Ang Paghaharap
Nakalimutan ko na ang sarili ko sa pagmamahal ko sa taong di ako mahal. Ang gusto ko lang naman ay ang bigyan ako ng pagkakataon na mahalin ni Tristan. Yung maipakita niya sakin na importante din ako para sa kanya.
Pumunta ako sa lugar kung saan sinabi ni Mommy na makikipagkita siya sakin.
Ang Mommy ni Tristan ay isa sa mga taong pinapahalagahan ko. Alam ko kung gaano niya kagusto na mahalin din ako ng anak niya.
Gustong gusto niya ako para sa anak niya. Kaso napakalabo ng laban ko dahil si Rikki ang mahal ng anak niya. Ang first love ni Tristan.
"Hello Mom, andito na po ako. Ah, okay po. I'll wait for you. Bye po"
Lumapit ang waiter sakin.
"Ma'am order niyo po?" Aniya.
"Later, I'm still waiting for someone" sagot ko.
"Okay po" umalis na siya at bumalik sa counter.May dalawang taong pumasok sa restaurant kung nasaan ako. Nung una hindi ko nakilala pero di kalaunan ay namukhaan ko sila.
It's Rikki and Tristan.
Holding hands while walking. Wala silang pakialam kung may makakakita sa kanila. Bigla na lang tumulo ang luha ko.
The way he held the hand of Rikki, it's careful. Parang iniingatan niya ito ng sobra na para bang any moment pwedeng mabasag si Rikki.
Sobrang swerte ni Rikki at sobrang malas ko. Dahil ang taong mahal ko ay siya ang mahal. Oo, sakin ang pangalan niya pero sa kanya ang puso nito.
Napakalaking kaibahan ang meron ako sa kanya. Asawa ko siya pero kahit kailan hindi ako magiging parte ng puso niya. At yun ang pinakamasakit na bagay ang meron ako ngayon.
Kahit na masakit sa paningin ko, inintay ko pa rin si Mommy. Gusto kong siya mismo ang makakita sa anak niya at kay Rikki.
"Princess anak, kamusta?" bungad na tanong niya sakin."Did you cry? What's the problem?" Sunod pa niyang tanong ng makitang basa ang mata ko.
Tiningnan din ni Mommy ang tinitingnan ko. At laking gulat niya sa nakita niya.
"I-it's Tristan? With Rikki?" Aniya.
Di ko alam kung paano sasagutin ang tanong ni Mommy. Wala akong masabi, natutuyo ang lalamunan ko.
"Let's go, kakausapin natin siya"
"Mom, hindi ko kaya. Nasasaktan na ako ng sobra. I-I need to go"
Hinawakan niya ang kamay ko. At hinila ako sa harapan kung nasaan sina Tristan.
"Tristan!.."
Kita ko sa mga mata ni Mommy ang sakit at galit niya. Ganun din ang gulat sa mga mukha nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Teen FictionSabi nila pag nagmahal ka mag-iiba ang ikot ng mundo mo. Sabi nila magiging posible ang mga imposible. Sabi nila it's like a fairytale that has a happy ending. You find your prince charming in the midst of darkness. Pero ang hindi nila alam "pag...