SA RESTAURANT...

37 0 0
                                    

^oy, nick hindi ka ba nagugutom^ -alex

^bakit syempre nagugutom na tao pa rin naman ako nakakaramdam din.^ -nick.

^oh sya, tara hanap tayo nang makakainan,^ -alex.

Biglang tingin sa akin ng may kahulugan si nick.

^huwag kang mag alala,! Libre ko!!^ -alex

Napangiti na lamang siya.

Bigla kong naramdaman ang init ng palad ni Nick.

^hoy! Holding hands while walking bitawan mo nga ako hindi bagay masagwa! hindi rin tayo talo! Utang yon noh, hindi yun libre hahahaha!^

pang-aasar ko, pero sa totoo lang para akong na kuryente ng maramdaman ko yun na may konting hiya may maipag mamalaki naman kasi si Nick, hindi lang gwapo matalino pa. kaya madaming babae ang nagkakandarapa sa kanya, samantalang ako, binabatukbatukan ko lang sya!.

Napakamot na lamang si Nick. Pero naka ngiti.

Nagtatawanan kaming pumasok sa isang sikat na Restaurant. Pumuwesto kami malapit sa may bintana mahilig talaga ako pumuwesto sa ganoon gusto ko kasing nakikita ang magandang view sa  labas. Umorder ako ng Beef Steak at pine apple juice Na paborito ko, at siya naman sizzling sisig at orange juice na paborito rin niya. At di mawawala ang extra rice!.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain.,

Nang may mapansin akong pamilyar sa akin.

Bakas ng kamay na puno ng putik sa may ibaba ng malaking salamin ng bintana sa puwesto namin, hindi kalakihan ang kamay na bumakas doon, maputik nga lang, sa isip-isip ko hindi man lamang nila ito pinunasan,

Nag bigay ng tawag pansin sa akin ang isang napaka gandang batang babae sa labas ng restaurant hindi ko alam kung bakit siya nakatingin sa akin…

Naka titig..

Hindi siya kumukurap…

Ang sama ng tingin niya sa akin…

Para niya akong lalamunin sa mga titig niya…

Humakbang siya, mula sa kanyang tinatayuan sa kabilang kalsada.

Papalapit siya sa akin, papalapit ng papalapit…

Nabitawan ko ang hawak hawak kong kutsara ng biglang may humarurot na kotse sa daan.

^yung bata!! Yung bata!, nasagasaan yung bata!^  -bulalas ko.

Nag umpukan ang mga tao sa labas, naka agaw atensyon naman sa mga taong kumakain sa restaurant na yun ang nagawa kong ingay.

^ano bang pinag sasabi mo dyan alex!^ -nick

^yung bata! Nasagasaan ng humaharurot na kotse!^ -aniya ko ng may kasamang panginginig ng panga.

Lumingon si Nick sa labas ng restaurant.

^ano ka ba alex, pusa! Pusa yung nasagasaan ng kotse! At walang bata! Gutom lang yan ubusin mo na yang kinakain mo at maghahanap pa tayo ng matutuluyan bago mag takip silim.^

-sagot ni nick habang tuloy sa pag nguya ng pakain.

Napatulala ako ng magsi alisan ang mga nakiki usyoso na mga tao sa kalsada ng Makita kong pusang itim ang nasa ilalim ng kotse duro-durog at naliligo sa sariling dugo ang pinag tataka ko ay may bakas nanaman ng putik na hugis kamay sa may bahagi ng ilalim ng kotse.

A/N

Nagpatuloy na nga sa pag ubos ng pagkain si Alex kahit laman ng isip pa rin niya ang batang babae at ang pusa. habang may isang nilalang na nakangiti at nakamasid sa kanya sa ilalim ng kotse…

BEHIND THE SCENETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon