Thor's POV
"Enjoying the food.?"
Hindi na ako nakasagot.. malalim pa rin ang iniisip ko. Shit. Ano ba 'to?
Then it hit me. God. Hindi yun basta-bastang basement lang.. Y-yun yung nasunog na bahay sa gitna ng kakahuyan. Tss.. maybe it's not too late..
"Mom.." tumakbo agad ako papaalis sa hapagkainan. I need to get there asap. "May pupuntahan lang ako.. Kukunin ko ang motor. Urgent lang po."
"Uhm. Okay Thor.. becareful.."
Abigail's POV
Pfft.. grabe naman 'tong si Mama.. isipin mo.. Alabang pa ang pinagtatrabahuhan niya't nagpasundo pa.. yun pala hinatid na ng katraba ho niya.. nagsayang pa tuloy ako ng oras at pamasahe.
Currently, nandito ako sa hindi ko alam na lugar.. hehe.. nag-aabang lang ng kahit anong pwedeng sakyan.
Hmm.. wait.. ang hangin.. parang..
Naputol ang iniisip ko nang nagsimula na ang pag-ulan.. nagsimula sa kaunting patak. Palakas na palakas na ito kasama ang bugso ng hangin. Huuu.. buti may dala akong payong. Kahit nababasa nang kaunti, it's better that nothing.
Haaayyss..Jusko, sa wakas may bus nang paparating. Tila naging tagasagip ko ang liwanag na kubli nito. Automatic naman itong tumigil sa harapan ko kasi nasa Bus Station naman ako..
Tatapak na sana ako paloob nang marinig ang boses ng isang ginang. "Wait ho!"
Nakita kong basang basa na ang babae tila ba'y nasa late 30s na. Parang pamilyar sa akin ang mukha niya, ah...
Dahil na rin sa bugso ng awa. Sinundo ko siya gamit ang aking payong at inalalayan papaakyat ng bus. Airconditionized ito pero masfeel ko ang lamig dahil basa ako ng kaunti.
Buti may vacant pa na mga upuan at nagkataon na katabi ko pa ang ginang na inalalayan ko kanina.. hmm.. familliar talaga ang face niya.. nasa dulo na ng dila ko.
She's the first one to break the silence. "Iha, nakakahiya pero alam mo ba kung nasaan ang San Isidro Village? Naliligaw kasi ako.. sabi nila malapit lang daw dito.." nakakagaan ng loob ang tinig ng ginang.
San Isidro Village?? Doon kami nakatira, ahh..
"Ay! Doon po ako nakatira.. sumabay na lang po kayo sakin.. malapit-lapit na po tayo roon.."
"Talaga? Haha.. salamat, iha.. naaalala ko tuloy sayo ang anak ko.."
"Haha.. ganda naman po pala ng anak niyo.."
Mahinhin siyang tumawa.. kulit ang buhok niya at simple ang kaniyang pananamit. Tila ba taga-probinsya 'to.. Napakaaliwalas.. nakakagaan ng loob. Pero ang panandalian niyang bungisngis ay napalitan ng luha.
Why, oh Why..
Inabutan ko siya ng tissue na nasa bulsa ko..
"Salamat ulit, iha.. naalala ko lang kasi talaga ang anak ko.."
"Ano po ba nangyari?"
Ghad.. huhu... lalo pa siyang napaiyak.. nice one, Abi.
"Ay, sorry p.." pinutol niya ako..
"Nag-abroad kasi ako para sa anak ko.. sa pag-aaral niya.. pinatira ko muna siya sa lola niya.. Uuwi sana ako para bumisita at mangamusta.."
Pinunasan niya ulit ang luha niya..
"Masakit po talagang nahiwalay sa pamilya.. 'Wag na ho kayong umiyak isipin niyo magkikita na ulit kayo.." tinapik ko siya ng kaunti sa balikat.
"Hindi na pwede, ehh.."
BINABASA MO ANG
GROUP CHAT
TerrorMalamig ang simoy ng hangin at marikit ang alindog ng puno na siyang sumabay dito. Nakita ko siyang nakahimlay sa kadiliman. Naliligo sa sarili niyang dugo. Nababalot sa sarili niyang luha. Nalulunod sa sarili niyang dalamhati. Nawasak ang mundo ko...