CHAPTER 21

16 0 0
                                    

Thea's POV

Nakita kong papalapag na ang eroplanong sinasakyan namin.
Tiningnan ko ang katabi ko at mahimbing pa ring natutulog. Napagod siguro to. Hahaha
Tiningnan ko ang relo ko at 3:00 am na.
Hindi na ako nagdalawang isip na gisingin si Jim.
"Jim. We're here" paggising ko sa kanya habang tinatapik ng mahina ang kanyang pisngi.
Unti unti nyang minulat ang kanyang mata habang kinukusot niya ito. I find it cute. Hahaha.
"Mamaya na tayo bumaba kapag kokonti na ang mga tao. Mahirap kasing makipagsiksikan e" sabi nya sa akin.
Ang lapit ng mukha nya sa akin habang sinasabi nya iyon. Halos amoy ko na ang hininga nya. Pero bakit ganun kahit bagong gising sya ang bango pa din ng hininga nya. Amoy mint chocolate.
Ang sarap tikman. What did I said that? No. Erase erase.
"Let's go na Jim." Ngumiti naman siya saka tumango.
Kinuha ko ang bagahe ko at kinuha na din nya ang kanya. Sabay na din kaming bumaba sa eroplano.
"WELCOME PHILIPPINES" nakangiting sabi ko kaya napatawa si Jim.

Sabay na kaming lumabas ng NAIA. Nakita ko na ang sundo ko.
"Jim. Sasabay ka ba? Andito na ang sundo ko e" tanong ko sa kanya.
"Hindi na Jess. May susundo din sa akin. Kita na lang tayo minsan" sabi nya naman.
"Okay. Aalis na ko. Bye Jim. Mag iingat ka" sabi ko sa kanya saka siya beneso at saka ako tuluyang umalis.
20mins lang naman ang byahe kaya hindi na ako natulog.

Pagkadating ko sa bahay ay agad ko itong namiss. Almost 1 year din pala akong hindi tumira dito.
Hindi ko na ginising ang mga katulong bagkus ay dumeretso na ako sa aking kwarto.
Nakita ko naman ang favorite kong stuff toy na si Minions. Agad ko itong niyakap. Namiss ko tuloy ito.
Nagshower muna ako bago ulit ako humiga. Sana hindi ko sya makita! Sana ay handa na ako!
Nagdasal muna ako bago ko tuluyang ipinikit ang aking mga mata.



Franchesca's POV

Maaga akong pumasok ngayon. Pagkadating ko sa school andaming nagbubulungan.
Ano ba sila mga bubuyog? Tsk.
Naglakad na ako sa may gitna ng daan. Wearing my beautiful smile. Hahaha Aba? Ako ang Queen bee dito. Walang pwedeng tumalo sa akin.

'Omygadd. Dumating na daw ang nag iisang anak ng may ari ng school na ito'
'Ee. Hindi nga? Baka naman hindi totoo?'
'Totoo. Ano ka ba. Ang ganda ganda nga daw e. Nakapaskil na sa bulliten board yung pagdating nya'

Yan ang naririnig kong usap usapan ng mga estudyante dito.
Anak ng may ari ng school? Sino naman kaya sya? Baka naman ang pangit noon. Hmmp.
Pumunta ako sa may bullitten board para tingnan ang mga sinasabi nila.

"The daughter of the owner of our school "STAR UNIVERSITY" is now at the Philippines"
Yaan ang nakalagay sa headline at nasa baba ang picture. Picture ng isang babaeng nakaside view.

"Ahhm. Excuse me" sabi ko doon sa isang panget na babae.
"Bakit po? Miss Chesca?" Nanginginig na tanong nya. Aba dapat lang na matakot sya.
"Who is this girl?" Im pertaining at the girl in the picture.
"Jessica daw po ang pangalan. Hindi ko pa po sya nakikita e" sabi nya saka umalis.
Aba bastos yun ah. Humanda ka sa aking panget ka. Matitikman mo ang galit ko kung bakit winalk outan mo ko.
Naglalakad na ulit ako papuntang class room.
Wala na akong ibang narinig kundi yang Jessica na yan. Akala mo naman kung sino. Tsk. Titingnan natin kung sinong magiging Queen dito. Wala akong pakialam kung anak pa sya ng may ari ng school na to. Kayang kaya ko naman tong bilhin e.

"Chesca. Alam mo na ba ang balita?" Tanong sa akin ni Marly isa sa mga alalay ko.
"Alin. Yung pagdating ng Jessica na yun? Tsk. Mas maganda naman ako doon ano" sabi ko sa kanya.
"Hindi lang yung chesca. Dadalaw daw sya dito mamaya. Titingnan kung maayos ang mga estudyante dito" sabi naman ni Elise. Isa din sa mga alipores ko.
Huh? Dadalaw pala huh! Nakakainis sya. Napaka agaw attensyon nya.

"Attention to all students here in the STAR UNIVERSITY. Dadating mamaya ang daughter ng owner ng school na ito. So please be responsible enough. Yun lang sana maki cooperate kayo. Alam nyo naman siguro ang mangyayari kapag hindi kayo sumunod." Sabi ng guidance councilor sa mic.
Tsk. Wala akong pakialam sa kanya.


Thea's POV
Nagising ako bandang alas otso ng umaga.
Naalala ko meron nga pala akong pupuntahan ngayon. Tsk.
Pupunta nga pala kong school. May class pa kasi sila. Bale advance lang sa korea kaya tapos na kami ng 2nd year.
I took a shower. After 30 minutes ay nag ayos na ako. I wore my favorite dress. Color black sleeveless dress. I also wore a 5 inches heels. Nasanay na din naman ako noon sa korea kaya hindi na ko madadapa dito. Hahaha
Naglagay na ako ng light make up bago bumaba.
Tinawagan ko munaang bestfriend ko.
"Hi bes." Sabi nya sa akin.
"I have a surprise for you bes" natutuwang sabi ko.
"Ano yun bes. Tatawagan mo ba ko through skype or magpapadala ka ng mga damit?" Natutuwang tanong nya.
"Secret. Surprise nga diba?" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Sabi ko nga diba. Nga pala Jess. Dadating daw mamaya yung anak ng may ari ng school dito. Sayang hindi mo man lang makikita" sabi nya sa akin.
Hindi nya kasi alam na kami ang may ari noong school na iyon. Sabi kasi ni mom e wag daw ipagsasabi. Alam mo na business matter.
"Ay ganun ba? Sayang naman. Ikamusta mo na lang ako kay Jessa ah. Sabihin mo miss ko na sya." Sabi ko sa kanya before I saidgoodbye to her.

Nakasakay na ako ngayon sa Kotse ko. I'm on my way to school.
After 15 minutes ay nakarating na din ako doon.
I parked my car on the side. Baka kasi magasgasan kapag sa gitna e.
Naglalakad na ako papasok. Nagtitinginan sa akin ang mga estudyante. Kala mo naman mga nakakita ng artista e. Tsk.

Dumiretso ako sa may gym kasi sabi ng guidance councilor doon daw ako pumunta. Shocks! Andaming tao.
"Let's all welcome Miss Jessica De Leon" nagpalakpakan naman ang mga estudyante kaya ngumiti lang ako.

Pagkatapos akong ipakilala ng principal ay bumaba na ako. Sinalubong ako ng dalawang magandang babae.
"Bakit hindi mo sinabing dadating ka?" Tanong niya.
"SURPRISE! nasurprise ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi mo man lang kami tinawagan napaka unfair mo." Sabi naman ng isa pang babae.
"JELINA. JESSA. Sesermonan nyo muna ba ko?" Tanong ko sa kanila. Yes. Si Jelina at Jessa ang kausap ko. Ang galing nila. Kilang kilala nila ako.

Bigla naman silang natauhan kaya niyakap nila ako.
"Omygadd bes. Namiss ka namin" sabi nilang dalawa.
"Namiss ko din kayo mga bes" sagot ko sa kanila
"Ang ganda ganda mo lalo Jessica. Teka kaya ba Jessica na ang tawag sayo kasi para hindi ka agad makilala?" Tanong ni Jessa.
"Oo. So ano? Tara kumain. Treat nyo ko" sabi ko sa kanila.
"Sino bang dumating? Edi sya ang manlibre" natatawang sabi ni Jessa.

Nagtatawanan lang kami habang naglalakad papuntang cafeteria. I miss this. I miss evething here.








----------------
A/N: Sorry sa sabaw na update. K. Vote and Comment! Enjoy reading :)
-dyoSSA_ANN :)

The KING Makes Me CRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon