He's gone.

16 1 0
                                    


Ang saya saya namin sa mga nagdaang araw :) Yung para bang wala ng mapaghihiwalay sa amin :) Lahat ng ginagawa namin ang gaan gaan :) Habang tinititigan ko sya nasa isip ko na sya lang yung taong gusto kong makasama buong buhay ko. Hindi ko alam ang mangyayari sakin pag nawala pa sya. Baka matuluyan akong masiraan ng bait </3.

,i love you.-kuya kim

Sinabi niya habang nakatingi kami sa kawalan.

,i love you too.

Sabay kiss niya sa kamay ko.

,tulog na tayo?-sya

,sige tara na :).

Tanghali na kaming nagising. Ewan ba bakit pagkagising ko bigla akong kinabahan. Siguro wala lang to. Biglang niyapos ko si kuya kim ng sobrang higpit. Yung parang namiss ko sya pero lagi naman kaming magkasama. Sa sobrang higpit yun ang naging dahilan kung bakit sya nagising. Hinalikan niya ako at sinabing.

,goodmorning my princess :).

,goodmorning :)

Tapos yun HAHA. Nakaupo lang kami sa kama. Ewan di ko nga alam kung ano ang gagawin namin ngayong araw.

,Tara.-kim

,saan?-ako

,EK?.

,kelan?

,ngayon.

At walang ano ano ay tumayo na kami at nag ayos na ng sarili.

Yun at nagtungo na nga kami Enchanted kingdom :) 

Picture dun. Sakay dun. Wala paulit ulit lang. Pero ewan ko ba dito kay kuya kim kung bakit ayaw sumakay sa mga nakakatakot na rides e masaya kaya kaso di ko na pinilit baka mawala sa mood e. Yung after that nag foodtrip kami hahaha pero patok talaga yung siomai na may alamang na kinain namin ewan ba dito ang weird ngayon ni kuya kim nagdadalawang isip sya bago kainin yung siomai. Ang sarap niya kase maanghang haha mahilig kase ako sa maanghang. Nung nasa byahe na kami ewan kinakamot niya yung braso niya di ko alam bakit baka siguro nadumihan lang pagka gala namin. Nag iiba din kulay niya parang namumutla sya. Tinanong ko sya kung okay lang sya sabi niya okay lang daw. So pinagbalewala ko na lang pero nung nasa bahay na kami nag karoon siya ng pula pulang pantal so nag alala na ko sabi ko dadalhin ko na sya sa hospital sabi wag na may ininom siyang gamot siguro sa kati yun. tas kumuha ako ng ice cubes dinadampi ko sa mga may pantal niya habang ginagawa ko yun bigla niya kong niyakap.

,i love you yanna mahal na mahal kita. Napaka swerte ko kase nakakilala ako ng katulad mo. Kahit anong mangyare mahal na mahal kita :).

,alam ko namang maswerte ka sakin haha iloveyou more :*

Then nag kiss kami then hug. Hanggang sa miya miya natulog na din kami.

Bago ako matulog para akong abnormal. Tinititigan ko yung mukha niya. Parang ayaw kong ipikit yung mata ko. Ayokong maalis yung tingin ko sa kanya pero wala e tuluyan ng pumikit yung mata ko.

,hhhmmmmmmmmmmmmmm.-ako

Yan lang naman nagawang tunog ng bibig ko habang umuunat ako. Sobrang nakakapagod yung kahapon. Ang saya. Panibagong araw na naman na kasama siya. Napaka saya ko kase ako yung minahal niya salamat kay God :) 

Paglingon ko sa kanya tulog pa din sya. Pero bakit parang ang putla niya? hinawakan ko yung kamay niya bakit ang lamig? Biglang kinabahan ako. Tumibok ng pagkabilis yung puso ko. Teka anong nangyari bakit? Paano baka naman nananaginip lang ako pero bakit parang tunay? Sa sobrang kaba ko na parang nawawala na ko sa sarili tinawag ko sila mommy at daddy kasama sila tito at tita kase nagtataka din sila ssa reaksyon ng mukha ko. Naiyak na ako sa mga nangyayari di ko alam. Pero naiyak na din sila tito at tita sila mommy nagtataka. Nilapitan ko si tita tapos niyapos niya ko. Tapos nagtanong ako.

,ano pong nangyari?

,wala na sya. Iniwan na niya tayo. Alam mo ba kung bakit kaya di na kami tumutol nung may relasyon kayo kase may sakit sya sa puso. Di na niya iniinom yung mga gamot niya. Ginagawa niya pa din yung mga hindi pwedeng gawin. Bukod sa pagkain ng hipon at ng maanghang dahil mas mapapadali yung buhay niya na para sa kanya lason na yun.

NAgulantang ako sa sinabi ni tita naalala ko kagabe pinilit ko siyang kumain ng maanghang :(

,kuya kim bakit di mo sinabi? bakit lagi kangf ganyan? ang hilig mong magsikreto? Bakit? Nagsisimula pa lang tayo e. Kala ko ba di mo ko pababayaan. Ang daya mo naman e. (humahagulhol na ako) Mahal na mahl kita :( bakit mo ko iniwan. Gumising ka jan. Sa dami na nating pinagdaan bakit  ngayon ka pa sumuko kung kelan unti unti na nating naabot yung mga pangarap natin. KUYA KIM.


Wala na kaming nagawa kundi tanggapin yung nangyari. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari. Paano na ako ngayon? Pero kahit anong mangyari kahit nawala na siya mananatili siya sa puso at isipan ko. MAHAL NA MAHAL KITA KUYA KIM .

THE END.


(A/N: Sorry po kung tinapos ko na agad HAHAHA may gagawin po kase akong bagong story sana po subaybayan niyo po:) Abang lang po. PS: Sa mga taong kapiling pa ang kanilang minamahal ipakita niyo lang sa kanila kung gano niyo sila kamahal at kung gaan0 sila kaespesyal sa inyo. Tandaan nasa huli ang pagsisisi.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

i love my kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon