CHAPTER 12
"A-anak mo sya? May anak ka na?" Bulong ni Calvin sa amin ni Autumn. DI sinasadyang nagkita kami sa mall haang sinasamahan ko mag-shopping si Autumn para sa mga damit ni Mikey.
Tumango lang si Autumn at yumuko. Siguro hahayaan ko munang mag-usap silang dalawa. Nalaman kong may gusto rin pala noon si Autumn kay Calvin.
Ang sakit pala. Ang sakit na malaman mo mula sa babaeng gusto mo na yung kaibigan mo ang gusto nya. Hindi ko maimagine yung mukha ko nun, nakangiti ako pero malapit nang tumulo ng luha ko. Ang ginawa ko na lang eh kunyari inayos ko yung sintas ng sapatos ko pero pinunas ko na yung luha ko sa tuhod ko.
Mas masakit ang magparaya. Yung nakikita mo sila at alam mong gusto nila ang isa't isa. At tingin mo na lang sa sarili mo eh ikaw ang kontrabida sa kwentong ito.
"Uh, hahayaan ko muna kayong mag-usap dyan... doon lang ako kay Mikey."
Hindi sila sumagot kaya tumayo na ako at lumapit kay Mikey. Naglalaro sya sa playground sa mall na malapit sa coffee shop kung saan nag-uusap sina Calvin at Autumn.
"Mikey!" Tawag ko.
"Bakit po tito?" Tanong nya. Lumuhod ako para magka-height na kami.
Parang gusto kong itanong yung tungkol sa papa ni Mikey. Hindi sumasagot si Autumn sa tuwing tatanungin ko sya tungkol sa tatay ng anak nya.
"Bakit sabi mo noon kamukha ko yung daddy mo?" Ngumiti sya sa akin.
"Opo tito! Kamukhang-kamukha niyo po si Daddy ko. Pero... mas bata lang po sya sa inyo pero kamukha niyo sya. May kambal ka po tito?" Umiling ako.
"Wala eh. Pero ano ang sinasabi sa iyo ng Mommy mo pag tinatanong mo sya tungkol sa Daddy mo?"
"Uhm... sabi po nya, mabait daw po yung Daddy ko at saka gwapo. Pero mas gwapo ka sa kanya Tito." Pi-nat ko yung ulo nya. Bata pa lang bolero na. Parang ako noon.
"Ikaw talagang bata ka."
"Hehehe. Alam mo ba tito, sana ikaw na lang ang Daddy ko." Nagulat ako sa sinabi nya.
"Huh? Bakit naman?"
"Kasi love mo si Mommy."
"Eh... love ko sya bilang best friend lang Mikey."
"Hindi. Love mo talaga si Mommy ko. Love mo sya na love na love. Yung parang sa TV." Ano ba itong pinagsasasabi ng batang ito?
"Hahaha! Ano ba yang pinagsasasabi mong bata ka. Mas love ni Tito Calvin si Mommy mo. Sya na lang ang Daddy mo." Umiling sya at parang naiinis yung mukha.
"Ayoko kay Tito Calvin. Hindi naman nya love si Mommy eh. May love sya na ibang girl."
"Oh? Paano mo naman nalaman yan?"
"Wala lang po. Alam ko lang. Kasi pag tumitingin sya kay Mommy, hindi katulad ng tingin mo. Yung iyo may Loooove. Sa kanya, wala." Tinakpan ko yung bibig nya. Aba, baka mamaya marinig pa ng nanay nya eh di mahuhuli pa ako nun.
"Ikaw ang daldal mo talaga. Kanino ka ba nag-mana?" tanong ko. Tinanggal nya yung kamay ko.
"Baka po sa iyo. Pero basta, simula ngayon, ikaw na ang Daddy ko!" Tumakbo sya pabalik kay Autumn. Tumayo naman ako at sumunod. Naku, baka kung anong isumbong nung batang yun sa nanay nya.
Tumakbo pabalik sa akin si Mikey at hinila nya yung kamay ko papunta sa dalawa.
"Mommy! Mommy! Mula ngayon si Daddy Skye na ang Daddy ko ha?" Nagulat si Autumn at tumingin sa akin. Umiling ako at sinabing hindi ko alam kay Mikey.
Nagulat din si Calvin at tumingin kay Mikey. Tapos tumingin sa akin. Tapos tumingin ulit kay Mikey.
"Mikey." Tawag nya. Lumingon si Mikey kay Calvin. "Kung gusto mo, ako na lang Daddy mo." Dinilaan sya ni Mikey.
"Ayoko sayo! Di mo naman love si Mommy eh. Buti pa si Da-" Tinakpan ko yung bibig nya. Whew, muntik na yun!
Tinanggal ni Autumn yung kamay ko sa pagkakatakip sa bibig ng anak nya.
"Mikey, ano yung sinasabi mo kanina?" Tinakpan ko yung mukha ko. Eto na.
"Ang sabi ko po Mommy. Si Tito Calvin, hindi ka love. Si Daddy, love ka nya."
Sana... sana lamunin na ako ng lupa.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Baby
RomanceBangag ang best friend ko pero mas bangag ako. Pero, WHAT THE HELL HAPPENED? After six years, hinintay ko sya, bigla syang babalik, may souvenir pa?! Ako si Skye. At ito ang malanding kwento ng buhay ko.