BEHIND THE SCENE

88 1 0
                                    

Alex s  pov

                        Malakas ang ulan at kidlat kasabay ng hampas ng hangin mula sa labas, wala pa rin akong tigil sa pag-tipa sa aking Laptop, habang umiinom ng maiinit na kape nag iisip ako ng susunod na kabanata sa aking isinusulat kaylangan na kasi matapos namin ito ng aking partner next week dahil ito ang susunod naming irereport at ipa-publish sa publiko.

                        Tanging Liwanag lang ng Kanyang Laptop at Lamp ang nagsisilbing liwanag sa madilim nyang silid ng biglang tumunog ang kanyang cellphone, …

                        1 TEXT MESSAGE RECEIVED

                        Hay, si Nick lang pala, ang aking magiting na partner.

            Ako si Alexandria Castillo 25 years old 6 years na ako sa mundo ng media, isa akong reporter sa isang sikat na istasyon ng radio at telebisyon marami na din akong napag daanan sumuong sa kalamidad, trahedya, at kung anu-ano pang mabibigat na proyekto ang ibinabagsak sa akin ng aking bossing na si Mr. Richard Go pero ngayon ang proyektong binigay nya sa amin ni Nick ngayon ay,

 Hindi pangkaraniwan.

            Matagal na kaming magkatuwang ni Nick, Nocolo Barameo isang mahusay na Camera Man, sa industruya ng Media. Lagi kaming pinag tatandem ni Mr. Go sa malalaking proyekto ni nick, dahil parehas daw kaming determinado at at malakas ang loob.

            ^hey, Alexa ready ka n b for 2mrw! Dalhin mo na lang ung Laptop para may magamit tayo bukas wg u kalimutan ung mga dapat mong dalhin ok! I ll see you 2mrw on 6am at the office . Goodluck 2 us!^

-hay, si Nick talaga sobrang adventurous laging excited pagdating sa mga lakaran, of course ganun din ako kaya eto ang napili kong mundo.

            By the way, may lakad na naman kami bukas, as usual, maglalakbay. Pero sa mundo ng kababalaghan,

            This is the first time that we do this. of course, with Mr. Nicolo Barameo., Ewan ko ba kung anung pumasok sa isipan ni Mr. Richard Go na yun na aking Manager na gawan ng Documentaries

 ang kaso ni Maria Anderson isang half Filipina at half German isang sikat na First Year student sa isang Exclusive School  syempre bago naming gawan ng dokumentaryo at imbestigahan ang batang babae nakapag research naman ako kahit papano.

            Ayon sa mga awtoridad mabigat ang nagging kaso tungkol sa nangyare kay Maria Anderson malaking Misteryo ang bumabalot sa pagkamatay nya laolong lalo na sa pagkatao nya.

            Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa utak na Richard Go na yun kung bakit kaylangan pang ipag-aaksayahan ng panahon samin ang pag gawa ng dokyumentaryo tungkol dun eh, matagal nang issue yon, matagal ng patay si Maria 1991 pa ng mamatay yun hay, ewan ko ba talaga sa matandang panot na yun.!

            Anyways, Eto na ko ngayon, hinahanda na ang mga dadalhin ko mamayang madaling araw papuntang Cebu.

BEHIND THE SCENETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon