Chapter 3

363 12 0
                                    

Laurece POV

.
.
.
.
.
.

Tanga ko naman oh!

Bakit ba kasi haharang harang sa daan tong wire na to eh!

"Clumsy" rinig kong sabi ng taong yelo nato (cold kasi!)

"Hoy! Kung bubulong ka ayusin mo! Bubulong na ngalang rinig na rinig pa! Hmp!" Akala nya siguro hindi ko yun narinig

Nakarinig ako ng mga tunog ng sapatos na tumatakbo kaya dahan dahan akong tumayo...

"Aray..."
Nasabi ko nalang sa sarili ko

"Laurece! Anong nangyari sayo?" Ramdam ko ang pag aalala nya sa akin

"Hoy! Bakit ba ang bilis mo tumakbo?" Sabay hawak niya sa tuhod nya at hinahabol ang hinihinga nya

"Sino bang nagsabi sayo na tumakbo ka rin?at isa pa ikaw ang nanghila!" Sagot na tanong rin ni Nathalie

Hay naku!

"Oh! Grey!" Rinig kong tawag ni Andy sa taong yelo

Hindi lang man sinagot ng yelo na to si Andy kahit tango nga wala eh!

Eh! Bakit ka ba nagagalit? Oo nga noh! Ayyysshhhttt!

Basta galit ako! Ewan!

"Hali na nga kayo!" Sabay hila ko sa kanilang dalawa. Sakto namang nag bell kaya diresto nalng kaming klassroom... Hindi na tuloy ako naka recess naman kasi!

***

Pag dating namin sa klassroom napansin kong bakante parin tong katabi ng upuan ko... Sino kaya katabi ko? Sana babae? Sana maging magkaibigan kami! Kung lalaki naman...nevermind!

Naalala ko yung taong yelo eh! Hindi ko maipagkakaila na maganda talaga ang boses nya... Para akong... Nakikinig sa boses ng isang anghel... Pero mas malamig pa ata yun sa antartica eh!

Ano na naman yan! Boses lang naman yun ah!

Naramdaman ko ring nagtatawag na alaga ko kaya pumunta ako kay Nathalie para magpasama sa cafeteria gutom na talaga ako eh!

Napaisip ako... Kahapon lang kami nag kita ni Nathalie close na kami... Sabagay madali lang naman sya pakisamahan eh!

Kaya tumayo na ako at nagpasama sa kanya. Pumayag naman sya kaya umalis na kami

Nathalie POV

Hinihintay ko si Laurece na namili ng kakainin nya. Hindi pa kasi kumakain eh...

"Hey you!" Lumingon ako sa tumawag sa akin. Oh no! Not again!

"Bingi ka ba!" Sabi ng isang babae

Hindi ko na lamang sila pinansin.

"Lumalaban ka na ngayon huh!" Sabay hila nya sa buhok ko

"A-a-ra-y!" Tanging nasabi ko nalang.

"Lumalaban ka na ngayon!" Sabay hila pa niya sa buhok ko

Ang sakit!

"Ano ba!" Sabay tapik ko sa kamay nya dahilan para matangal yun sa buhok ko

"Talagang lumalaban ka na ha!" sabay hawak ng kanyang mga sa braso ko at hinawakan naman niya ang buhok ko at binuhusan ng spaghetti

Walang magawa ang naroroon sa loob ng cafeteria kundi manood alam naman nila ang kapit ng witch nato

"Hoy!" Parang natakot ako sa pagsali nya sa gulong to. Lagot!
"Bitawan nyo sya!"

Montello HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon