Chapter-2

8 0 0
                                    

Cold Treatment


  Nagising ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kwarto ko. Wala namang bago, pareho lang ang araw na ito nung nakaraang araw at kahapon. Hindi pa rin sya tumulog sa kwarto namin.

   Bumangon ako, sinuot ko ang pambahay kong tsinelas at pumunta sa banyo para maghilamos. Lalabas na dapat ako ng banyo ng biglang bumukas ang pinto sa kwarto namin. Alam kong si Tristan yun.


  "Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain? Tubig gusto mo?" sunod-sunod na tanong ko.

  Pero kahit isang sagot wala akong napakinggan mula sa kanya.

Dire-diretso syang humiga sa kama ng hindi tumitingin sakin. Lumapit ako para sana tanggalin ang sapatos niya pero kusa niya itong tinanggal at pahagis na itinapon sakin.

Kusang tumulo ang luha ko. And I decided to leave the room when he speaks.

  "Di ka pa ba napapagod? Nagsasawa? Di ka man lang ba magagalit? Sigawan ako? Sampalin ako? saktan..."

  Di ko pinatapos ang sinabi niya bagkus ginawa ko lahat ng gusto niya. Binuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa mga gamit sa kwarto namin. Hanggang ngayon di ko pa rin kayang saktan siya.

"Ito ba! Ganito ba! I-yan.. Oh! Ito pa...."

  I lost my breath at dahil dun napaupo na lang ako habang humahagolhol sa iyak.

  "Pagod? Oo, pagod na pagod na. Nagsasawa? Sawang sawa na. Galit? Oo, galit ako sa sarili ko kasi di ko kayang magalit sa'yo. Tr-tristan, tulad mo din ako. Kung nasasaktan ka ngayon, nasasaktan din ako"

  Iyak pa rin ako ng iyak.

  "I'm still fighting for you, even I want to give up our marriage. But at the end of the day you can't love me the way you love her. I'm so sorry Tristan but I can't be her"

  Natigilan siya sa mga sinabi ko. Nakita kong kumislap ang mata niya kasabay nun ang pagtalikod niya sakin.

  "I'm tired, I want to sleep"

  At yun na ang hudyat na kailangan ko ng lumabas.

  I was trembling after I closed the door. How far, I'm going to fight for this relationship. I'm totally broken and hurt.

Sana lumaban ka kahit ngayon lang. Sana pag di ko na kaya, makaya mo na wala na ako sa tabi mo.

-----

  "Ano na? Aba! baka gusto mong gumising-gising na dyan sa kahibangan mo Princess?"

  Si Chloe, ang best friend ko na alam ang lahat sa amin ni Tristan. Isa siya sa mga taong laging andyan para sakin siguro kung wala siya, di ko alam kung paano pa lalaban sa buhay.

  Di man niya madalas maintindihan ang nangyayari samin ni Tristan alam niya kung hanggang san ang limit niya.

Alam niya kung kailan magagalit sakin. She's there no matter what.

  "Hindi ko alam kung hanggang saan pa? Basta ang alam ko lang gusto kong gawin yung hiling ni Mommy"

"Maybe, Aunt Emily doesn't know kung ano ba talaga ang nangyayari sa inyong dalawa?"

  "Hindi ganun Chloe, gusto niya lang na itama namin ang pagkakamali na nagawa namin. Kung hindi siguro nangyari ang mga nangyari baka okay pa kami. Baka nakakausap ko pa siya"  pagpapatuloy ko.

  "Kung wala sanang nangyari sa inyo baka, oo, pero iba na ngayon. Princess, asawa ka niya. Kahit san pa niya tingnan"

  "Kahit ang tingin niya sakin ay isang babaeng pinakasalan lang dahil sa one night stand? Yun lang naman ang tingin niya sakin di ba?"

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon