*********'Mama, maupo ka nga...' Suway ni Teddy sa asawa dahil nahihilo na sya sa kakalakad nito sa harapan niya.
'Pano ba ko mapapanatag nito Pa? Di pa bumabalik sina Kath at DJ. Kevin, saan ba sila nagpunta?'
'Hindi ko alam.' Kibit balikat ng kuya ni Kath. 'Nung sumilip ako sa bintana, nakita ko na lang yung Dodge ni DJ na palabas na ng gate e. Alangan namang pigilan ko pa diba?'
'Nakapatay ang phone!' Reklamo naman ni Min matapos tawagan ang telepono ng anak. 'Ano ba naman Kathryn?'
'Ma, ano bang ikinatatakot mo? Na naiwan si Kath tas si DJ lang kasama?' Natatawang tanong ni Kevin. 'Pinayagan mo na ngang matulog sa isang room e. Yung lumabas lang ng sandali, panic na ang buong pagkatao mo. I mean, what's the worst that could happen diba? Buntis na rin naman na si Kath.' He said absentmindedly while flipping through the channels on TV.
'Ewan ko sa'yo Kevin! Hindi ka ba nag-aalala? Madaling araw, magkasama yung dalawa kung saan man nagpunta. May makakakita at makakakita sa kanila!'
'E sanay na rin naman ang mga tao na makita sila ng magkasama e.'
'At talagang nagsasagutan pa kayo sa harap ko a.' Puna ni Teddy sa mag-ina.
'Si Mama kasi Pa e.'
Bigla namang tumunog ang cellphone ni Min. She absentmindedly answers it without even looking who was the one calling.
'Hello Kath, anak? San na kayo ni DJ? Uwi na kayo please.'
'Min, si Johnny to.'
'Mr. M?' Di makapaniwalang tanong ni Min.
'O bakit parang may kausap kang kamamatay lamang? Dati pa naman kita nakakausap sa phone a.'
'A.. Kasi...'
'Anyways, nandyan na naman ba natulog si DJ kagabi? Inuugali na nung batang yun a. Nasan sila ni Kathryn?'
'Lumabas lang po sandali. Nag-breakfast ata.' Pagsisinungaling ni Min.
'Ah. Meeting tayo mamaya ha? Wag mo na munang isama si Kathryn. Importante lang 'to.'
Kahit di sabihin ni Mr. M ang paksa ng pagmee-meetingan, mukhan alam na ni Min kung ano ito.
'A, si- sige po. Ano pong oras?'
'Mga 10.'
'Marami po ba tayong magmee-meet?'
'Hindi naman gaano. Sige na Min.' Tila nagmamadali na si Mr. M. 'Magkita na lang tayo mamaya.'
Tumango lamang ang ina ni Kathryn bago tinapos ang tawag.
'Papa.' She turns to her husband. 'Samahan mo ako. Mukhang kailangan ko ng back-up.'
*******
Pasado alas syete na ng umaga nang bumalik sina Kath at DJ.
'Look Pa, may pasalubong kami ni DJ.' Magiliw na sabi ni Kath habang ipinapakita ang isang bucket ng fried chicken.
Diba favorite mo ang KFC, pa?'Tumango lamang si Teddy at hinalikan ang noo ng bunso.
'Kanina pa kayong hinahanap ng Mama mo.' Sabi nito. 'Nag-aalala na siya.' Iniabot nito ang bucket ng chicken sa isang katiwala upang ilagay sa dining area.
'Ay sorry po, Tito. Si Kath kasi. Naghanap ng fried chicken kaninang madaling araw.' Paliwanag ni DJ.
'Bakit hindi na lang kayo nagpaluto?'
'KFC gusto ko Papa e.' Lambing ni Kath. 'Iba kaya ung lasa nun.'
Nakaakbay pa rin si Kathryn sa ama nang lumabas si Min papunta sa living room.
BINABASA MO ANG
Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)
FanfictionDalawang sikat na artista. Isang pangyayari. Napakaraming intriga. Paano nga kaya, kung...?