CHAPTER 22

21 1 0
                                    

Thea's POV

Kagaya nga ng sinabi ko kanina ay kumain muna kami. At sabi nga ni Jessa Treat ko sila. Ang kukuripot po nila. Hahaha Pero honestly namiss ko talaga sila sobra.

"Bes bakit ka nga pala umuwi?" Tanong ni Jelina habang ngumunguya pa.
"Hindi mo ba alam ang kasabihan na 'Don't talk when your mouth is full'?" Natatawang sabi ko sakanya.
"Sorry ah. Na curious lang ako kung bakit bigla kang umuwi. E diba sabi mo hindi ka uuwi until you're not totally ready" sabi nya.
Oo nga pala. Sinabi ko nga pala yun sa kanila.
"It's about business matter. My dad is too busy to his business there in Korea while mom is busy to her career. And ayoko naman mangyari yun. At dahil kelangan na nga ng mamamahala sa School na to. I just volunteer myself." Mahabang paliwanag ko sa kanila.
"Oh. I see. So? What's your plan?" Jessa asked.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"Are you ready to face 'you know whom I mean'" sabi nya na may paqoutation pa sa hangin.
"I really don't know. Diba umalis na sila dito? And sabi nung guard nila ay hindi na daw sila babalik" kibit balikat na sabi ko.
"Bumalik na sila dito." Sabi naman ni Jessa.
Biglang tumayo si Jelina. Pasaan naman kaya ito.
"Hi babe" bati ni Je doon sa babe nya.
I turned at my back and I saw Jack. Jack- sya yung manliligaw ni Je dati. So sila na pala ngayon!
"Babe. May bago pala kayong kasama ah. Bakit hindi mo man lang ako pinakilala" sabi naman ni Jack habang nakangiti sa akin. So I smiled back.
"Babe. This is Jessica my bestfriend and Jessica this is Jack my boyfriend" pagpapakilala ni Je.
Akala mo naman hindi ko pa kilala. Eh ako nga ang dahilan kung bakit sila nagkakilala.
"Nice meeting you Jessica" sabi ni Jack habang nasa ere ang kamay.
"And its nice to see you...

AGAIN Jack" nakangisi kong sabi saka tinanggap ang kanyang kamay para makipagshakehands.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Jack.
"Nothing babe. Don't mind her" pag iiba ni Je.

Nag uusap ang dalawang couple ng bumulong sa akin si Jessa.
"Speaking of. Be ready Jess" Nangilabot ako sa ibinulong niya kaya tiningnan ko siya na ngayon ay nakatingin sa likudan.
Napaharap ako.
Speaking of nga! How do I face him?
"Darren, Phil, Gelo, Drake, Josh. Halina kayo dito." Tawag ni Jack.

Agad namang nagpuntahan ang mga ugok.
"Uyy. Yung may ari ng school andito" sabi naman ni Phil.
"I'm not the owner. I'm just the daughter of the owner" nakangisi kong sabi.
"Boom basag!" Sabi naman ni Jack.
"Gago. Magtigil ka jan uy" sabat naman ni Phil.
Hindi pa rin sila nagbabago. Mga gunggong pa din. ANg kukulit.
"Oh king bakit antahimik mo ata?" Tanong ni Josh dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.
Iniiwasan ko nga tapos. Ugh. Heytiu Josh.
"Don't mind me. Uhmm. Miss Did I met you before?" Tanong nya.
Ako ba kausap nya? Teka? Anong isasagot ko? Uhhm. Ano ba? Bakit kasi nya itinatanong?
"Sorry miss. Nagkamali lang ata ako. You look familiar kasi or baka kahawig mo lang" sabi pa nya ulit.
Magsasalita na sana ako ng may malanding umeksena.
"Hi babe" tawag sa kanya ng babaeng sumira sa amin. Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang sirain ako.
Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni Darren pero sana hindi ko na lang tiningnan.
He smiled on Franchesca. Yes si Franchesca ang tumawag ng babe sa kanya. Ironic right?
Napansin siguro ako ni Franchesca kaya binati niya ako.
"Hi. You are the daughter of the owner of this school right?" Tanong nya sa akin. I just wore my cold eyes before answer her.
"Yeah" tipid kong sagot.
Binigyan nya ako ng matamis na ngiti. PLASTIC ! Nung nerd pa ko palagi nya kong binubully tapos ngayon lalapit sya. Huh? Siguro hindi nya din ako namukhaan.
"Ako nga pala si Franchesca. You can call me Chesca. I am the QUEEN BEE of this school" sabi nya sa akin. Talagang idiniin nya ang salitang Queen bee. So I smirk.
"I already know you FRANCHESCA" sabi ko sa kanya.
"Oh. Really? Am I that famous?" Tanong nya.
"Yes. And Oh By the way Chesca. From now on NO ONE will be the QUEEN of our school unless you are owner" I smirk.
"What? No way! Kapag tinanggal mo yung pagiging queen ko. Uhh. I'll tell to dad na i-pull out na yung ininvest nya sa school na to!" Paghahamon nya sa akin.
Is she that desperate para tawaging QUEEN ng school na to. I pitty her.
"Then do whatever you want Miss Santos." Nakangising sabi ko sa kanya.
Tatayo na dapat ako ng hilahin nya ulit ako pabalik.
"Gagawin ko talaga." Sabi nya. Hindi ko na sana papatulan pero naiinis ako. Hindi na ako ang talunan na kilala nila dati.
Tiningnan ko ang mga tao sa paligid at parang wala silang nakikita.
"Gawin mo. Wag kang puro dada. At isa pa Miss Santos kapag ginawa mo yun baka pulutin ka sa PUBLIC school" sabi ko sa kanya bago tumalikod.
"Best Jelina and Best Jessa. I gotta go now. I'll see you later. Pupunta Lang ako sa office baka kasi mahawaan pa ako ng kalandian ng iba dyan. So bye" ngumisi ulit ako sa kanya bago umalis.
Jessa and Jelina wave their hands to me.

Hindi pa rin nagbabago si Chesca. The bitch, the whore, the slut Franchesca that I used to know before.

Naalala ko na naman ang mga tingin ni Darren sa akin na para bang minumukhaan nya ako kaya nag iiwas ako ng tingin. If Im not mistaken parang kilala na nya ako! Hintayin mo lang Darren. Malapit na kong makapaghigante sayo at sa malanding girlfriend mo.

Nagtungo na ako sa Office ko. Yes, I have my own office . Sabi kasi ni Dad pwede daw akong mag aral dito at the same time asikasuhin ang business namin.
Narinig kong may kumakatok.
"Come in" sabi ko mula sa loob.
"Yiie. Palaban na si bes" natutuwang sabi ni Je.
"Yes. I'm not the Thea that they used to know before. I am now Jessica." Natatawang sabi ko.
"Pero seryoso. Nakakainit talaga ng bait yang babae na yan. Nilalandi nya palagi si Darren. Nakakainis. Napakalandi nya" sabi naman ni Jessa. Napatawa naman ako. Hindi lang pala ako ang may galit sa kanya. Pati pala mga kaibigan ko.
"Relax Jessa. Alam kong may plano yang si Bes e. Diba bes?" Sabi ni Je.
"No. Wala akong plano. Ang gusto ko lang ay ipamukha sa kanila na malakas ako. Na hindi na nila ako pwedeng tapak tapakan" seryosong sabi ko sa kanila.
"So. Do you have feelings for him?" Tanong ni Jessa.
"I don't know. Pero nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko sya." Sabi ko sa kanila.
"Makakamove on ka din bes. Andito lang kami" sabi naman ni Jelina. Oo. Makakamove on din ako. Makakayanan ko ulit lumaban.






-----------
A/N: Sorry sa typos, wrong grammar and spelling!
Vote and Comment ;) Enjoy Reading!
-dyoSSA_ANN :)

The KING Makes Me CRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon