CHAPTER 26: Let Them Decide

43K 412 40
                                    


***************

Kalmado.

Iyon lang ang naramdaman ni Daniel nang sabihin nito sa kanyang ama ang bumabagabag sa kanyang isipan. Wala syang naramdamang galit. Hindi rin naman niya matukoy kung masaya ba ito sa ibinalita niya.

'Pinilit mo ba siya?'

'Po?'

'Hindi ba labag sa kalooban ni Kath ang nangyari? Hindi mo ba siya dinaan sa pwersa?'

'Hindi po.' Sagot ni DJ ng buong katapatan. 'Punong puno po ng pagmamahal ang gabing 'yon. Isa sa mga bagay na hindi ko makakalimutan habang ako'y nabubuhay.'

Napabuntong hininga ang nakatatandang Padilla.

'Mabuti naman kung ganun. Anong sabi ng mga magulang niya?'

'Hindi pa po namin alam Pa. Hindi pa rin naman po namin sigurado kung buntis talaga si Kath. Pero kasi...'

Hindi natapos ni DJ ang sinasabi dahil biglang nag-ring ang kanina pa niyang hawak na cellphone. Huling tawag niya sa kasintahan ay ibinalita nitong nasa OB sila ng kanyang ina.

Halos pawis na ang kanyang palad sa pagkakapit sa telepono. Napalunok siya ng may ilang beses bago nito sagutin ang tawag ni Kathryn.

'Babe.'

Alam na alam ni DJ ang tonong iyon. Isang tono na lumalabas lamang kay Kathryn kapag tila walang wala na itong lakas at parang gusto nang sumuko.

'Ba...' Malambing na tawag niya dito. 'Kamusta?'

'I'm 7 weeks pregnant J.'

At dun na kumawala ang isang emosyon na ayaw niyang nakikita o nararamdaman mula kay Kathryn.

'Magiging tatay na ako?' Hindi makapaniwalang tanong ni DJ. 'Magiging tatay na ako?' Ulit niya.

Walang ibang naririnig si DJ sa kabilang linya kundi pag-singhot ng kasintahan. Maya maya pa ay nagsalita muli si Kathryn.

'Magkaka-baby na tayo babe.' Finally, she was able to draw a smile on her lips. 'I'm going to be a mother na.' She added.

'Tatay na ko!' DJ confirms. 'Pa!' Tawag nito sa ama na nakaupo pa rin sa pinag-iwanan niya dito. 'Pa! Tatay na ko!' Hiyaw niya na nakataas pa ang isang kamay. 'Magkakababy na kami ni Bal!'

Natatawa si Kathryn sa naririnig mula sa kabilang linya. Tila tuwang tuwa ang nobyo sa ibinalita niya. Hindi alintana kung ano mang maaaaring mangyari sa kanila mamaya o bukas.

'Pupuntahan kita dyan babe. Kailangan makita na agad kita at ang baby natin. Dyan ka lang sa bahay.'

'DJ, wag muna.'

Nabigla si Daniel sa pagpigil sa kanya ni Kathryn.

'Palipasin muna natin ang galit ni Mama.' Naiiyak na naman ang tono ng boses nito.

'Galit si Mama Min?'

'Siguro nabigla lang siya. Pero kasi.'

'Pero?'

'Si Papa, parating na din mamaya.'

'Si Tito Teddy? Luluwas? Alam na rin niya?'

Tumango si Kathryn kahit hindi nakikita ng kasintahan.

'Mas kailangang puntahan kita dyan.'

'DJ...'

Ngunit napindot na ni Daniel ang end call ng kanyang phone.

'Pa.'

'O bakit Tatay?' Nakangising sabi ni Rommel.

'Samahan mo ko kina Kath.'

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon