Krisha's POV:
"class apat na araw na lang at bakasyon niyo na , pero hindi ibig sabihin nun chill chill na lang kayo, bukas na ang final exam niyo at wag kayong chummy dahil graded to, meaning mababawasan grades niyo pag di kayo nag review, gets?"
"opo" sagot naming lahat
"hehehe gusto mo mag gala tayo---?"ayy oo hahahah ano balak niyo pag bakasyon na?
"grabe an-------------
tiningnan ko lang yung mga babaeng madadaldal sa tabi ko mukang nag plaplano sila ng gagawin nila pag dating ng bakasyon namin
hay....para namang may iba pa akong gagawin sa buhay ko
mamumulok ako at mamamatay ng walang ginagawang matino...
"oy pandak! ang lalim naman ng iniisip mo , ano gagawin mo this summer?" tanong ng nagiisa kong kaibigan na si Seirah habang nakaupo sa desk ko
"wala...mag rereview"
"sabi ko nga"--------
*tok tok*
kumatok ako sa pintuan ng bahay ko at pumasok na sa loob
"nakauwi na ako" sigaw ko habang nag tatanggal ng sapatos
hinanap ko ang mga kasama ko sa bahay at nakita ko sila sa salas
tatlo lang kami sa bahay
ako , si mama, tapos ang kapatid ko na mas nakakatanda saakin na si trisha
"oh nakauwi ka na pala anak " sabi ni mama habang nanonood ng tv
"so ano balak mo pag dating ng bakasyon, may plano ba kayo ng mga kaibigan mo?" sabi ulit ni mama
"ma, para namang mag kakaroon ng kaibigan yan si krish, tss mag rereview lang yan buong buhay niya HAHAHAH" sabi ni trisha
"wag mo nga kausapin ng ganyan kapatid mo trisha!" suway ni mama sa aking mabait na kapatid"bitch.." bulong ko sa sarili ko habang patungo sa kwarto ko
simula ng tumungtong ng 13 years old yang kapatid ko nag iba na turing niya saakin, hindi talaga kami nag kakaayos niyan kaya si mama hirap na hirap saamin, oh well, kung hindi naman sinisimulan ng bruha kong kapatid edi kalmado lang yung utak ni mama pshh
medyo late pero mag papakilala nalang ako sa inyo
ako nga pala si Krisha Mae Rivera
17 years old, pandak, loner much
siguro yan lang naman kelangan niyo malaman
nag palit na ako ng damit bago lumabas ng bahay
pagabi na pero may pupuntahan ako
"aalis ka nanaman?" tanong ni mama
tumango lang ako at umalis na ng bahay papunta sa park
may lagi akong pinupuntahan na spot sa park na wala masyadong taong napunta
ng makarating ako sa park nagulat ako ng may nakita akong babae na nakatayo doon sa pwesto na lagi ko pinupuntahan nakatalikod siya kaya di ko Makita ang kanyang muka pero iba ang kulay ng buhok niya puti ito, hindi siya puting buhok ng matanda ah -_- may hawak itong cane na kulay puti din
di naman siguro siya pinag lihi sa zonrox noh?
sinubukan ko siya lapitan
"uhmm pwede niyo po ba hanapin yung g-glasses ko....hindi ko kasi Makita"
bakit ako? uhmm uhh teka......huh?
"napatak ko siya tapos hindi ko na mahanap.."tumingin ako sa baba at nakita ko yung glasses niya
paanong hindi niya makikita eh nasa tabi niya lang....?
kinuha ko nalang yung salamin niya at inaabot ko sa kanya
ng humarap siya may para bang kung anong rasengan ang pumasok sa katawan ko
"lumapit ka.." sabi nung babae
lumapit ako ng konti
"konti pa..."
bakit hindi nalang kaya siya ang lumapit?
ng makalapit ako sa kanya inabot ko na sa kanya yung salamin niya
ang ganda niya....kahit medyo madilim ang paligid eh naanigan ko ang muka niya dahil sa liwanag ng buwan pero parang may something nung tiningnan ko ang mga mata niya
hinawakan niya ang kamay ko at kinuha ang salamin niya
"thank you , makakauwi na din ako sa bahay neto..." huli niyang sinabi
ng makuha niya na ang kelangan niya agad ako umalis sa lugar na yon at naisipan ko nalang umuwi sa bahay
hindi pa din matangal sa isipan ko kung sino yung babaeng yun...
iba siya, may kakaiba sa kanya , sa kulay ng buhok niya at ang mata niya
baka nag pakulay ng buhok?
pero parang hindi eh....
----
ng makauwi na ako sa bahay tinawagan ko si Seirah
"seirah ulo...."
"bakit pandak, aamin ka na mahal mo ako? HAHAHAHA"
"sira, may nakita kasi akong babae sa park"
"ano meron dun sa babae , type mo? hahah"
"ewan ko sayo...yung babae kasi ano...may kakaiba sa kanya"
"paanong kakaiba krish?"
"maputi siya, tapos yung buhok niya maputi din ...tapos nung tinitigan ko ang mata niya parang may iba..."
" hala ka! baka multo yan. tsk tsk kakapunta mo kasi lagi yan sa park kada mag gagabi na eh baka naman kasi multo yang nakita mo?"
"baliw bahala ka na jan bye"
In-end call ko na hindi matinong kausap si seirah pag gabi..
pero..paano kung multo nga siya...
pero..wala namang pumasok sa isip ko na multo siya
tska...kung multo siya hindi ba dapat nakakatakot itsura niya? tapos ako matatakot?
hay..... naguguluhan na ako, di na tuloy ako nakareview at natulog nalang ako
titingnan ko bukas, kung nag dun siya....sana
tinitigan ko yung kamay ko na hinawakan niya....
ng biglang mag text saakin si seriah
"hair white as snow tapos creepy eyes, muka talagang nakakita ka ng multo krish ingat lang wag ka na pumunta sa park lav yah gud nightieee ~ seirah <3 :> "
BINABASA MO ANG
My Precious Gem (gxg)
Romance"hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na sagi sa utak ko kung ano man siya isa lang ang nanunuot sa isipan ko ang Makita siya ulit "