To All Readers and Future Readers,
Please excuse this childishness. Char. Currently po, inaayos ko itong book. Marami po akong idadagdag, babaguhin, aayusin. Sa ngayon, napaka-jeje pa ng book na ito pero sana by the end of the year, matapos ko na sya.
Yun lang. Thank you so much!
-sleepyheadedpig
Prologue
Loka-Loka
"Wooh!" Rinig kong sigaw ni Autumn mula sa bleachers. "Go Skye! Ang gwapo mo, ikaw ang pinakagwapo!"
Napailing ako habang tumatakbo upang agawin ang bola. Hindi ako nahihiya sa sarili ko. Nahihiya ako para sa kanya. Para syang ewan. Tumatayo tuwing nakaka-score ako. Nagwawala sa tuwing may nafa-foul nang dahil sa akin. Kulang na lang murahin nya yung taga-kabilang team. Inaabangan ko na lang nga na tumakbo sya papunta sa gitna ng gym at gumulong-gulong doon para magpapansin. Baliw talaga.
Bangag
Nakatungo lang sya habang nasa gitna ng klase. Ang galing nga eh. Hindi sya napapansin ng teacher namin.
"Hmnmnmn..." Narinig kong bulong nya. May naisip akong kabulastugan. Natutulog ka sa gitna ng klase ah.
"Wah!" Ginulat ko si Autumn pero hindi ganun kalakas. Sakto lang para magulat sya at hindi marinig ng teacher namin.
"SUNOG! SUNOG!" Sigaw nya na lang bigla. Lahat ng mga kaklase namin, pati ang teacher namin, napatingin sa kanya. Lahat sila, halatang nagulat sa biglaang pagsigaw nya. Ako naman, patawa-tawa sa isang tabi. Hahahahaha!
"Miss Martinez, why the hell are you screaming?" Tanong ng teacher namin.
"Sir?" Nakangangang tanong nya. "I... umm... sorry sir. Nagulat lang po ako." Napayuko sya.
Hindi na sya pinansin ni sir pagtapos. Pero balik sa pagtulog si Autumn nung natapos ang klase. Hula ko, madaling araw na naman ito natulog kaka-internet.
Isip Bata
"Kuya Skye may program daw sa gym ngayon. Tara, nood tayo." Aya ni Drea, isa sa mga kaibigan namin ni Autumn.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Ewan, University Day daw." Sagot nya.
Nagpunta nga kami ng gym kasama sina Autumn at Calvin, yung isa pa naming kaibigan. Silang dalawa yung magkasama kaya paminsan-minsan, sinasamaan ko ng tingin si Calvin. Alam ko kasing may gusto sya kay Autumn eh.
Wala akong gusto kay Autumn ah. Protective lang talaga ako, bilang older brother na best friend nya.
Natapos ang program sa gym. Wala namang nangyari, may mga sumayaw at kumanta lang din. Ang korni nga. Pero si Autumn, tuwang-tuwa kasi nakakuha sya ng balloons sa may stage. Isip bata talaga. Tawa pa sya nang tawa habang naglalakad kami. Kung hindi ko lang 'to kilala, malamang, matagal ko nang inisip na baliw talaga sya.
Kaso lang, habang naglalakad kami, sumabit sa sanga ng puno yung lobo nya at pumutok ito. Nagulat kaming lahat sa malakas na tunog na gawa ng pagputok ng lobo. Nauunang maglakad sa amin si Autumn kaya nung pumutok yung lobo, lumingon sya sa akin.
Hindi ko maexplain pero para syang naiiyak sa lagay na yun. Nangingilid ang mga luha nya tapos ngumunguso na sya. Naiiyak na nga sya. Bigla na lang tumulo ang luha nya at ngumawa.
"WAAAAH! Yung lobo ko!" Iyak nya. Grabe, para talaga syang bata. Nakatitig lang kaming tatlo sa kanya. Buti na lang, walang ibang dumadaan sa dinadaanan namin. "Yung lobo ko!"
Lumapit sina Drea at Calvin sa kanya at pilit syang pinakakalma pero ayaw nyang tumigil sa kaiiyak. Tinapik ko si Calvin at umalis. Pumunta ako sa pinakamalapit na tindahan sa loob ng campus at bumili ng lollipop. Ano ba ang nakakapagpatahan sa mga bata? Di ba, candy?
Nakahalukipkip si Drea sa gilid ni Autumn habang si Calvin naman, hindi magkandaugaga sa pagpapatigil kay Autumn na umiyak. Lumapit ako kay Autumn at itinapat sa mukha nya yung lollipop.
"Oh." Namulat ang mata nya dahil nakapikit sya tuwing umiiyak. "Wag ka nang umiyak. Eto, lollipop oh." Sabi ko at pinunasan ko ang mga luha nya. Napangiti sya at inagaw sa akin ang lollipop. Maya-maya, masaya na naman sya ulit.
Kung idedescribe ko si Autumn, malamang aabutin ako ng tatlong taon para lang malaman ng tao kung anong klaseng babae sya. Hindi naman sa sinisiraan ko sya pero eto kasi ang side nya na hindi alam ng maraming tao.
Eto yung side nya na nagustuhan ko talaga sa kanya.
Kahit ako, takang-taka kung bakit ba na-in love ako sa babaeng ito. O baka nagkamali lang ako.
Pero eto ang ikinagulat ko. Nawala sya nang anim na taon. Anim na mahahabang taon. At pag-uwi nya, may kasama na sya.
-----------------------------------------
New Prologue uploaded. Currently in the process of editing this book because alams na. :)
NEW COVER courtesy of @Rinaxhan :) Cute diba? :) Salamat Rina! :D :*
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Baby
RomantikBangag ang best friend ko pero mas bangag ako. Pero, WHAT THE HELL HAPPENED? After six years, hinintay ko sya, bigla syang babalik, may souvenir pa?! Ako si Skye. At ito ang malanding kwento ng buhay ko.