Chapter 13.

7 0 0
                                    

Nella's POV.

"Ha? Hindi talaga, alam mo baka nababaliw ka na, sige maiwan na kita? uuwi oa ako." tumalikod na ako, nagulat nalang ako kasi biglang may humatak ng braso ko at sinampal ako bigla.

"How dare you? Bakit mo ako sinampal, wala akong ginagawa sayo ha?"

Nababaliw na talaga tong girlfriend ni Ethan, sinabi ko na ngang hindi ko sila kilala ee, tapos sinampal pa ako, paano nalang kung sinabi kung kilala ko si Ethan, at minahal ko yun, baka pinatay na ako nito.

Hindi naman niya siguro ako papatayin noh?

"Talaga lang? ha? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, diba inaagaw mo si Ethan saakin, nagpapapansin ka sa kanya diba?"

Inaagaw kaylan pa? Nagulat nalang ako nung bigla niyang hawakan ang dalawa kong braso.

"BITAWAN MO AKO! ARAY! ANO BA HA? ANO BANG GUSTO MO HA?" 

Masakit ang pagkaakhawak niya haaltang galit nagalit siya saakin.

Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari saakin.

Nakakatakot pa naman dito sa fire Exit, sira ito at maraming bakal na nakaawang, tapos matutulis pa, baka bigla nalang akong sumadsad sa mga yun.

Atras lang ako ng atras, hindi ko rin alam kung bakit.

Isa lang alam ko natatakot ako.

"Anong gusto ko ha? Ang mamatay ka apra wala nang sagabal sa pagmamahalan namin ni Ethan."

Nagulat ako sa sinabi niya, pati narin sa ginawa niya.

Pagkatapos nun, wala na akong matandaan pang nagyari, biglang dumilim ang paningin ko.

Narinig kung sinigaw nila ang pangalan ko pero hanggang dun nalang pala yun.

Kristine's POV.

"NELLA!" dali dali kaming tuamkbo kung saan naroon si Nella.

Nkahiga si Nella sa sahig, duguan at wala ng malay."

"Kristine tumawag kayo ng tulong! Bilisan niyo!" sabi ni Ella na alalang alala, tumakbo kami agad ni Jenyrose, papuntang Clinic, baka sakaling may maabutan pa kaming teacher at maswerte kami dahil may isa pang teacher na naroon.

"Ma'am, tulong po, may naaksidente po sa fire exit, tulungan niyo po kami." hingal kung sabi.

"Ano ba ang nangyari?" sabi nung Teacher.

"Tinulak po siya ng kausap niya sa pader, napalakas po yun at ayun duguan po siya, tulungan niyo po ang kaibigan namin, tulungan niyo po kami." pagpapaliwanag ni Jenyrose.

"Cge, tatawag na ako ng Ambulansya, isa sa inyo ang maiwan para maituro kung saan banda."

"Ma'am tumawag narin po kayo ng mga pulis, gusto kung makulong ang babaeng gumawa nito sa kaibigan namin, ako na po ang maiiwan."

"Cge." sabi nung Teacher.

"Kristine, samahan mo na dun si Ella, Bilisan mo." pahabol na sabi ni Jenyrose.

"Cge, Cge," sabi ko, at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan nila Ella.

Nakita ko si Ella na panay ang iyak at panay ang pagbanggit sa pangalan ni Nella.

Si Donna, nakatayo parin hanggang ngayon at parang nashock sa ginawa niya.

"Ella, tama na yan, hindi tayo iiwan ni Nella, malakas siya Diba? kakayanin niya yan." sabi ko.

"Tama, hindi mo kami iiwan diba Nella, marami pa tayong pangarapdiba?" sinasabi niya yan habang umiiyak parin, naiiyak narin ako.

Hindi ko na-imagine na gigisng kami sa umaga para pumasok pero hindi na tatlong babae ang sasalubong saakin.

"Tumawag narin ba kayo ng mga pulis?" Tanong ni Ella na hanggang ngayon hawak hawak parin ang kamy ni Nella.

"Oo, tumawag na kami."

"Kaylangan makulong ng babaeng yan." sabay tingin niya kay Donna na hanggang ngayon ay nakatulala parin.

Maya-maya dumating narin ang mga pulis at ambulansya, binuhat na nila si Nella, at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng ambulansya.

Hawak hawak naming tatlo si Nella sa kanyang kamay,

"Nella, lumaban ka ha? Wag mo kaming iiwan ha? Lumaban ka." sabi ko.

Hanggang sa makarating na kami sa Ospital, binaba na nila si Nella at dineretso na sa E.R., tinawag narin nung mga Doctor sila Tita at Tito, para pumunta na dito sa Ospital.

"Lord, nakikiusap ako sayo, iligtas mo si NElla, wag mong hayaang mawal siya samin."

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon