CHAPTER 4

28 2 0
                                    

Thea's POV
Nagpunta kaming tatlo sa cafeteria. Sila na ang umorder ng kakainin namin dahil masyado akong clumsy. Hehe :) Bumalik agad sila pagkatapos nilang bumili. "Onga pala Thea. Bakit nagtatalo kayo kanina ni King?" Biglang tanong saken ni Jessa. "Paano napaka yabang nya. Ugh. Kainis" Inis kong kwento sa kanya "Ayiee. Crush mo sya ano?" Sabay nilang asar sa akin. Ako? May crush doon sa mayabang na iyon? Huh! Pwede din. Hehe :) Ang pogi kasi nya. "Oyy. Ngumingiti sya mag isa. Crush mo nga no?" Sabay ulit nilang sabi. Ngayon ko lang napansin na nakangiti nga ako. "Naku. Tigil tigilan nyo kong dalawa" Inis kong sagot sa kanila "Alam mo Thea Mabait naman yang si Darren" Umpisa ni Jessa "Huh? Darren?" Takang tanong ko "Yes. Darren James Rodriguez ang pangalan ni King" Paliwanag niya sa akin "Tsk. Paki ko doon ?" Masungit kong sabi. Baka mamaya asarin ulit nila ako. Mahirap pa naman tumanggi. Hihi :) "Ewan ko sayo best. Ngapala una na ko sa inyo kukunin ko pa yung confirmation ko sa office e" Paalam ni Jelina sa amin "Ikaw Thea sama ka saken? Punta akong Library." Tanong naman sa akin ni jessa. "Ay hindi na. Nakakapagod maglakad. Una na ko sa room ha. See you." Tanggi ko naman sa kanya. Saka naman sya umalis. Pagkatapos ko namang kumain ay umalis na din ako kaya lang nung nas tapat na ko ng gym may bumato sa akin "Hoy nerd" Napatingin ako sa nagsalita. Alipores to nung nambully sa kin. Ano nga ulit pangalan nun. Theresa ? Maria ? Franchesca ? Tama. Franchesca nga yun. "Nerd. Kinakausap kita." Ewan ko sayo. Gusto ko sanang sabihin kaso baka mabully na naman ako. "Ako ba kausap mo?" Tanong ko sa kanya "HAHAHA. Sino pa ba sa tingin mo? Bobo." Mataray na sagot nya sa akin. E kung patalsikin ko kaya to sa school namin. Tsk. Yes, School namin ito kaya nga nagtransfer ako dito e. Tss. Tapos mga ganito estudyante dito. Bigla akong nakaramdam na may tumutulo sa buong katawan ko. Sobrang lamig, napatingin ako sa taas at tadaaah Isang Timbang tubig na may yelo. Sarap itapon sa mukha nila. "Dapat lang yan sayo. Pangit na nga, ang yabang pa. Akala mo kung sino." Biglang dumating yung Franchesca. "Ano bat di ka makaimik ngayon ?" Mayabang na tanong niya. Umiiyak na ako. Naala ko na naman yung panahong binubully ako. Ganitong ganito din iyon. Umalis na ako sa harapan nila saka dali daling tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko. Nakarinig na naman ako ng bulungan 'Sana ako yung mapili' 'Gaad. Ang pogi ni king' 'Ako na lang king' Andito na naman siguro ang hari. "Miss. Mag-aaudition ka din?" Tanong ng isang bakla sa akin "H-huh? Para saan?" Takang tanong ko. "Sus naman miss. Deny ka pa." Hinila nya ako papalapit dun sa audition kuno. "HAHAHA. Sabi na nga ba e. May pagnanasa ka din sakin. Kaso ang pangit pangit mo naman kaya hindi ka parin makakapasa. HAHAHA" Mayabang na sabi ng hari. Aba. "Hoy. Dinala lang ako dito ng baklang ito" Sigaw ko sa kanya 'grabe tong babaeng to'
'Feeling maganda' 'ang pangit na nga ang arte pa' bulong bulungan nila. "Nerd. Ang pangit pangit mo na nga. Ang yabang yabang mo pa. Bakit may ipagmamayabang ka ba bukod sa kakapalan nang mukha mo?*smirk*" Sumusobra na sya. Bakit ganito ? Hindi naman ako nasasaktan kapag iba yung nang aasar sa akin ng pangit. E bakit pag sya ? Sobrang affected ko? Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako. Pesteng luha to. Marahan ko itong pinahid "HAHAHA. Iyakin ka naman pala miss." Inaasar pa nya ako. Bakit kasi ang gwapo nito. Kung hindi lang masama ugali nito. Pasok na to sa ideal man ko. Pero siguro crush ko nga sya. Hindi naman siguro maiiwasan iyon lalo pa at hari sya ng school na to. HAYSS. Bakit ikaw pa Darren James Rodriguez?



---------
A/N: Sorry sa update. Enjoy reading :)

The KING Makes Me CRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon