**"THANK you for tonight." Huminto kaming tatlo sa tapat ng Zasty's. Hinawakan ko ng mahigpit si Tristan ng tinignan ako ni Mavis. Napalunok pa nga ako, sa totoo lang.
"W-wala 'yon... Sige, we have to go. Take care." Nag-aalangan akong lumapit sakanya at bumeso pero kahit na nag-aalangan ako, lumapit parin ako. Hindi naman siya na-awkward o napahinto ng magbeso kami.
Maybe because he was convinced already. Thanks to Tristan and yeah, myself. I did well. I should be happy about it, right? It's a good thing... right? It's something I should be thankful. He's now convinced. Now I should be the one convincing myself. That all is fine. That I am fine.
Ngumiti siya sakin and I can see that it was geniune. Funny how he smiled so true and the reasons behind it are lies.
"Thank you, Tris. Paige." He said and he started to walk away.
Humawak ako nga mahigpit kay Tristan and he looked at me.
Nakatayo kami sa labas ng restaurant. Nakaharap sa naglalakad na si Mavis. I take 3 steps and then humarap kay Tristan. Turning my back from his view. I don't want to look at his back walking away from where I am standing. And I am doing nothing.
Nagkatitigan kami ni Tristan.
"Prim,"
Tawag niya sa pangalan ko ng unti-unti na 'kong umiiyak. Umiiyak ako sa isang street sa Amsterdam. Sa labas ng isang restaurant kung saan kami nagkasama at kumain.
Dapat masaya na ko diba?
"Diba dapat masaya na 'ko?" Nanginginig ko pa'ng tanong sakanya. Habang umiiyak. Habang unti-unting nasasaktan. "Hindi ba...."
Nakatingin siya sakin pero alam kong nasasaktan din siya para sakin. Alam ko'ng gusto niya ko'ng yakapin pero nakikita niya sa mga mata ko'ng hindi ko 'yon gusto. Na hindi 'yon ang kailangan ko. Na hindi galing sakanya ang yakap na gusto ko.
"Kailangan ko 'yong lalakeng kausap natin kanina. Kailangan ko 'yong lalakeng ngiti ng ngiti satin kanina. Kailangan ko 'yong lalakeng sinabihan ko ng kung ano-anong kasinungalingan kanina. Kailangan ko 'yong lalakeng umalis na kanina. Dapat kasi pinigilan ko siya kanina. Pero wala na siya ngayon. Dapat ginawa ko 'yon kanina."
Iyak lang din ako ng iyak kahit na sobrang nasasaktan ako. Kahit na pakiramdam ko, matutumba na ko dahil sa totoo lang, kanina ko pa pinipigilan 'to. Kahit na ang labo-labo na ng paningin ko kasi parang 'yong ilang taon na hindi ako umiiyak naibuhos ko na ngayon. Wala na. Parang nahulog yung maskarang nakalagay sa mukha ko ilang taon na. O kung di man maskara, parang natanggal na yung pinta. Si Mavis yung ulan na dumating ulit kaya unti-unting nabura yung pinta na inilagay ko sa buong katawan ko. Pero nanatili parin akong nakatayo at walang ginagawa.
Kasi alam ko namang hindi ko na mapipigilan. Kahit kailan. Kahit kailan hindi ko mapipigilan.
At kahit saan man ako magpunta. Nabubura na. At kahit sumilong pa, gaya ng kanina, kung hindi man lahat, may ibang parteng wala na.
Pero sa loob-loob ko—ubos na ubos na.
Nawala ang distansya na namamagitan samin. Malapit kaming dalawa. Sobrang lapit.
"Sabi ko diba? 'Wag ka ng magpanggap. Gusto mo siyang habulin? Habulin mo! Sundan mo! At pag nasa kamay mo na, 'wag mo ng bitawan pa. Kumapit ka na. Tama na yung ilang taong nagdudusa ka. Tama na yung ilang taong nagpanggap kang masaya at natakot ka. Tama na yung ilang taon na sumakay ka sa utos ng iba para narin matakasan mo ang sarili mo'ng takot. Tama na 'yon, Prim. Napapagod na rin ako sayo."
Mas lalo akong umiyak sa sinabi sakin ni Tristan.
Sobrang sakit. Ang sakit-sakit na.Yung mga salita niya... lahat tagos. Parang sa likod ng bawat salita may nakatagong Katniss Everdeen na pumapana sakin. Ang sakit. Ang sakit kasi lahat 'yon totoo.
"Gumawa ka ng bagay para naman sa sarili mo. Tingin mo? Bakit siya andito? Kasi kahit anong takbo mo palayo sakanya. Kahit na magpahigop ka sa kung anong pwersang di mo makita. May kung anong tali na hawak ng kalawakan na pilit kayong pinagtatagpo. Pilit kayong hinihila papunta sa isa't isa. Pilit kayong hinihila. At sa huli, kayo parin ang magkikita."
Ako na ang yumakap sakanya. Hindi ko na kaya. Siguro nga tama siya. Para kami sa isa't-isa. Pero baka rin tama ako, para sana kami sa isa't-isa kung hindi lang dahil sakin. Kung hindi lang dahil sa higpit ng mundo. Kung hindi lang.
Paniwalaan mo, Tristan. Gustong-gusto ko na siyang puntahan. Pero parang mayroong pwersang pilit akong pinipigilan.
"Gusto ko. Gustong-gusto ko." Sabi ko habang humihikbi.
Niyakap niya ko ng mahigpit. Sobrang higpit. "Tama na kasi. 'Wag mo ng pilitin ang sarili mo. Wag mo ng kumbinsihin ang sarili mo'ng masaya ka pero hindi naman talaga."
"Natatakot ako. Natatakot ako, Tris."
"Hindi na kita pipilitin. Pero kapag natauhan ka na at nawala na lahat ng kinakatakutan mo na pwedeng itapon sayo ng kalawakan... andito parin ako."
"At please lang, 'wag mo na akong tawaging Tristan. Tapos na ang drama. Tricia na ulit."
**
BINABASA MO ANG
LIKE THOSE MOVIES
FanfictionMavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring him into the clouds. In short, he dreams of making movies. Girls drool and run over him but he don't mind. He haven't been inlove or even in a...