This is it!
Nararamdaman ko nang magpopropose siya sa akin!
Ramdam na ramdam ko na!
Hindi naman siguro niya ako yayayain ditto sa pinakamahal na restaurant kung wala siyang plano diba?
Kuripot pa naman itong tao na ito.
Apat na taon kaming nagsama pero never niya akong dinala sa ganito kaganda at ka-class na lugar.
To think na ako ang tagapagmana ng Alonzo Enterprises tapos tinitipid ako?
Pero hindi koi yon pinapahalata, ganito pala talaga kapag mahal mo, isasawalang bahala moa ng nakaugalian mo para lang makibagay sa kaniya.
Ngiting ngiti ako maigi, feeling ko nga mapupunit na ang bibig ko sa kakangiti.
Kasi kininikilig ako!
May bigla kasing sumulpot na nagv-violin sa may gilid naming! Shet! Ramdam na ramdam ko na talaga!
Feeling ko naririnig ko na ang mga wedding bells, nakikita ko na ata ang mga nagsisiliparang kalapati e.
Wow. Ganito pala nagagawa ng pagmamahal sa akin!
I just love this man! Sa lahat ata ng nagtyaga sa ugali ko ay siya ang tumagal kaya ganito ko siya kamahal!
Na kahit ang layo ng agwat ng estado ng buhay naming ay wala akong pakielam!
Mahal ko siya kaya pinaglaban ko talaga siya sa tatay kong palaging pinaglihi sa sama ng loob!
Grr, naalala ko bigla yung mga sinabi ng matandang iyon! Hindi pa nga kami bati e. Kasi hanggang ngayon hindi niya pa rin matanggap na ang pinili ko ay itong lalaking nasa harap ko ngayon!
Ang lalaking handa akong pakasalan!
Shet talaga! Bakit parang lalo siyang gumagwapo sa paningin ko?
Ganun ba talaga iyon? Ganun ba talaga nagagawa ng pag-ibig na iyan?
Para akong nasa cloud 9! Ang saya-saya ko ngayon, kaso may sinasabi na ata siya! Actually, kanina pa ata siya nagsasalita e.
Kaso alam ko na iyan, paulit ulit naman niyang sinasabi na mahal na mahal niya ako.
Halos kabisado ko na nga e!
Kinikilig pa din ako!
"Babe—" sabi niya kaya lalo akong kinikilig!
Babe daw e..
Ngiting ngiti pa rin ako, kasi ang gusto ko lang naman marinig ay pinakaespesyal na tanong! Bakit ba kasi pinapatagal pa niya?!
Alam ko naman na ang isasagot ko e!
Matagal ko na itong pinag-isipan! Matagal ko na itong inihanda para sa kaniya!
Tanungin na niya kasi ako! Kuha ko na naman ang gusto niyang sabihin e!
Mahal kita babe, sobrang mahal kita. Iyon lang naman lagi niya sinasabi.
Ang tagal, naiinip na yung puso ko.
"Babe—" bakit ba babe ng babe itong gwapong lalaki na ito? Haaay. Sige na, hihintayin ko na lang, baka mamaya itatanong na niya yung tanong na kanina ko pa marinig.
Ready-ing ready pa naman na ang I do ko.
"..dont love you anymore..." O. M. G. Malapit na ata siyang magtanong!
Love daw e, diba ganun na yung simula nun? Tapos susundan na ng tatayo siya at luluhod tapos ipapakita iyong singsing na pinag-ipunan niya?
Kinikilig na talaga ako! Parang wala na akong kayang pakinggan, yung tenga ko naka shut off at makikinig lang kapag narinig na ang tanong na iyon.
BINABASA MO ANG
The Bitter Me
Humor"Hindi ginawa ang daan para lang gawin meeting place ng mga tao para sa kanilang kalandian" - Babe Morisette Alonzo