Chapter 1

4.6K 74 30
                                    

Malamig ang simoy ng hangin at marikit ang alindog ng puno na siyang sumabay dito.

Nakita ko siyang nakahimlay sa kadiliman.

Naliligo sa sarili niyang dugo.

Nababalot sa sarili niyang luha.

Nalulunod sa sarili niyang dalamhati.

Hindi ko na namalayan ang luha sa aking mata. Ang kamaong siyang lulan ko'y bumaon sa lupa.

Tumakbo ako papalapit sa kaniya.

"Sorry. Sorry. Hindi kita naipagtanggol. Sorry." Pagtangis ko.

"Ayos lang yun mahal." Isang matamis na bungisngis ang namayani sa kaniyang mukha.

"Gaganti ako." Buong pait kong sambit.

Dumampi ang aking luha sa kaniyang kutis na kay mayumi.

"Wag." Turan nito bago siya tuluyang nagpasundo kay kamatayan.

Nawasak ang mundo ko.

Nasira ang buhay ko.

Oras naman.

Kung ayaw niya, ako na lang.

Death is for death. Justice shall be served.

Abigail's POV

"Sabi nga nila 'pag nagsusulat ka huwag mong masyadong diinan, kasi. Um..Kasi babakat ito sa susunod na pahina. Tulad sa pagmamahal. 'Pag masyado mong binigay ang lahat, ang sakit na dulot ng nakalipas, ay iyong bubuhatin hanggang sa kasalukuyan." ani ni Bailey habang marahan niyang inilalapat ang dulo ng kanyang ballpen sa makinis na papel ng kanyang kwaderno.

Isang matamis na ngiti na lamang ang ibinalik ko sa kanya. Hindi mo akalain na magmumula iyon sa labi ng isang babaeng naka-pigtails at salamin.

Pinuprutektahan ang kanyang maselan at maputlang balat ng manipis at lilang blazer na kanyang suot.

"Grabe ka naman makahugot, Mah Nigga." aking winika nang marinig namin ang kalembang ng kampana.

"Baka gusto mo nang pumasok?" Aking paanyaya.

Dali-dali naming kinuha ang aming mga bag. Ugh. Everytime talaga napatitingin ako sa 5SOS pin sa bag ko, hindi ko mapigilan ang kiligin. Na.. na para bang may paru-paro sa loob ng tiyan ko. Ang cute talaga ni Calum! Arrghh.

Ang pagtahak ng daan patungo sa aming silid ay kagaya pa rin ng first day. Mabagal. Siksikan. Ehh, kung hindi nga ako nakahawak sa nangangalawang na railings sa hagdan, Haha! Nagpagulong-gulong na ako sa hagdan!

"Oh my.. Ang init talaga, niggah" reklamo ni Bailey.

Hindi ko naman siya masisi. Talaga ngang napakaalinsangan ng tanghali. Nagbubutil-butil na ang pawis sa aking noo. Kadiri. Haggard na ko bago pa makarating sa room. Ew.

Pagdating sa room, ang unang bumungad sa akin ay ang sign na nagsasabing "Welcome to 10-Mendeleev" na mayroon pang larawan ni Santa Clause. Sus! Ang kuripot naman ng Adviser, patapos na ang klase, pangpasko pa rin ang mga palamuti namin.

"Abi. Bailey. Where have you been?" tanong ni Tiana na may timpla ng galit. Sa mahaba niyang buhok at mala-rosas na balat, hindi mapagkakaila na siya ang mansanas ng mata ng karamihan ng mga binata sa campus.

"Well? Will you keep me waiting? Ugh" aniya na nakapamewang. Ang ganda talaga ng mga alahas na suot niya. Nakakainggit. Haha.

"Sorry. Ito kasi si Bailey, gumawa pa ng assignment niya." Aking paliwanag. Naiinggit din ako sa height niya. Hustisya naman, oh. Grr. Hayaan mo na nga. Sabi nga nila, ang nga pandak ang tunay na cute. Humble lang tayo, Abi.

GROUP CHATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon