Chapter- 3

7 0 0
                                    

Little things

(Princess P.O.V)

  Nandito na'ko sa bahay namin ngayon. Pagkauwi ko kanina siya agad ang hinanap ko. Di man lang niya ako dinalaw sa ospital.

  Iniisip ko na baka magkasama na talaga silang dalwa ngayon. Na hindi na siya uuwi dito sa bahay, sa akin.

  Andito ako ngayon sa kwarto namin ng marinig ko ang tunog ng makina ng sasakyan niya. Dali-dali akong bumaba para salubungin siya. Di ba yun naman talaga ang ginagawa ng asawa.


  Nagulat siya ng makita akong patakbong pababa sa hagdan.

"Hey! Careful. Kalalabas mo palang ng ospital gusto mo na ata ulit bumalik."

  "I-im sorry. I was excited to see you."


  Nahihiya kong sabi sa kanya. Nagulat ako ng lumapit siya sakin at parang iniistema kung okay na ba talaga ako.

  "Pwede namang magdahan-dahan di ba? Paano kung nahulog ka diyan, napilay ka, nabagok ang ulo mo. Nagka-amnesia ka?"

  Sunod-sunod niyang tanong na ikinatuwa ko. Bakit iba siya ngayon. Sa ilang taon na magkasama kami, ngayon ko lang nakita ang side niyang yan.

  "Hey, you're over-acting. Okay naman ako di ba? Thank you sa concern." Sagot ko.

  "Sabi ni Mommy gusto ka niyang makita at makausap kung may time ka. Hindi ka na niya nadalaw kasi sobrang busy niya"

  Gusto kong tanungin siya kung busy rin ba siya kaya di niya ako nadalaw.

  "Okay lang, Ititext ko na lang siya. Ahm... Tristan, i-ikaw ba..."

  Di ko na natapos ang tanong ko dahil biglang tumunog ang phone niya.

  "Excuse me, si Dad" sabay turo sa phone niya.

  Lumayo siya sakin para sagutin ang tawag.

  Masaya na ako sa maikling usapan namin. Kahit papaano alam kong may puwang ako sa puso niya. Na may pag-asa pa para sa aming dalwa.

  Pumunta ako sa kusina para ipagluto siya ng makakain.


  Nagluluto ako ng paborito niyang pagkain ng pumasok siya sa kusina.

  "Anong ginagawa mo? I mean bakit ka nagluluto?" Tanong niya sakin.

  "Di ka ba nagugutom? Ipinagluluto kita ng paborito mong pagkain"

  Tumingin siya sakin pero umiwas din agad. Anong problema niya? Bakit parang nag-iba agad siya?

  "Di ako gutom. Kumain kami sa labas ni Daddy. Kaya siya tumawag kasi naiwan ko yung binili ko kanina"

  "Ah ganun ba. Sige, tatapusin ko na rin 'to para mamaya pag nagutom ka pwede mong kainin"

  At ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Umalis na siya at dumiretso ng kwarto namin.

-------------

  "I'm fine, nakauwi ako ng maayos. Ikaw, nakauwi ka na ba?"

  Andito ako sa labas ng pinto ng kwarto namin ng mapakinggan kong may kinakausap si Tristan sa phone niya.

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon