Chapter 7

18.1K 353 14
                                    

CHAPTER 7

Ilang buwan na nga ba? Ah, hindi lang pala buwan. Taon na nga pala ang nakalipas mula nang huli kong makita ang pagmumukha ni Autumn. ANIM NA TAON. Anim na taon ko na syang hinihintay, inugat na lang ako di pa rin sya nagpapakita.

At hindi man masyadong halata pero 27 years old na ako. Syempre, gwapings pa rin ako 'no. Dapat hot lagi sa paningin ng mga girls. 24 na si Autumn. Kumusta na kaya sya? May asawa na rin ba sya? Si Andrea meron na eh. Si Calvin, bachelor din tulad ko.

"Sir, eto na po yung files na pinapahanap niyo." Sabi ng secretary ko. Naks, bigtime na 'ko eh. Bunga na rin ng pagsisikap, eto ako ngayon, malapit na sa posisyon ng presidente. Hoho, pero wala akong balak na maging presidente pero syempre kung may opportunity, iga-grab ko na! 

"Salamat."

Taktaktak.

Nagtype type ako sa computer. Kunyari daw eh hardworking pero ang totoo, nagfe-Facebook ako. Nagmessage kasi si Calvin, may parang party ata sa kanila. Naalala ko tuloy yung party ni Andrea. Sino ba talaga yung babaeng yun? Napa-puzzle talaga ako sa pagkatao nya.

Calvin Reyes: Pre, punta ka ng bahay mamaya.

Skye Gonzales: Ano na namang meron?

Calvin Reyes: Grabe ka naman. Birthday ko kaya ngayon.

Skye Gonzales: Joke lang naman. Sige sige, pero baka mahuli ako ha. Magkakape muna ako.

Calvin Reyes: Baliktad ka man, inuna mo pa ang kape. May hungover ka kaagad?

Skye Gonzales: Tungik. Trip ko lang. Sige sige, out na ako. Magtatrabaho pa raw ako.

Calvin Reyes: Weh? First time ba yan? HAHAHA!

Skye Gonzales: WAREBER! Gudbay.

Pinatay ko na yung computer ko at niligpit yung mga gamit ko. May malapit na coffee shop sa opisina namin kaya lalakarin ko na lang yun. Sinabihan ko na rin yung secretary ko na kung gusto nya nang umuwi, umuwi na sya.

Nilakad ko lang yung coffee shop. Yung ibang gamit ko, iniwan ko na sa kotse. Pumasok ako sa coffee shop tapos tumunog-tunog yung chimes sa may pinto.

Papalapit na ko nun sa counter nang may naaninag akong pamilyar na mukha. Lumapit ako at hinawakan ang balikat nya. Nagulat sya at biglang humarap sa akin.

"Autumn?"

"Skye..."

--------------------- OWMAYGAAHD Nagkita na sila? Anong mangyayari? o____o Ewan ko. Hulaan na lang natin. ;) Vote po, or comment. OR SHARE IT TO YOUR FRIENDS PARA HAPPPE!!!

My Best Friend's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon