawang to ah!
"Oy!umamin nga kayo! May namamagitan ba sa inyong dalawa?" Tanong ko
"Wala!/wala!" Sabay pa silang sumigaw kaya napatingin sa amin ang mga kaklase namin
Natawa nalng ako sa reaksyon nil a! Mga kamatis! Hahahaha!!!!
"Okay class may pahabol pa pala ako kaya magsi upo muna ang lahat!" Nakita kong nagmamadaling bumalik sa kani kanilang mga upuan ang mga kaklase ko kaya bumalik narin ako sa upuan ko.
Tinignan lang ako nong taong yelo at tinarayan ako
Ay! Bakla ata to eh! Pero ang cute nya! Sira ka talaga!
"Okay class. Sa last day ng ating school festival may sinabi ang principal na sinang ayonan namin... Sa last day ng school festival or sa satutday magaganap ang Mr. and Ms. Montello. So kailangan every section ng Montello high kailangan may representative... So sino ang magiging representative natin?" Mahabang pag explain ni ma'am Benidecto
"Ma'am si Anne!"
"Ma'am si Georgina!"Kanya kanyang suggestion ang mga kaklase ko kaya ang ingay!
"Okay! Ganito nalang ang girls susulatin nyo sino ang pambato natin sa lalaki. Tapos boys isulat nyo sino ang pambato natin sa babae. Ayos na?" Suggestion nalng ni maan
Sabay sabay naman kaming tumango
"Okay pagkatapos kayong sumulat ilagay nyo ang papel na sinulatan nyo dito sa harap. Maliwanag?" Tumango naman kami at isa isang kumuha ng mga extrang papel
Nang matapos na kaming nakapasa lahat binilang na nila ma'am kasama yong Presidente namin yung mga binutuhan namin.
Napaisip ako... Ilang araw nalng pala ang kulang ko para matapos na yung parusa... Ahp! Pero yung witch hindi man lang tumulong maglinis... Nakikita ko sya pero paminsan minsan lang tumutulong! Ahh! Nakakainis sya!
BINABASA MO ANG
Montello High
Teen FictionIsang tagong paaralan kung saan mo mararamdaman ang totoong pagmamahal... *** Pero paano kung doon mo rin makikita ang nakaraan mong matagal ng nakabaon? If you find this place,prepare for the change... *** Ang pagkakapareho ng mga lugar, tauhan, se...