⚠️⚠️⚠️
*****
'Late na nga natulog, maaga pa nagising.' DJ mumbles as he involuntarily opens his eyes. Hinagilap nya ang kanyang cellphone sa may unan nya at bigla nyang naalalang may gagawin nga pala sya.
'Oh ano na naman DJ? Aga aga nambubulabog ka.' Sagot ni Min sa kabilang linya.
'Good morning din sayo Mama Min! Uhm, Mama Min, sasamahan nyo po ba si Kath mamaya sa ABS?' Tanong nya.
'Yun na nga e. Baka hindi ko masamahan si Kath. May aasikasuhin kasi ako. Baka si Ganda na lang ang pasamahin ko sa kanya.'
Lumuwang ang ngiti ni Daniel sa narinig.
'Talaga po? San po kayo pupunta? Paano po kayo pupunta dun?'
'Wag ka ngang matanong DJ. Basta may pupuntahan ako. At bilang si Kath ang gumagamit ng van, syempre magta-taxi ako.'
'Naku Mama Min. Ok lang. Gamitin mo na yung van. Sunduin ko na lang si Kath dyan. O diba? Everybody happy!'
'Anong everybody happy? Baka ikaw lang ang happy?! Naku DJ ha... Masyado pang maaga para bolahin mo ako.'
'Mama Min naman. Sige na. Sunduin ko na lang si Kath ha? Yiiee.. Papayag na yan.'
'Naku bata ka. Bahala ka na nga.'
'Yes! Aylabyusowmach Mama Min! Mwahhh!'
'Basta bawal ang kalokohan DJ ha? Pag-alis dito, derecho ABS. Pagkagaling ABS, derecho dito sa bahay.' Min instructs DJ as if it was the first time.
'KJ naman Mama Min! Di pwedeng kumain muna kami ni Kath? Sige na Mama Min. Dinner lang.'
'Basta kasama nyo si Ganda.'
'Pero iiwanan namin sya sa kotse.' He murmurs under his breath.
'Ano yun DJ?!'
'Ay, wala po. Sabi ko, sige po. Ok lang.'
'O sya sige DJ.'
'Sige po Mama Min. Aylabyu! Ingat po kayo kung saan man kayo pupunta.'
And he smiles as he pushes the end call button.
*****
'Bunso...'
Iminulat ni Kathryn ang kanyang mga mata matapos makaramdam ng mahinang yugyog sa braso nya.
'Oh Ma.' She sits up and began to rub the sleep off her eyes.
'Magprepare ka na anak at susunduin ka daw dito ni DJ mayamaya.'
'Anong oras po ba ng story con?'
'1:30. E alas nuweve y media na o! Ambagal bagal mo pa kumilos.'
'Ma, antok pa ko...' She pouts and falls to her bed again.
'Hay naku Katreng! Ilang oras mo pa ba ka-facetime si DJ kagabi? One week na nga kayo magkasama sa Paris tapos hanggang pag-uwi nyo dito, kayo pa rin ang magkausap! Hindi ba kayo nagkakasawaan anak?!' And she tries to pull her daughter away from the bed.
'Mama, sige na po. 30 minutes na lang 'to. Magmamadali na lang ako ng kilos later.'
'Hay naku bahala ka!' And Min lets go of Kath's arm. 'Hindi kita masasamahan ha? Si Ganda ang kasama mo.'
'Bakit Ma? San ka punta?' She mumbles as her head was burried on her pillow.
'Basta.' At lumabas na sya mula sa kwarto ng anak. 'Ay oo nga pala.' Muli syang pumasok matapos maalala ang isang bagay. 'Bawasan ang masyadong PDA sa labas ha? Pagkagaling dito, derecho sa ABS. Pagkagaling sa ABS, uwi na agad.'
BINABASA MO ANG
Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)
FanfictionDalawang sikat na artista. Isang pangyayari. Napakaraming intriga. Paano nga kaya, kung...?