Chapter 9

18.6K 329 25
                                    

CHAPTER 9

"A-anong sabi mo Mikey? Kamukha ko ang Daddy mo?" Tanong ko.

"Opo Tito. Bakit po? Do you know my Daddy?"

"Ah, hindi hindi." Sabi ko. Hindi na ako pinansin ni Mikey nun kasi nilabas nya yung PSP nya at naglaro.

Tumingin ako kay Autumn pero hindi ko maintindihan yung facial expression nya. Hindi ko maintindihan kung lungkot ba o inis yung nasa mukha nya.

"Ah, Skye, aalis na kami, may pupuntahan pa kami ni Mikey eh. Okay lang ba?" Tumayo sya at inayos yung palda nya. Parang hindi na ito yung nakilala kong Autumn noon. Si Autumn, kilala na hindi nagpa-palda kahit na anong pilit. School uniform lang ang palda nyan sa bahay.

"Uhh, okay. May pupuntahan rin ako eh. Sige." Ngumiti lang si Autumn at naglakad na sila palabas ni Mikey. Si Mikey naman kumakaway-kaway sa akin. Kinawayan ko rin sya. Ka-cute talagang bata.

"Babay po Tito Skye! Kita tayo ulit!"

"Bye Mikey!"

"Pare, saan ka galing?" Nagfist bump kami Calvin.

"Nagkape lang pare."

"Wohsuuus! Nakipagdate ka eh!"

"Gagi hindi uy." Depensa ko. Kahit nga na nagdate kuno kami ni Autumn.

"Sooz, blooming ka kaya!" Automatic na napahawak ako sa mukha ko. Eeew, bakla.

"Tange, blooming ka dyan! Ano ko, bakla?" Tumawa lang si Calvin tapos kinindatan ako, samahan pa ng kagat-labi nya. KINIKILABUTAN AKO PARANG AWA NIYO NA.

Binatukan ko nga ang loko.

"Aray ko naman!" Sabi nya habang hinihimas ang ulo nya.

"Buang ka ba. Pumasok na nga lang tayo."

"Payn, payn."

My Best Friend's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon