**8 YEARS AGO.
NAKAUPO ako sa may terrace ng bahay kung saan nasa harap ang garden. Puno ito ng malulungkot na alaala. Walang masaya, malungkot lamang. Nakaupo ako habang nakalagay ang mga kamay sa magkabilang gilid ng silya. Tinitignan kung gaano katahimik ang paligid. Rinig ko lamang ang mabibigat kong paghinga. Pagod na pagod na.
Tama naman ang desisyon ko, hindi ba? Hiniwalayan ko na si Jared kasi hindi ko na siya mahal.
Pero hindi ko babalikan si Mavis... kahit na wala naman talaga akong babalikan. Hindi ko siya babalikan at hindi ko sasabihin sakanya ang mga katagang "Mahal Kita". Kasi may karugtong 'yon na "Sapagkat." Hindi dapat. Hindi niya 'ko deserve. Ang taong isang katulad ko ay hindi karapatdapat na mahalin ng taong katulad niya. Hindi naman talaga.
Kahit na alam kong posibleng tanggapin niya 'ko—pero hindi dapat. Hindi ako. Hindi ako ang taong dapat bigyan ng pagmamahal na kaya niyang ibigay. Kaya mas pinili ko'ng pakawalan siya. I've caused a lot of pain for him. I've made a lot of mistakes. I wouldn't make one anymore.
Atleast sa puntong 'to, masasabi ko'ng may nagawa akong tama. At yun ay ang palayain siya. Yun ay ang isipin kung anong mas makakabuti sakanya.
Tahimik. Pero hindi mapayapa. Ganon yung nararamdaman ko ngayon. Hanggang sa biglang may sumigaw sa kung saang parte ng bahay namin. Isinisigaw ang pangalan ng kapatid ko—si Paige.
"PAIGE!!!! HELP!!!" Awtomatikong napatayo ako. Agad na pumunta sa labas at hinanap si Mommy. Boses niya 'yon at hindi ako pwedeng magkamali. Nasa harap siya ng pinto ni Paige. Nakatayo. Agad ko siyang pinuntahan. Kinakabahan. Nakatingin lang ako sakanya habang siya, naka-awang ang bibig, nakatingin lang sa direksyon na hindi ko pa tinitignan. Pero sa pagkakatingin ko pa lamang sakanya....parang ayoko na 'tong tignan. Namumuo ang mga luha sa mata niya. "Ma...." Pero hindi niya 'ko nililingon. Naglakas loob akong tignan ang direksyon kung saan siya nakatingin.
At doon, nakita ko ang katawan ng ka-kambal ko. Mayroong tali sa leeg at nakabitay. Mayroong silyang natumba. Mayroon. Pero wala. Wala na siyang buhay. Agad-agad akong tumakbo papunta sa kanya—papunta kay Paige. "Paige...paige...." Hinawakan ko ang paa niya. Malamig na. Napalunok ako. Nakabukas ang mga mata niya.
Umiiyak na kinuha ko ang upoan at itinayo. Pumatong ako doon... pilit na inaabot at itinatanggal ang lubid na nakapalibot sa leeg niya. "Paige...." Pero si Paige... nanatili lang siyang nakatingin sa iisang direksyon. Wala na. Wala na akong magagawa.
"HINDI 'to pwedeng malaman ni Papa." Nakayuko si Daddy. Umiiyak. Kapag ako rin ba namatay..... ganyan din sila? Yung may pagsisisi sa mga mukha. Yung talagang nasasaktan. Parang mababaliw. Pero sa tingin ko? Mas mananaig yung tuwa. Yung tuwa na sa wakas wala na 'ko. Na wala na silang po-problemahin.
Kakauwi lang ni Paige noong isang linggo galing Amsterdam. Hindi ko alam bakit. Hindi ko nga alam na nakauwi na siya. Hindi naman kasi kami malapit sa isa't-isa. Hindi kami magkakasundo. Hindi kami nagkakasundo. Mabait siya masyado. Habang ako, hindi.
— Yon ang sinasabi lagi ni Daddy. Kaya 'yon na ang tumatak sakin. Na ganon ako. Na hindi na 'ko magbabago."Baka... baka atakehin siya sa puso.... kung... kung malalaman niyang...." Inilagay niya ang dalawang palad sa mukha at umiyak. "Wala na.... wala na si P-paige..." Napaiwas ako ng tingin. Nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan. Nasasaktan sa ideyang wala na siya. Nasasaktan sa nakikitang mahal talaga nila siya.
Kasi ni minsan, hindi ko naramdamang mahal nila ako. Kung pinagsisisihan nilang namatay si Paige. Siguro sakin? Nagsisisi silang anak nila ako. Na bakit ako pa 'yong napunta sakanila.
Wala rin naman silang magagawa. Hindi nila ako gusto? Mas lalo naman ni Lolo. Kaya nga si Paige 'yong kinuha...hindi ako.
Pati sa Lolo ko.... wala. Hindi niya ko gusto. Magkaiba raw kami ni Paige. Mabait daw si Paige. Bakit daw ganto ugali ko. Dapat daw hindi nalang nila ako anak. Dapat daw si Paige nalang. Dapat daw si Paige nalang at wala nalang ako. Kasi kay Paige pa lang.... okay na sila eh. Naging sakit pa 'ko sa ulo. Dapat daw noong inere kami ni Mommy, inuna si Paige. Tapos kung ako na yung susunod.... dapat daw hindi niya nalang ako inire. Haha.
Ang sakit. Ang sakit na.... ang sakit na parang walang may gusto sayo. Na parang walang nagmamahal sayo. Na kahit minsan.... hirap kang maramdaman 'yon. Na kahit anong pagmamahal ang ibigay sayo ng ibang tao... hindi yun matutumbasan ng pagkauhaw mo sa pagmamahal nila. Pagmamahal na galing sa pamilya mo.
Imagine? Tatay at Nanay mo ayaw sayo. Tatay at Nanay mo ni hindi man lang kahit minsan sinubokang.... sinubokang tulongan ka. Mahalin ka.
"May note si Paige. At...." Umupo si Mommy sa tabi ni Dad. "Kaya siya nagpakamatay dahil sa depression. Nasasakal na siya sa Lolo niya. Nasasakal na siya kay Papa."
Napatingin kaming pareho ni Dad. Si Paige? Nasasakal kay Lolo? Eh mahal na mahal nga siya non.
"What...."
"Tumatanda na si Papa we all know that.... at.... I don't know... I don't know what to do.... pag malaman 'to ni Papa... I'm sure...."
Nagiyakan silang pareho ng walang tunog. Makikita mo sakanilang pareho na nasasaktan sila. Siguro kasama na rin 'yon ang maaaring mangyari kay Lolo. Ako nakatingin lang... tahimik na nasasaktan.
"Pero pwede pa nating.... Pwede pa nating magawan ng paraan." Napatingin ako kay Mommy. Anong paraan?
Tumingin siya sakin. "If we failed as parents to Paige.... we still have a chance to not fail him."
"You have to be Paige." Tinignan niya ko mata sa mata. "Please, Prim." Lumapit siya sakin. Tumabi. Hinawakan ang kamay ko.
"For your Lolo?"
Tumingin ako kay Daddy... asking for help. Asking for an answer. Pero siguro nagkamali ako. Nagkamali akong tumingin ako sakanya kasi mas nasaktan ako. Tumayo siya. Tinignan ako na parang sinasabing pumayag ako. Na parang nagmamakaawang sumagot ako ng "Sige, Oo." Sobrang sakit. Tumingin ako kay Mommy. Paulit-ulit niyang sinabi ang salitang "Pakiusap".
Para kay Paige.
Para kay Lolo?
Eh pano naman ako? "I can't...."
"This will be the death of your Lolo. Please do this for him."
"By fooling him?" Hindi makapaniwalang tanong.
"Prim.... this is the only thing we can do. Please. Prim."
"Mom—"
"Pakiusap. I'm begging you."
Wala na bang mas sasakit dito? Na yung mga magulang mo.... pinapakiusapan kang kalimutan ang sarili mo at magsakripisyo para sa iba? Na parang hindi ka nila anak? Na kung makiusap sila sayo.... parang wala lang. Parang... hindi ka ganon ka importante para ipamigay. Para... huminga ng pabor upang magsakripisyo.
Hindi 'to pagmamahal. Hindi 'to 'yong pagmamahal ng isang magulang. Hindi 'to.
Bakit hanggang dito... nasasaktan parin ako? Bakit hanggang dito... kailangang... ako parin? Bakit hanggang dito.... ako parin 'yong dehado? Bakit ako?
They failed as parents to Paige? They're failing as parents to me.
My life is composed of the sun, the moon... and the truth. The truth that this universe will pull the good strings away from me. The truth that... I will never be happy. I will never be free.
**
SORRY SA LATE UPDATE :( BUSY EH. LAM NIYO NA SONGER HAHAHA
BINABASA MO ANG
LIKE THOSE MOVIES
Fiksi PenggemarMavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring him into the clouds. In short, he dreams of making movies. Girls drool and run over him but he don't mind. He haven't been inlove or even in a...