Chapter Fifteen more fun more kilig. Para fair naman ay bibigyan ko ng moment ang tatlong prinsipe so expect kilig overload :)
Yuki's POV
"Yuki! tara na para kaagad tayong makarating sa destinasyon natin!" ang sigaw ni Yumi na ikinasimangot ko naman. Paano naman kasi alas tres palang ng madaling araw eh kung makasigaw wagas! Hahaha
"Couz! Pwede kana sa magcaller kung makasigaw dinaig pa ang mga caller sa EDSA" ang sabi ko na may pagkasarkastikong tono.
"Ang bagal mo kayang magbihis dinaig mo pa kaming mga babae sa tagal mong gumayak" ang balik naman nya sa akin na mas kinainis ko, kasi naman ewan ko ba pati ang mama ko ganyan sinasabi sa akin tsk! syempre gusto ko malinis at presentable ankong tignan kapag lalabas ako.
At hindi nga nagtagal nakaalis na kami mga 3:15 am palang yun ng madaling araw. Taliwas sa original plan na sa Boracay ang mga napanalunang vacation tickets ni Kyun Ho, yup you heard it right yung napanalunang ticket ni Kyun Ho ang ginamit namin actually lahat ng mga sinama namin ay yung mga close lang talaga dahil di ba nga lumipat na ng school at sa section namin si Kyun Ho? so wala na syang sinama maliban sa iilang mga barkada nya from his former school, sa isang probinsya nalang kami pumunta tutal kahit saan naman pwede yung ticket nayun, di ko nga alam kung saan nila nakuha yun eh.
Isang van ang ginamit namin, ang nagdadrive ay si Brant Neal, sa tabi nya ay si Zander (buti nalang nagkasundo sundo muna kami na wala nang bangayan kung hindi sure ako na magkakagulo kapag nagkataon), sa likod nila ay kaming tatlong magbestfriends tapos si Izumi at si Kian sa likod naman ay si Kyun Ho at ang tatlong barkada pa nya na si Luna, Dalton at si Tryker.
(N/A: kayo nang bahalang magimagine kung paano sila nagkasya dun hahaha)
Buti nalang nagdala ng guitar si Sake kaya di masyadong awkward at tahimik ang byahe papunta sa destinasyon namin. Umupo si Sake sa isang maliit na upuan na parang director's chair paharap sa amin at nagsimula na syang mag strum.
(Now Playing: Hollywood by Michael Buble)
Patuloy lang kami sa jamming namin hanggang sa di na namin namalayan na nakarating na kami sa destinasyon namin sa isang bayan malapit sa Ilocos Norte. Nagcheck in kami sa isang beach resort/ golf and recreations club/ reserve forest. Ang ganda ng lugar pagpasok palang namin makikita mo na yung malaking garden na may central park sa gitna na may fountain after ng garden ay makikita mo yung isang malaking villa sa gitna at ilag metro lang ay makikita ang bughaw na tubig ng dagat tapo sa both sides ng beach may natural forest tapos yung sa bandang right side may isang parang malaking parang green house din pero ang kinaiba nun parang wala mang masyadong halaman sa loob at parang wala syang bubong, para saan kaya yun? Sa left side naman katabi nung gubat may malaking golf course.
Naputol ang pagtingin ko sa nakakamanghang ganda ng lugar na to ng tumunog ang phone ko.
"Hello?" ang sagot ko after kong iaccept ang call.
"Hi Yuki, sweetheart nagustuhan nyo ba yung lugar? Rented yang buong lugar nayan para sa inyo lang for three days and two nights" ang sagot ng nasa kabilang linya, at sa pagtawag nya sa aking "sweetheart" ay alam ko na kung sino yunsi Madam President. Di nakaregister yung number eh kasi landline yung number, natawag siguro sya mula sa telephone ng office nya sa bahay.
"Paano po kayo nakaavail ng ganitong kamahal na resort?" ang takang tanong ko kasi kung titignan mo parang ang mahal talaga ng lugar.
"Actually friend ko yung may-ari nyan ang you know me I have my ways in convincing other people hahaha" ang sabi nya sabay halakhak that makes me shiver because of that "convincing technique" ni Madam.
BINABASA MO ANG
The Princes' Target
Roman d'amourHow would it be like if all boys around you would be all over you including not just one or two or three but five princes? Five gorgeous and sexy princes will do everything just to have your hand. Makakaya kaya ni Yuki lahat ng suitors nya? o ma...