We started being a stranger to each other and WILL ended up being strangers?
Kaasar.
Bakit ba kasi may pasok ngayon.
Makikita ko sya.
Anong gagawin ko?
Pano ako aacting na okay lang ako?
Pano pag nagkasalubong yung mata namin?
Anong pag iwas ang gagawin ko?
Pano ko ipapakitang di ako apektado?Isa pa mugto ang mata ko. Mahahalata nilang umiyak ako.
Bakit hindi ba Max? Kasalanan ko to sana hindi ako naniwala edi hindi ako umiyak.Papalapit ako ng papalapit sa room
Wala na ko sa sarili sana man lang may makasabay ako
Si Yuhan o kaya si Narsha o kaya si..."Okay ka lang?"
I was shocked by his sudden presence. Iniisip ko pa lang na makasabay sana sya."Okay lang naman ako Marc. Late ka ata" yumuko agad ako para di nya mapansin ang mugto kong mga mata.
Pero imbes na sagutin nya ako...
"Umiyak ka no?" -Marc"Huh? Hinde! Ano ka ba? Bat naman ako iiyak HAHAHAHA" HAHAHA -_-
Napansin nya pa rin pala"Bakit nga ba?" Nagulat ako dahil bigla nya hinwakan yung muka ko para tingnan yung mata ko.
"EHEMMM..."
MABUTI NA LANG AT DUMATING SI NARSHA!"Hihiramin ko muna ang bespren ko."
Sumunod naman ako at nagpaalam na kay Marc"Narsha..."
bigla ko na lang syang tinawag
Ewan ko pero pakiramdam ko anytime tutulo ang luha ko."Bakit anong nangyari?"
Hindi agad ako nakapagsalita
Nakita ko kasi sya
Si Jeff
Iniwas ko kaagad ang mata ko.Dumirediretso ako sa loob ng room.
Inilapag ang bag .
At hindi nagsalita.
Hinila ko si Narsha mukang alam nya na kung bakit ko sya hinila.Sumunod din si Erick James at si Yuhan sila kasi ang mga nakasaksi ng lahat.
Pumunta kami sa field ang tambayan ng tropa.
Wala munang nagsalita.
Ni hindi ko alam ang sasabihin ko.
Bigla na lang akong umiyak.
Tsaka ako nagsalita."Narsha... kagabi kasi..."
Kinwento ko lahat ng nangyari
Ganun din si Erick James at Yuhan.Pinakinggan din nila lahat ng sama ng loob ko.
"Bakit syaa ganun? Bakit nya ginawa yun? "
Paulit ulit kong tanong
Pinatatahan naman nila ako."Tahan na bes. Kakausapin ko sya okay? "
"Nakakaasar yung lalaking yun e. Ang sama ng ugali ang lakas ng trip sa buhay."-Erick James
"Act normal lang Max. Wag mo ipakitang affected ka kasi mas lalong magdidiwang yun."
"Sinira nya na yung friendship namin tapos pinagmamalaki nya pa sa iba."
Humahagulgol na ko sa pag iyak. Ang sakit sakit pa rin talaga."Nakita ko pa na may mga kausap syang lalaki baka ako yung pinag uusapan nila."
Pagpapatuloy ko pa"Tahan na first subject na natin. Punasan mo na yang muka mo. Bes act normal lang okay?"
Pumunta na kami ng room para sa first subject namin. Nakita ko na naman sya. Hay nako maxeen malamng classmate mo sya. Siguro ngayon kailangan mo ng masanay na makita sya.
At makatabi sya...Nagpatuloy ang klase na di kami nagpapansinan. Pero mukang masaya naman sya parang wala lang nangyari. Parang wala syang ginawa sakin. Nakukuha nya pang mag-enjoy samantalang ako halos sumabog na sa galit at lungkot. Ni hindi ko magawang tumayo sa upuan ko.
Di ko rin maintindihan halos lahat ng lesson at di ko na rin magawang kumain ng maayos.Wala ka man lang bang sasabihin? Yun na yon?
Mabuti na lang at di alam ng iba. Sinuguro ko kasi na amin amin na alang yun. Ayoko ng issue.Ang ingay ng buong room mabuti pa sila at walang problema. Yumuko na lang ako sa table ko.
Ngayon ko lang ginawa to. Ako kasi ang pasimuno ng kaingayan.
Muntikan ko na ngang makalimutan na kaaway ko pala sya. Muntikan ko na syang kausapin mabuti na lang at naalala kong nasasaktan pala ako.
Hay siguro ang hirap lang baguhin lahat ng nakasanayan natin. Nasanay kasi ako na kausap sya. Na kakulitan sya.Parang nawalan ako ng katabi
Parang tumahimik ang mundo ko.
Parang mag isa na lang ako.
Kinalimutan nya na kaagad ang pagkakaibigan namin?Hay pupunta ako sa cr di para umihi o ano po man kundi
magmumukmok.
Yuyuko
Iiyak
Tapos babalik sa upuan ko.
Without looking at him.
KASI MAHIRAP NA.
MASAKIT.
Ayoko ng tumingin sa mga mapanlinlang nyang mata.Nakakaloko.
Ano bang magagawa ko?
Nasa kanya naman ang desisyon na yun. Ang isang tanong ko lang talaga...
Anong nagawa ko para magawa nga yon sa akin?BAKIT KO BA PINOPROBLEMA ANG SAGOT?
Wala naman syang pake. Yun ang totoo.- - -
to be continued