Part 2

19 1 0
                                    

A/N: si Via gumawa ng part na to haahahahaha yung first si Kish :D

Krisha's POV:

"PANDAKKKKK!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw saakin ni Seirah habang papunta saakin

kakatapos lang namin mag take ng exam

"ano?" tanong ko sa kanya

"kwento ka naman tungkol dun sa girl ghost pleaseeee?" pangungulit niya

nasa room pa din kami malapit na din naman mag bell ng uwian kaya nag ayos lang ako ng gamit

"okay " sagot ko

ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko pa iniisip yung babae sa park, siguro gusto ko lang malaman kung multo siya o hindi

"so krish , anong nangyari kagabi? ano itsura ng girl? maganda o pangit? ano-------etc ect ect"

sunod sunod tanong niya...nakakainis

"nagkita kami sa park nag pahanap siya ng glasses niya tapos yun maganda siya"


"ganun? type mo?" tanong ni seirah


umiling lang ako "you know im straight" sagot ko


"sabi ko nga.." yumuko lang si seirah at bigla na nag bell


di siya sumabay saakin pa uwi, di ko alam kung bakit pero umuwi nalang ako kahit mag isa


habang nasadaan ako nadaanan ko yung park


hmm check ko kaya kung nag dun 'siya'

pumunta ulit ako sa lugar kung saan nakita ko yung babae , hmm mukang wala siya dun

aalis na sana ako ng lumingon ako  nagulat ako ng may kaharap na ako

teka ang lapit niya masyado!

"uhh m-miss, ang lapit mo masyado uhhhhh"


si ghost girl omyghad...ughh bakit ganun ang weirdo ng puso ko ang bilis ng tibok, pero wala naman akong sakit sa puso

lumayo siya ng konti


dala niya nanaman ang kanyang cane pero this time wala ang kanyang glasses

"5:00" sabi niya

"huh?"

"5:00 ka lagi napunta dito tama ba ako?" tanong niya saakin

muli ako napatitig sa mata niya maganda ito iba ang kulay

may pagka greenish at halatang may lahi to...pero

di ko alam kung anong meron sa kanya

 parang may something siya na hindi ma explain

"madalas five pero minsan six" sagot ko

nagtaka ako nung bigla niya inangat kamay niya

winave niya ito at ng matamaan neto ang kamay ko hinawakan niya ito


"inabangan kita...." sabi niya na mas ikinaabnormal ng puso ko


"b-bakit mo naman ako aabangan? uhh"


"Peridot Xen De Asis"

"huh?"

"pangalan ko yun"


"ahh ahm Krisha Mae Rivera"

peridot? rare name, and cute I guess....hayyy hawak niya pa din kamay ko

*beep beep*


nagulat ako sa busina ng kotse sa labas ng gate ng park


at may babae na biglang lumapit kay De Asis


medyo matanda na ito siguro nasa 30's na


"nahanap na din kita  Xen" sabi nung babae na nakatingin saakin bumaba yung tingin niya sa kamay ni uhh Xen ? na nakahawak saakin

"halika na Xen hinahanap ka na ng ama mo" sabi nung babae at hinila si Peridot

dahil sa pagmamadali nila nabitawan ni peridot yung kanyang cane hindi siguro napansin nung babae at nag madali nang umalis

hmm bakit kaya

pinulot ko yung cane na naiwan ni peridot bakit kaya siya may ganito?

umuwi na ako saamin dahil mag s-six na

"nakauwi na ako mama" sigaw ko papasok sa bahay

"wala si mama" sabi ni trish

"asan siya?" tanong ko habang nakatayo pa din sa may tapat ng pinto

"nasa ospital..." sabi ng kapatid ko habang nakayuko

"t-teka teka...bakit siya ma-mapupunta dun? sis baka joke mo lang to "

"hindi ko din alam at hindi ako nag bibiro pero ang sabi saakin ni tita nasa ospital si mama at hintayin daw kita dahil sabay tayo pupunta dun" sabi ni trish

"ehh ano pa hinihintay natin tara na!" sabi ko sa kapatid ko

"saang ospital ba?"tanong ko

"sa  **** hospital"

"malapit lang pala tara!" hinila ko si trisha

-----------

"ano nag dito na tayo, saang room ba ? or nasaan si mama!?" natataranta kong tanong sa kapatid ko

"ang alam ko room 119 daw kalma ka lang krisha..."

ahh sa 2nd floor.... nag madali ako hanapin yung room na yun ayoko malaman na may nangyari sa mama ko, iniwan na nga kami ni papa..mawawala pa si mama?

-----

nang Makita ko na yung room 119 mabilis kong binuksan ang pinto

ng buksan ko ito nagulat ako ng Makita ko siya at si....

"peridot?"







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Precious Gem (gxg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon