Nella's POV.
Ganun parin ang mga naging takbo ng buhay ko, may mga nadadagdag pero tuloy parin, naikwento ko sa inyo si Donna diba? siya yung girlfriend ni Ethan.
Well lagi ko lang naman siyang nakakasalubong, ewan ko ba parang gusto niya akong kausapin kaya lang parang nahihiya siya, ewan pero siguro mali ako un, baka nag-aassume nanaman ako.
Ang hilig ko talagang mag-assume.
Ngayon nasaan nga ba ako? nasa loob ng classrom nakatulala dahil nga nag-iisip ako ngayon.
Bigla nalang akong napatayo sa pagkakaupo ko nung marinig ko ang pangalan ko.
Si Ella tinatawag pala ako, nasa may pintuan siya at may kasama, unti-unti akong lumapit at nagulat ako sa kanita ko, Si Donna, si Donna yung kasama ni Ella.
"Hinahanap ka ee." sabi ni Ella na parang naiirita, alam niya naman kasi.
"A Sige." sabi ko kay Ella at umalis na siya. "Ano po yun?" painosente kung tanong kunyari di ko siya kilala.
"Pwede ba tayong mag-usap, in private area sana." sabi niya pero parang seryosos siya ano kayang meron. ano naman kaya ang pag-uusapan namin.
Ella's POV.
"Pwede ba tayong mag-usap, in private area sana." sabi nung Donna, Hayy sana hindi siya pumayag mamaya kung anong gawin niyang Donna na yan kay Nella, ang sama panaman ng kutob ko jan sa babaeng yan.
"Ah sige, san mo ba gustong mag-usap?" sagot naman ni Nella, ano ba yan Nella, Tss. bakit ka pumayag?
"Dito nalang siguro tayo sa Fire exit, since uwian narin at walang makakaistorbo sating dalawa." sabi na ee, may binabalak ang babaeng to.
Tinext ko si Jenyrose at Kristine, para pumunta sa Fire Exit.
Sinundan ko sila ng hindi nila nahahalata.
Ayokong mapahamak si Nella sa baabeng to.
Hindi naman sa pagiging O.A. , pero Girlfriend siya ni Ethan at hindi namin masyadong kilala ang Donna na yan.
Malay ba namin kung saktan siya niyan.
Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanila ng bigla silang himinto sa Fire Exit, kay huminto na rin ako.
Biglang nagsimula si Nella sa pagsasalita.
"Ano ba ang pag-uusapan natin? bakit kaylangan in private pa?" sabi naman ni Nella.
Nakatalikod sa kanya si Donna.
"Pwede bang wag kang magpapansin sa Boyfriend ko ha?"
"Ako nagpapapansin sa Boyfriend mo? kailan pa? atsaka hindi ko kilala ang boyfriend mo."
"Wag ka ngang magmaang-maangan!!"
"Hindi ako nagmamaang-maangan, hindi ko kilala ang boyfriend mo, baka naman naprapraning ka na masyado, atsaka di nga kita kilala ee."
"Sa tingin mo naniniwala ako sayo ha? Si Ethan Decastro ang Boyfriend ko, kilala mo na?"
"Ha? Hindi talaga, alam mo baka nababaliw ka na, sige maiwan na kita ha? uuwi na ako." tumalikod na si Nella, kaya lang bigla siyang hinrap at biglang sinampal si Nella, tumayo na ako, pero naramdaman kung may humawak ng braso ko, si Kriste. "Makinig muna tayo." kaya umupo ulit ako at nakinig ng muli.
"How dare you? bakit mo ako sinampal, wala akong ginagawa sayo ha?" Sabi ni Nella na parang pagalit na.
"Talaga lang? ha? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, diba inagaw mo si Ethan saakin, nagpapapansin ka sa kanya diba? ha?" Biglang hinawakan niya si Nella sa magkabilang braso, halatang masakit ang pagkakahawak niya dahil napapakagat ng labi si Nella.
"BITAWAN MO KO! MASAKIT! ARAY! ANO BA HA? ANO BA GUSTO MO HA?" Tanong ni Nella, habang napapaatras.
"Annong gusto ko ha? Ang mamatay ka para wala nang sagabal sa pagmamahalan namin ni Ethan."
Napatayo kami at napapunt sa kinaroroonan nila kya lang huli na ata kami.
"NELLA!"
Yan nalamang ang nasabi namin.