***********
'O, ituloy na natin 'tong napakarandom na chikahan dito.'
Naghanap naman ng ibang matatanong si Vice.
'Ok, ikaw.' At lumapit siya sa isang binatang nasa table nina Miles. 'Anong name mo?'
'John.' Sagot ng tinanong niya. 'John Manalo.'
Napalingon si DJ pagkarinig sa pangalan.
'A, ikaw 'yung pamangkin ni Echo?'
'Yes.'
'Isa siya sa mga bestfriends ko before sa Going Bulilit.' Sabi ni Kathryn mula sa kanyang kinauupuan.
'Before? Ngayon, hindi na?' Tanong ni Vice kay Kathryn.
'Hindi. Friends pa rin naman. Hindi na lang masyadong nagkikita unlike dati nung mga bata pa kami.' Depensa ni Kathryn.
'E pano kayo magkikita ayaw ka ngang ipakausap netong pamangkin ko sa ibang mga lalaki e.' Turo ni Vice kay DJ na nasa kabilang mesa. Nagbusy busyhan lang si DJ at kunwaring may tinetext.
'The Buzz ba 'to?' Natatawa ngunit naiilang na tanong ni Kathryn.
Napatawa lamang si Vice at muling bumaling kay John.
'OK. Ngayong alam na nating bestfriend ka ni Kath, alam mo ba kung sino ang kanyang celebrity crush?'
'Si Daniel John Ford...' Bulong ni Julia kina Miles at Kiray.
Naghagikhikan lamang ang tatlo.
'Si Justin Bieber.' Sagot naman ni John.
'Pero marami nang nakakaalam nyan. Wait. Ano pa bang mga tanong ang... Ah...'
Parang kinakabahan si Kathryn sa kanyang kinauupuan. Wala syang kaide-ideya kung anong pwedeng maitanong ni Vice sa kaibigan. Tiningnan nya si DJ na tila busy pa rin sa pagkalikot ng kanyang cellphone. Nangangamoy tampuhan na naman.
'Totoo ba na crush mo si Kathryn nung Mara Clara days pa lang?'
'Yun na.' Narinig ni Tita Min na ibinulong ni DJ habang tila pinanggigigilan ang screen ng cellphone.
'Opo.' Walang gatol na sagot ni John. 'Crush ko po siya talaga dati. Loveteam din po kami kasi sa Goin' Bulilit.'
'Binalak mong ligawan?'
'Medyo.'
'Anong meron sa kanya at gustong gusto mo siya?'
Hindi matingnan ni Kathryn sa Daniel habang naririnig niya ang mga tanong.
'Sobrang bait po kasi niya e. Caring. Thoughtful. Malambing. Sweet...'
'Tita, Tito, CR lang po ako...' Pagpapaalam ni DJ bago siya tumayo at lumakad paalis.
'Nagseselos na naman siguro.' Bulong ni Tita Min kay Tito Teddy.
'E ngayon, gusto mo pa ba syang ligawan?'
'Kung pwede, sana.' Natatawang sagot lamang ni John.
'Pwes, hindi na pwede.' Nakangising tugon naman ni Vice. 'Hanap ka na lang ng iba pang sweet, kind and thoughtful.'
Halos pamulahan ng mukha si John.
'O sige, message mo na lang kay Kath.'
Ibinigay ni Vice kay John ang mic habang bumuntong hininga ang huli.
'Ahm, Kath... Happy Birthday. Wish ko para sa'yo is sana manatili kang happy. Alam ko naman na sobrang happy ka talaga. Sa career mo. Sa family mo. Sa kung ano pa man na meron sa'yo ngayon. Masaya ako para sa'yo. Sana, manumbalik yung katulad ng dati. 'Yung tayo nila Julia, Miles... Yung Bulilit days.'
Natouch si Kathryn sa mensahe ng kaibigan.
'Thanks, John.' Idinako niya ang ulo sa kinauupuan ng kasintahan ngunit hindi niya nakita iyon.
'Patay ka na naman Chandria...' Isip nya.
'O, dumako naman tayo dito.' At lumapit si Vice sa mesa ng pamilya ni Kathryn. 'Asan si DJ?'
'Nag-CR lang.' Bulong ni Tita Min.
'E di tanungin naman natin si Tito. Si Tita kasi, lagi na syang nakikita rin sa TV e. Si Tito hindi pa.'
Marahang hinila patayo ni Vice ang papa ni Kathryn.
'Tito, nung bata pa po si Kathryn, ano 'yung nakakapagpaiyak sa kanya?'
'Ano nga ba?' Napakamot na lamang si Mr. Bernardo sa tanong. 'Pag nagkakasakit 'yung mga aso nya. Lalo na pag hindi na gumagaling tapos namamatay na. Siguro mga ilang araw yan umiiyak.'
'Parang pinaglalamayan, ganun?'
'Oo. Ganun.'
'E, ilang taon naman po si Kath na gusto ninyo sya na mag-asawa?'
Natawa lahat ng guests sa segway ng sikat na emcee.
'Hindi pa namin napapag-usapan 'yan e.' Seryosong sagot ng ama ni Kath. 'Sana huwag muna pagkatapos nyang mag-debut.' At napahagalpak na lamang siya ng tawa.
'Wow naman Papa. Galing mo na mag-joke' Ngiti ni Kathryn sa kinauupuan.
'Basta pag ok na lang lahat. Pag ready na sila. Huwag nila madaliin. Yun lang naman yung hiling namin sa kanila.'
'Kanila? OMG. Tanggap na tanggap na talaga ni Tito si DJ...' Bulong ni Miles kay Julia.
'Sinong kanila, Daddy?' May lamang tanong ni Vice sa ama ni Kathryn.
Humagalpak na lamang ng tawa si Daddy Teddy.
'Basta anak, I'm very happy for you. Proud. Blessed. Lahat na. Hindi ka na bata. You're already a young lady. Pero sana, parati pa ring susundin kami ni Mommy ha? I love you.'
Kunwaring pinapahid ni Vice ang kanyang mga mata dahil sa imaginary tears ng biglang pumasok na uli sa bulwagan si Daniel.
'San ka galing DJ?' Makulit na tanong nya sa matinee idol.
'NagCR lang.' Matipid nyang sagot.
'Di mo narinig sinabi ni Papa ni Kath.'
Lumingon si Dj kay Daddy Teddy at kumunot ang noo.
'Sabi nya, huwag daw muna kayo magpapakasal ni Kath bukas.'
Napangiti lang si Daniel.
'Wala naman talagang plano magpakasal bukas.' Sabi ni Daniel.
Nagulat si Kathryn sa narinig.
'Kasi mamaya na kami magpapakasal. Andun na yung pari sa labas. Para tipid. Isang reception na lang.' Pagjojoke ni Daniel na nagbigay halakhak sa mga panauhin.
Napabuntong hininga na lang si Kathryn.
'Loko talaga 'to. Kanina, kulang na lang lamunin lahat ng tao dito. Tapos ngayon, kung maka-joke, wagas.'
*********
Thank you ACLyn for the new cover art!
BINABASA MO ANG
Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)
FanfictionDalawang sikat na artista. Isang pangyayari. Napakaraming intriga. Paano nga kaya, kung...?