Joshua's POV
Seen.
"Oh. You mean the killer? Ikaw yun?!"
"Haha. 'Di pa ba obvious?''
"Thanks. Pinatunayan mo na ang agam-agam ko. Ang sama mo. Hindi ko inakala na ikaw pa. Bakit?"
"Justice, my friend."
"Para sa jowa mong patay na?!"
"Shut your fucking mouth!"
Galit na 'to. Haha. Time to seal the deal.
"The school will know this." Pagbabanta ko.
"Haha. Hindi ako bobo. Alam mo 'yan. You know, nasa school ako ngayon."
Actually, wala akong paki kung nasaan siya.
"So what?"
"'Di ba nasa girlscout ang little sister mo today? Haha."
"Don't you dare." Lumakas ang pagtibok ng aking puso na tila tatalon na ito palabas sa dibdib ko.
"Speak and I'll kill her."
"You wouldn't even dare."
"Saw what I did with Maggie? Tingin ko, sapat na 'yun para kumbinsihin kang hindi ako natatakot na mamantsahan ng dugo 'tong kamay ko."
"I'll keep quiet. Just don't go near her."
"Deal."
Hindi na ako mapakali at napaisip. What if I go to school early at sunduin ng maaga ang kapatid ko. Then, this will be a whole lot easier.
Naghilamos agad ako ng mukha sa banyo kahit hindi pa kumakain. Maagang pumasok ang nanay at tatay ko.
Nakakapresko kahit papaano.
Nakaramdam na lamang ako ng matinis na bulong sa tenga ko.
Rumagasa ang lamig sa batok ko.
"Mag-ingat ka"
Guni-guni ko lang ba iyon?
Never mind. Importanteng masundo ko agad ang kapatid ko.
Since walking distance lang naman ang school, naging mabilis ang pagtahak ko papunta dito.
Pinapawisan na ako ng kaunti dahil na rin sa init ng araw.
There they are! Nasa kabilang building sila ng school. Mabilis ko silang nasulyapan dahil sa bright green uniforms nila.
Agad naman akong pinapasok ng guard since matagal na rin kaming magkakilala.
Malaki ang school grounds kaya hindi ko sila agad naabutan. Ngunit nakita ko naman na umakyat sila papuntang auditorium.
Meron kasing program ngayon. So mostly ng students ay nandoon.
Nasa bandang hagdan na ako. Madilim-dilim dito.
Nakarinig ako ng mabibilis na yabag. Bago pa ako tuluyang makalingon, naramdaman ko ang paglagapak ng isang mabigat na bagay sa aking ulo dahilan upang mawalan ako ng malay.
"Sabi ko, mag-ingat ka." Tahimik na bulong sa hangin.
Nagising na lamang ako dahil sa malamig na tubig na ibinuhos niya sa akin. Siya nga.
Nasa isa akong lumang building sa gitna ng kakahuyan.
Alam ko ang lugar na ito! Ito yung kakahuyan sa likod ng school.
Nakita ko sa isang mesa malapit sa akin ang cellphone ko, kasama ang isa pang cellphone, at.. at ang bag ni..
"Buti't nagising ka na, Joshua."
BINABASA MO ANG
GROUP CHAT
KorkuMalamig ang simoy ng hangin at marikit ang alindog ng puno na siyang sumabay dito. Nakita ko siyang nakahimlay sa kadiliman. Naliligo sa sarili niyang dugo. Nababalot sa sarili niyang luha. Nalulunod sa sarili niyang dalamhati. Nawasak ang mundo ko...