Bahay

7 0 0
                                    


"Oh, Nick? Saan ka pupunta bakit parang nagmamadali ka?''

–Alex.

"ah- akala ko kasi... -- ay hindi wala naman, teka? Bakit naka ayos ka? Saan ang punta mo?" - Nick.

"Anong ako? Baka tayo! may pupuntahan tayo ngayon kaya bilisan mo na! maligo ka na!" –Alex.

"teka, sandali mag almusal muna tayo.. nag handa kami ng paborito mong almusal ni Aling Crising sa baba halika na samahan mo muna kami mag almusal." –Nick.

Tanghaling tapat nang marating nila ang Masukal na lugar ng Barangay Pueblos. Ramdam ni alex ang mainit at nakakasilaw na sikat ng araw.

"Alex, nasan ba tayo? Ano bang Lugar to?" tanong ni Nick habang sinisipa ang mga maliliit na bato at mga nalalalaglag na tuyong dahon sa kanilang dinadaanan.

"huwag ka na panay ang tanong dyan, bilisan mo nalang mag lakad" sagot ni Alex. Habang hawak ang maliit na kamera.

Mainit ang sikat ng araw na dumadampi sakanilang balat ngunit ramdam nila ang malamig na ihip ng hangin na hindi nila alam kung saan nag mumula.

Matataas na Puno ang pumapalibot sa Lumang Bahay na wari ba'y, ikinikulong nito mula sa liwanag halatang pinag lipasan na ng mahabang panahon .

Gawa sa Matitibay, at Magagandang Klaseng Bato ang ginamit sa Bahay mapag hahalatang mayaman ang may ari ng bahay na ito.

"bah!!"

Nagulat si Alex na may biglang Tumakip sa Lente ng kanyang kamera,

"ano ba Nick!"..

"masyado ka kasing seryoso dyan sa ginagawa mo" – Nick.

"eh diba nga dapat ikaw ang gumagawa nito!" sambit ni Alex habang pinupunasan ang hawak na kamera.

"mag set up ka na" –alex

"Miss Alex, wala bang magagalit sa atin dito? Wala tayong permit para kumuha ng mga impormasyon dito." Ani ni Nick habang sinisipat ang kabuoang anyo ng abandonadong Mansyon.

"wag kang mag alala, Nick sagot tayo ni Boss. Sige na dali na mag set up ka na". –Alex

Habang nag aayos ng mga gagamitin si Nick para sa kanilang gagawing Film Si Alex naman ay may napansing kakaiba sa kanyang sinasandalan...

Basa...

May tumatagas na tubig sa pader...

Hinipo nya ang pader, malambot parang putik at hindi gawa sa matibay na bato o semento katulad ng yari sa ibang pailigid ng bahay.

Napansin nyang parang may mga hiblang nka dikit sa pader... hinila nya ito, mahaba may maiksi kulay itim na parang sinulid pero manipis ang hibla nito.

"buhok? P-parang buhok? Ano ito?" nagtatakang tanong ni Alex habang sinusuri ang kanyang hawak.

"hoy Alex, kanina ka pa dyan!!" pasigaw na sabi ni Nick dahil sa ingay na sinasakyan nilang trycicle.

Alas dos na nang hapon ng matapos sila sa kanilang ginawang Film. May mga ilan lang silang nakuhanan na misteryosong bagay katulad ng mga karayom, karayom na ginagamit sa mga hospital may iilan na bago pa at ang ilan naman ay mga gamit na, may gwantes na pang opera.

"nick, i-edit mo nga kaagad sa Laptop mo agad ang video mamaya" sambit ni Alex na kanina pa tahimik habang ngumunguya ng burger.

Sa isang sikat na fastfood sila kumain habang naka titig pa rin si Alex sa hibla ng buhok na nasa loob ng clear plastic. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEHIND THE SCENETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon