CHAPTER 19

18 2 0
                                    

Thea's POV

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa kwarto. Wag kayong mag isip ng kung ano ano. Hindi na ulit mangyayari yung kanina.
Pumasok din si Jim sa kwarto ko at saka umupo sa couch. Akala mo nasa kanila lang. Prenteng prenteng nakaupo. Tsk.
"Jess. Anong gagawin natin dito?" Nakangising tanong niya.
Binatukan ko nga sya kaya napa ouch naman sya.
"Parang nagtatanong lang naman e" naka pout nyang sabi na akala mo ay bata.
Ang cute nya lang. Pinisil ko naman ang pisngi nya. Namumula na ito. Awww na guilty tuloy ako.
"Sorry Jim. Ang cute mo kasi e" sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang sya sa akin. Gadd ang gwapo nya ha.

"Ahhm Jess.?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Hmmm?" Tugon ko sa kanya.
Nagtutupi kasi ako ng mga damit ko e. Ilalagay ko na sa closet ko.
"May sasabihin sana ako sayo." Nakatungong sabi nya.
Bakit feeling ko kinakabahan sya?
"Ano ba kasi yun? Bakit parang kinakabahan ka?" Takang tanong ko sa kanya
"Hindi na kasi ako dito mag aaral ng Third year" nakatungong sabi nya.
What? Bakit?
"What? Saan ka mag aaral? Sa Ibang University na ba?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"No. I will be leaving" malungkot na sagot nya.
Saan sya pupunta? Iiwan na din ba nya ko?
"Where are you going?" Tanong ko sa kanya
"Philippines." Tipid na sagot niya.
Philippines? Omygad! Parehas kame! Coincidence.
Natutuwa naman ako kasi magkasama pala kaming pupunta sa Philippines.
"Iiwan mo na din ba ko?" Tanong ko sa kanya.
Gusto ko lang malaman kung ano ang magiging reaction nya.
"No. Lagi naman kitang tatawagan e. I have no choice but to go to the Philippines. My father's bussiness needs me. I'm sorry kung maiiwan kita dito. Kung pwede lang isama kita isasama kita"
Mahaba nyang paliwanag. Natouch naman ako dun. Kung pwede daw akong isama e :) Parehas pala kami ng dahilan. And it's because of business.
"You don't need to do that Jim" sagot ko sa kanya.
"Hindi e. Maiiwan kita dito at hindi ko alam kung kakayanin ko ng wala ka sa tabi ko" sabi nya sa akin.
"Jim. I have something to tell you" pag iiba ko ng topic sa kanya.
"Ano yun?" Takang tanong niya.
"I will be leaving." Ginaya ko pa yung tono ng boses nya kanina. Nagpipigil tuloy ako ng tawa ngayon.
"Saan ka pupunta? Sasamahan kita?" Tanong niya.

Binatukan ko tuloy sya.
"Aww. What was that for?" Tanong niya.
"Aalis ka diba? Paano mo ko masasamahan?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Kailan ka ba aalis?" Tanong niya sa akin.
"After my second year here. 2months and a half to be exact" sagot ko sa kanya.
Alam kung yun din ang araw ng alis nya. Haha
"Parehas pala tayo! Pero saan ka ba pupunta?" Tanong nya ulit.
"Philippines" tipid na sagot ko. Napabusangot naman sya ng mukha dahil ginaya ko na naman yung boses nya habang nagpipigil ng tawa.
"Jess naman e. Seryoso kasi. Malay mo mahatid pa kita diba?" Natawa naman ako sa reaction nya. Para kasi syang bata na inaagawan ng lolipop. Hahaha:)
"Do I look like I'm joking?" Seryosong tanong ko. Mukha naman syang nagulat the way I speak.
"Yes. Ginagaya mo kasi ako magsalita." Nakatungong sabi nya. Hahaha
"Hahahahahahahaha:)" hindi ko na napigilan at napatawa na ako. Kasi naman mukha talaga syang takot na takot sa akin.
"Why are you laughing?" Takang tanong nya.
"Para ka kasing bata na parang takot na takot sa nanay mo" sagot ko.
"E kasi ayoko naman na magalit ka sa akin lalo na't aalis na ako" sagot nya sa akin.
"Hindi ako galit sayo. Ayaw mo lang kasing maniwala sa akin" sagot ko sa kanya.
"So its true. You will be going to the philippines?" Tanong niya sa akin
"Yes." Nakangiti kong sagot sa kanya.
Napatayo naman si Jim saka ako niyakap.
"Yes. Akala ko magkakahiwalay na tayo e" sabi nya sa akin.
"Kung hindi ko lang talaga kelangang bumalik doon hindi naman ako pupunta doon." Sagot ko sa kanya
"I understand" sabi niya.
------------

Pagkatapos ng pag uusap naming iyon ay umalis na din siya kasi tumawag daw ang dad nya sa kanya.
Kinagabihan ay bumaba na ako para mag dinner.
Wala pa siguro sina dad at mom.
"Hi ma'am. Kain na po kayo. Handa na po ang dinner sa baba" sabi ng isa sa mga maid namin.
"Ah sige po. Susunod na po ako"
Agad din naman akong sumunod sa kanya.
Umupo ako sa dining area namin. Mag isa na naman akong kakain nito.
Nakita ko nama si Manang. Si manang yung nag alaga sa akin simula bata pa ako.
"Manang sabay na po kayong kumain sa akin" sabi ko sa kanya.
"Nako hindi na hija" sagot nya.
"Please manang. Wala kasi akong kasabay e" sabi ko sa kanya ng naka pout. Bumuntong hininga sya saka ngumiti at umupo sa harap ko.
"Hija okay lang ba kung magtanong ako sayo?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman po. Ano po ba yun?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Kayo na ba ni Sir Jimuel?" Napaubo naman ako sa tanong niya. Bakit naman kaya niya natanong. First time nya tong magtanong about sa lovelife ko.
Uminom kaagad ako ng tubig saka sya sinagot.
"Bakit nyo naman po natanong?" Tanong ko sa kanya.
"Wag mong mamasamain hija. Narinig ko kasi yung ibang usapan nyo kanina. Para kasing ayaw nyo ng malayo sa isa't isa. Para bang totoo na kayong mag boyfriend-girlfriend" sagot nya.
Ganun na ba kami ni Jim? Hindi ko pa kasi alam e. Hindi ko alam kung talaga bang 100% na akong sure sa pagmamahal ko sa kanya. Ayoko kasi syang masaktan na baka magawa ko lang syang panakip butas. Sa lahat ng ayaw kong gawin sa kanya yun ay ang masaktan sya. Napakabait nya.
Kapag malungkot ako palagi syang andyan para damayan ako. Nung panahong sobrang walang wala akong matakbuhan. Andyan sya para pagaanin ang loob ko.
Kaya ayoko syang saktan. Mas mabuti na munang siguraduhin ko ang pagmamahal ko sa kanya.

"Hija. Bakit natahimik ka? Naku! Sorry pala kung natanong ko pa!" Sabi nya sa akin
Hindi ko namalayan na napatigil pala ako sa pagkain.
"Ay naku hindi nyo naman po kasalanan. Hindi ko lang po talaga alam kung ano ba kaming dalawa sa ngayon" sagot ko sa kanya
"Hindi mo man alam sa ngayon. Pero darating din yung panahon na malilinawan ka din sa nararamdaman mo." Sabi nya sa akin.
"Salamat po sa advice manang" sabi ko sa kanya.
"Osya sige. Ituloy na natin ang ating pagkain" sabi nya kaya ngumiti na lang ako sa kanya at saka tumango at ipinagpatuloy ang aking pagkain.




---------------------
A/N: Sorry po sa Update :) Sorry sa typos, wrong grammar, at spelling.
Vote and Comment!
Enjoy reading :)
- dyoSSA_ANN :)

The KING Makes Me CRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon