"I don't love you anymore..." mahal niya daw ako.. Love daw e. Mali, minahal pala kaso may malanding naki-epal kaya nawala nalang.
Four years, akala ko may wedding bells na pero ang naririnig ko lang pala ay yung bell ng sorbetero na naglalakad na labas ng restaurant.
May nakikita na akong kalapati, pero yun pala ay yung mga kalapati na pinapakain ng mga tao sa gilid ng lugar na ito.
Ano yung violin na naririnig ko kanina?
Nakarinig ako ng palakpakan malapit sa kinaroroonan ko, tumingin ako at nakita ang dalawang taong magkayakap. May nakita akong nag-violin sa gilid nila.
Napahawak ako ng mahigpit sa table cloth sa lamesa.
SO all this things I heard, akala koi to na yung araw na pinakahihintay ko.
Four years e! hinintay koi to, tinyaga ko na magkusa siyang tanungin ako ng ganito tapos ang itatanong niya sa akin ay okay lang na magbreak kami?
Gago ba siya?! Mukha bang okay? Akala ko kasi tatanungin na niya ako!
Mukha bang okay?
Mukha bang okay?!
Hindi ata makapaniwala kahit yung buo kong katawan sa mga nangyare, at ang sosyal niyang makipagbreak!
Sa pinakamahal at pinaclass na restaurant pa! Ano iyon? Pampalubag loob?
Ngayon ko nalaman na kailangan may class kapag makikipagbreak, inonote ko nga iyan.
Ireremind ko para pagnagkita kami, babasagin ko ang mukha niya ng sapatos kong mas mahal pa kesa sa sweldo niya buwan buwan!
Iiyak na ba ako? Kailangan na bang umiyak sa sitwasyon na ito?
Ang tanga ko e no, kinilig pa ako ng tawagin niya akong babe!
Babe siya ng babe, e, ako naman talaga si Babe!
Ano ba iyan, Mori! Babe ang pangalan mo!
Ganito ba nagagawa ng pag-ibig? PATI PANGALAN KO NAKALIMUTAN KO DAHIL SA PUT@ANG!NANG PAG-IBIG NA IYAN!
Hindi ko akalain na ganito niya sisirain ang pangarap ko. Hindi ko akalain na ganito niya ko sasaktan!
Hindi ako makahinga sa sobrang galit na nararamdaman ko, parang wala akong maramdaman sa sobrang galit. Parang biglang nagging manhid lahat ng parte ng katawan ko at ang nasa isip ko lang ay ang walanghiyang lalaking iyon!
Hindi sinasaktan ang tulad ko! At sinong malanding babae ang nakiepal sa maganda ko na sanang love life?!
Hayop siya! Hayop sila!
Tumayo na ako, makikita nila. Hindi ako papayag na akong ang iniwan, na ako ang nagmukhang tanga ditto.
Hindi ginagawang tanga ang isang Babe Morisette Alonzo! Alonzo ako, isang tagapagmana! Wala pang nananakit sa akin kahit kanino!
"Ah.. miss.." tinignan ko yung babaeng nakatayo sa tabi ko.
Mukha siyang waitress pero nagalit ata siya ng makita niya ang galit na galit kong aura.
"Ma'am..." sabi niya pa.
"What!!" nagulat pa ata siya, galit ako at gusto kong pumatay ng tao ngayon din!
"yung.. bill niyo po..." nanginginig niya sabi.
Natawa ako, napatawa pa nga ng malakas e. Wow, wow lang. Hindi lang pala siya kuripot, manggagamit pa!
Siya lang naman halos kumain ng pagkain kanina, tapos sa akin niya pababayaran?
Kaya pala ang lakas ng loob niyang imbitahan ako ditto, ako kasi ang magbabayad. Punyeta! Nakakagigil!
Ibinigay ko sa babae yung bayad at umalis na.
Nakita ko pa nga iyong dalawang tao na magkayakap kanina. Napatingin pa sila sa akin at parang gusto nila ishare ang tuwang nararamdaman nila.
Napangisi lang ako at tinitigan sila ng maigi. "Tss, magbebreak din kayo!" At umalis na ako, bago ko paguntugin ang dalawa.
Naiinis ako, at kapag may uminis sa isang Babe Morisette ay magsisisi.
Alam ko na ang gagawin ko, ganito lang naman iyon kasimple e.
Naglalakad ako sa may parking lot ng may makita akong di kaaya ayang tanawin sa daraanan ko.
"Mukha bang motel itong parking lot?" humugot ako ng 1000 at itinapon sa kanila. " Nahiya kasi ako, baka hindi niyo afford e, may sukli pa ata yan ipangkain niyo na din."
Tinignan ako ng masama nung babae, yung lalaki naman ay napanganga sa akin. Alam kong maganda ako, sobrang ganda kaya walang may karapatan na saktan ang tulad ko!
"Ang yabang mo ha!" sanghal ng babae sa harap ko, tumalsik pa ata ang ilang laway niya e, kadiri!
Tumawa ako ng bahagya, umiling at naglakad papunta sa puti kong kotse na katabi lang ng sa kanila.
Tumingin ako ng bahagya sa kanila at nakitang sinusundan nila ng tingin ang bawat galaw ko.
Napangisi na lang ako, "Hindi kasi motel ang daanan, naglolokohan lang naman kayo, tss." Sabi ko at sumakay na sa kotse.
Pinaharurot koi to hanggang sa maitigil koi to sa isang gilid. Hindi ko kasi napansin kanina pa.
Nanginginig pala ako, ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nanginginig.
At siguro nga ito yung oras na iiyak ka na, na ito yung oras na ilalabas mo lahat ang sakit.
"Ang tanga mo, Babe... ang tanga tanga mo." At humagulgol ako ng tuluyan.
s.N{
BINABASA MO ANG
The Bitter Me
Humor"Hindi ginawa ang daan para lang gawin meeting place ng mga tao para sa kanilang kalandian" - Babe Morisette Alonzo