**"MAV!"
Nilingon ko si Mira kahit ang totoo, ayoko talaga siyang makausap. Alam ko'ng ibi-bring up at ib-bring up parin niya 'yong samin ni Prim. At ayoko ng mag-explain. Tapos na kong litanyahan ng mga kaibigan ko kagabi. Dadagdagan niya pa.
"Ano," walang gana ko'ng tanong.
"Can we talk?"
"Mira, if this is about her...No. Tigilan mo nalang kami." Kasi masaya na ako kahit sa ganoong paraan.
Tumalikod na 'ko pero hinawakan niya ang braso ko. Stopping me from walking away. Damn.
"You don't understand." Pagdidiinan niya noong nakaharap na 'ko sakanya. "She's Prim! Sasaktan ka lang niya!"
"I know."
"Kaya nga you should stop what you are about to do! Aki told me about it last night! My God, Mav!"
Tinitigan ko siya. Napabuga pa nga ako ng hangin sa mga pinagsasabi niya. "Unang-una sa lahat, 'wag na 'wag mo ako'ng papakealaman. Kayo. Ikaw ang isa sa mga nagtulak sakanya para mangyare 'to, diba? Kaya pwede ba? Tantanan mo 'ko."
Totoo naman eh. Ano bang pinaglalaban niya eh isa naman siya sa mga dahilan. Kaya dapat hayaan niya ako kung anong gusto ko. Wag nalang siya makealam.
"MAV! Hindi mo kasi naiintindihan!"
"HINDI TALAGA! At kahit subokan ko hindi ko maiintindihan! Problema ko na 'to, pwede ba?!"
Tatalikod na naman sana ako pero pumaharap na siya sakin. Punyeta.
"Mira—"
"Gagamitin ka lang niya!"
"Ako nga walang pakealam! Ikaw pa kaya!"
Hindi na siya nakapagsalita. Kaya naman umalis na 'ko. Dali-daling pumunta ako sa kabilang building. Doon kasi next class namin. Habang naglalakad, sinusubokan ko'ng iwala si Mira sa isip ko. I mean, yung mga sinasabi niya at yung inis ko sakanya. Psh. Mga kaibigan ko nga di nakapalag eh. Siya pa kaya?
Pagpasok ko ng classroom, naroon na sila. Andoon na rin si Aki. Tumabi ako sakanya. Habang di pa nags-start, nags-sketch muna siya. Hindi ko nalang siya pinansin at nanahimik nalang.
Hanggang sa dumating na ang Prof namin. Nagklase lang siya pero hindi ako mapakali. Hindi ko din alam kung bakit. Hindi ko rin alam bakit si Prim ang naiisip ko. At dahil di ko na kaya.. tinext ko nalang siya.
Mavis: Asan ka? Okay ka lang ba?
Noong araw na 'yon. Pumayag siya sa sinabi ko kahit na alam ko at kitang-kita ko'ng natatawa siya at nagulat sa sinabi ko. But knowing her now, mas kinatuwa niya 'yon. I'm a willing victim. Noong araw rin na iyon hinatid ko talaga siya sa bahay. Tapos nung nasa harap na kami ng bahay nila, sabi niya ngayon nalang daw kami mag-usap kasi pagod siya. Tapos baba agad at pasok. Noong gabi rin na 'yon, aaminin ko'ng.... umiyak ako ng napakatindi. Umiyak ako pagkatapos akong kausapin ng mga kaibigan ko. Kaya nga medyo maga mata ko ngayon kasi mga alas 4 na 'ko natulog.
"Paki pass." Nilingon ako ni Shane at ipinaabot yung notes. Kinuha ko 'yon at ibinigay sa tao sa tabi ko. Hindi kasi nakikinig.
Chineck ko ang cellphone ko pero wala parin. Wala paring text galing sakanya. Bumuntong hininga ako at napahilamos nalang. Psh. Tagal naman matapos neto. Habang kung ano pinagsasabi ni Prof.... wala akong naintindihan. Wala dito isip ko. Nasa kanya. Bakit kasi 'di ako mapakali? Tangina naman.
BINABASA MO ANG
LIKE THOSE MOVIES
FanfictionMavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring him into the clouds. In short, he dreams of making movies. Girls drool and run over him but he don't mind. He haven't been inlove or even in a...