Chapter 20 [Final Chapter]
Pinakamasayang feeling siguro ay yung katabi mo yung taong pinakamamahal mo sa simbahan, sa araw ng kasal nya. Pero ang pinakamasakit na pakiramdam ay ang katotohanang hindi ikaw ang taong pakakasalan nya.
Masakit diba? Tumatagos hanggang buto.
Pupunta pa kaya ako sa kasal? Ngayong araw na yun eh. Pero eto ako, nakahiga sa kama, nagpapanggap na natutulog, para hindi ako guluhin ng kahit na sino.
*tok tok tok*
"Anak?" Tawag ni Mama mula sa labas ng kwarto.
"Po?"
"Papasok ako ha." Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok na si mama.
Hindi ako sumagot pero naramdaman ko ang pagbaba ng kutson sa tabi ko, siguro umupo si Mama sa kama ko. Bigla kong naramdaman ang haplos ng magaspang na kamay ni Mama sa braso ko.
"Diba, ngayon ang kasal ni Autumn?" Naku naman si Mama, pinaalala pa talaga. Kainis.
Tinabon ko ang unan ko sa mukha ko. "Mm nmn!"
"Ha? Ano?" Agad kong tinanggal ang unan sa mukha ko at nagsalita.
"Wala po." Nakasimangot na sagot ko.
"Hay naku, ikaw bata ka. Hala, maligo ka na nga doon. Baka ma-late ka pa sa kasal." Umayos ako ng upo.
"Ma..." Sabi ko habang nakayuko.
"Oh?"
Bigla ko na lang niyakap si mama ng mahigpit, at saka tumulo ang mga luha ko. Pakshet. Baklang bakla.
"A-anak... Sige, iiyak mo lang yan." Hinaplos ni mama ang likod ko. At parang bata, umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog akong muli.
----------
Ang ganda ganda ni Autumn. Heto sya ngayon at naglalakad papunta sa akin. Napalingon ako sa tabi ko, nakita kong nakangiti rin si Calvin sa kanya. Tumingin ako kay Autumn. Nakangiti sya pero hindi sya sa akin nakatingin, kundi kay Calvin.
Gusto kong isiping panaginip lang ang lahat ng ito. Gusto kong isipin na mamaya, gigising na ako at sasabihin ko sa sarili ko na hindi naman totoo itong nagaganap sa harapan ko.
Ikakasal nga ang babaeng mahal ko, pero hindi naman ako yung pakakasalan nya.
Saklap talaga ng buhay.
Buong hapong yon, pinipilit kong hindi tumulo ang luha ko. Matagumpay naman ako sa pagpipigil.
Sana pala, hindi na lang ako umattend. Sana pala, hindi na lang ako pumayag na ako na lang yung best man. Ang sakit pala. Ang sakit sakit. Parang mamamatay ako sa sobrang sakit.
Pagdating sa reception area, tahimik lang ako sa isang tabi. Kasama ko sa table yung iba pa naming common friends na mga lalaki. Lahat sila, nagtatawanan. Pinagkakaisahan na nga nila ako, dahil ang tahimik ko nga raw. Gusto ko sanang magalit pero wala na akong lakas pa para magawang magalit. Ni hindi ko na rin nga kayang ngumiti.
Ang tanga-tanga ko talaga ano? Mahal ko si Autumn pero hindi ko maipakita yun sa kanya.
Siguro, akala nya, hanggang salita lang ako. Kasi hindi ako gumawa ng kahit anong move para maipakita sa kanya kung gaano ko sya kamahal.
At ayun, sumayaw na silang mag-asawa.
Ang sakit pakinggan na ang dating Autumn Martinez na kilala ko, Autumn Reyes na ngayon.
Habang nagsasayawan yung ibang mga bisita, naupo naman sina Autumn at Calvin sa mesa nila sa harapan. Masaya silang nag-uusap.
Lumabas ako. Hindi ko na kinaya ang pressure. Shet.
Naupo ako sa steps sa hagdan. Nasa rooftop kasi ang reception area ng kasal nila. Hanggang dito, rinig ang slow music na nanggagaling sa loob. Naiistress lang ako.
Lumapit ako sa may bintana at dumungaw. Ang ganda ng gabi. Pero ang mood ko, hindi. Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Umikot ako at nakita sina Autumn at Calvin.
"Dude, iwan ko muna kayo dito." Sabi ni Calvin at bumalik uli sa may party.
Tumango ako at yumuko. Ayaw ko nang makita ang magandang mukha ni Autumn. Lalo lang nadudurog ang puso ko.
"Skye..." Hinawakan nya ang kamay ko. Gusto ko sanang bawiin pero hindi ko kaya. Hawak pa lang nya, nanlalambot na ako. Bakla.
Hindi ako tumingin sa kanya. Hindi ako makatingin. Hindi ko kaya.
"Congrats." Mapait na sabi ko. I meant what I said but it so fvcking hurts.
Bigla nya akong niyakap. Napaurong tuloy ako.
"A-Autumn..." Niyakap ko na rin sya at ibinaon ko ang mukha ko sa mabangong buhok nya.
Walang nagsalita sa amin. Unti-unting tumulo ang mga luha ko at nabasa ko na ang buhok at balikat nya. Humiwalay ako at pinunasan ang mata ko.
"S-Sorry." Suminghot pa ako ng sipon.
"Skye..."
Mukhang wala naman kaming dapat pang pag-usapan.
"Bumalik ka na sa loob Autumn." Sabi ko sa kanya at lumayo. "Uuwi na rin ako eh."
"Ayoko. Mag-usap muna tayo. Kelangan natin ng closure." Sabi nya.
"Closure? Bakit? Para saan?" Nagtatakang tanong ko at suminghot pa ng sipon. Tss. Kaasar naman to, panira. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at nag-excuse. Saka ko sininga yung sipon. Hay.
"I mean... ewan ko. Teka. Ano... uh. Yung tungkol sa feelings mo."
"Ah..."
"Sana...maging friends pa rin tayo."
"Friends naman tayo ah. Hindi magbabago yun."
"At sana... tanggaping mo na... na..."
"Na si Calvin talaga ang mahal mo? Matagal ko nang tanggap yun."
"..." Hindi na sya nakapagsalita pa.
"Alam mo Autumn, kung kelangan mo ng kuya, andito lang ako. Hindi kita iiwan. Mahal kita. Saka, basta masaya ka, masaya na rin ako." Kahit na masakit.
"Salamat Skye." At niyakap nya akong muli. Tapos nun, bumalik na sya sa loob.
Umuwi na ako pagkatapos. Pagdating ko, nasa bahay na rin si Mama. Mukhang hinihintay nya talaga ako.
"Oh, kumusta?" Tanong nya.
"Okay lang ako Ma."
"Nagkausap kayo ni Autumn?" Tumango ako.
"Maayos na rin kaming dalawa." Umupo ako sa tabi ni Mama.
"Alam mo anak. Hanga ako sa iyo." Sabi ni mama.
"Bakit? Ma. Ang duwag duwag ko. Umamin nga ako kay Autumn na mahal ko sya pero hindi ko napanindigan yun. In the end, ako pa rin ang talo dahil hindi naman ako ang pinili nya." Umiling si mama.
"Mali ka anak. Matapang ka. Dahil nakayanan mong pakawalan ang taong mahal mo para lang maging masaya sya, kahit na alam mong ito ang pinakamasakit na bagay na pwedeng mangyari sa iyo." Tinapik ako ni mama sa balikat. "O paano, matutulog na ako. I-lock mo na lang ang mga pinto. Patayin mo rin ang mga ilaw, magastos sa kuryente."
Umakyat na si Mama sa kwarto. Naiwan akong mag-isa sa sala.
Tama nga siguro si mama. Kung sa tingin ng iba na naging malaking duwag ako, dun sila nagkakamali.
Ito ang naging kwento ng buhay ko. Ang pinakamasakit na parte ay yung makita kong masaya sa piling ng iba ang taong mahal ko.
Pero mas masakit pa yata doon ang hindi man lang kami nagkaroon ng kissing scene ni Autumn.
---------------------
WAHAHA! Ending na sya! :D Pero syempre, may epilogue pa ito. Post ko siguro bukas. Sana mapost ko bukas.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Baby
RomanceBangag ang best friend ko pero mas bangag ako. Pero, WHAT THE HELL HAPPENED? After six years, hinintay ko sya, bigla syang babalik, may souvenir pa?! Ako si Skye. At ito ang malanding kwento ng buhay ko.