Nella's POV.
First day ngayon kaya kaylangan maaga kang pumasok di syempre maaga rin akong gumising kasi magpre-prepare pa ako sa asrili ko, first day lang naman ako laging maaga gumising, kasi yung totoo niyan hindi ako makatulog sa sobrang excited.
Pero ngayon mix emotions ako ee.
Excited na kinakabahan.
*FLASHBACK*
nagbukas akong FB ngayon 1 week nalang pasukan na,nagbukas lang ako for more Info. para sa pasukan, and may nakita ako na halos ikabigla ko kasi hindi pwedeng mangyari yun.
Magkasunod lang kami ng section at ang ibig sabihin nun malaki ang chance na magkatabi ang room namin, at pag nangayri yun mas lalo lang akong mahihirapan.
*END OF FLASHBACK*
Ayokong malapit sa kanya, ayokong makita siya, kahit sabihin nating nakamove-on na ako, feelings ko lang ang nawala at hindi ang sakit.
Hanggang ngayon pag-na-aalala ko ang mga bagay na tungkol sa nakaraan na yun, hindi ko maitangi tangi na nakalimutan ko na yun.
sa sobrang dami hindi ko kaayng kalimutan lahat yun.
Sa laki ng galit ko sa kanya, Ayokong nagtatanim ng sama ng loob pero kahit anong gawin ko hindi ko siya mapatawad.
Siya rin naman ang dahilan kung bakit hindi ko siya mapatawad, ni hindi man lang siya mag-abala na kamustahin ako.
Samantalang abala siya sa kakalait saakin.
Siguro hindi niya rin alam na may tao na siyang nasaktan, wala kasi siyang pakialam sa nararamdaman ng iba.
Ang mahalaga sa kanya yung sarili niya, wala siyang pakialam kung may naasktan siya.
Haaayyyy! Wag ko na nga lang isipin yun, baka magkatotoo, mas lalo ko pang pagsisihan.
Nung nakita ko na yung mga kaklase ko pumila na kami, tapos umakyat na kami sa magiging room namin, and pag akayat namin nagulat ako kasi katabi talaga namin siya ng room. Sa isang taon makikita ko araw-araw ang taong nanakit ng sobra sobra saakin.
Nakatulala lang ako ng biglang kinalabit ako ni Ella.
"Bakit ka tulala?" tanong niya.
"My god Ella, katabi natin siya ng room."
"eh ano ngayon?"
"Anong, ano ngayon? ang ibig sabihin lang nun araw-araw ng magiging miserable ang buhay ko."
"Edi wag mong pansinin."
"Aggghhhh. Nakakainis nato." Napasigaw nalang ako sa sobrang inis, wala akong magawa ee.
Marami akong katanungan ee.
Paano nalang kung dadaan ako, paano ako dadaan, ee bago ako makapunta sa dadaanan ko madadaanan ko muna yung classroom nila.
Haiiisssstttttt. Baka maaga akong mapunta sa Langit.
Nagdaan lang yung mga araw, medyo tanggap tanggap ko narin ang mga pangyayari pero hindi ko tanggap kaya menyo lang, magulo ba? Para mas malinaw in shoet hindi ko tanggap at kahit kaylan di ko matatanggap.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'