**
"MAVIS! Umayos ka nga!" For the nth time, bumuntong hininga ako. "Kasal mo tapos ganyan 'yang pagmumukha mo!" Dagdag pa ng nanay ko. Andito siya sa kwarto ng mga lalake kasi chine-check niya 'ko. Baka raw kasi nagbigti na 'ko.
"Tsk,"
"Look at me," Hinawakan ni Mama ang baba ko at ipinaharap sakanya. "Ano bang pinuputok ng buchi mo?" Seryoso niyang tanong.
"Siya. Si Prim. Gusto ko na kasing makita. Ba't pa kasi nauso 'yang mga pamahiin-pamahiin na 'yan!" Narinig ko ang pagtawa nila Cady na, dapat lang na andito. Kasi kasal ko.
"PAKA OA NAMAN THIS BOY."
"SWEET NAMAN THIS GUY."
"HOW TO BE YOURS?"
Siyempre hindi naman magpapahuli ang mag side-comments nila, 'no? Natawa na lang din ang iba ko pang kaibigan at pinsan na andito. Tinignan ako ni Mama na may halong asar sa mukha. "Adik ka talagang bata ka. Napaka-oa. Para 1 linggo lang 'di nakita!"
"Yun na nga, e! Pagkaka-alam ko mga dalawa o isang araw lang 'di magkikita pero masyado kayong mahusay at ginawa niyong isang linggo!"
Nakaka-asar. Worst part? She found it challenging. Na-excite pa ho siya. Nakakabwisit 'di ba?
"Sus, nung sinabi mo naman 'yan kay Prim wala ka namang nasagot sakanya. Hahahahaa! Don't us, nak! Don't us!" Tapos tumitirik-tirik pa mata niya habang sinasabi 'yon. Nakakainis.
Kinakabahan ako and at the same time nae-excite and at the same time, naiinis and at the same time, naiiyak. Miss na miss ko na siya. Alam niyo 'yon? Sa 5th floor sila ng hotel na 'to. Samantalang kami nasa 7th. Nakakainis. Nakakainis, swear. Gusto ko na siyang puntahan pero hindi ko maintindihan kung bakit parang nagkaroon ng degree ang mga kaibigan at kamag-anak ko sa pagka-sundalo kasi kung maka bantay sila sakin akala mo mga heneral. Pinagbabawal daw. Tangina no?
Ilang araw ko ng naririnig 'yong boses niya lang. Naku-kumpleto naman na agad araw ko boses niya pa lang ngunit gusto ko na siyang makita, mayakap, mahalikan... lahat. Nakaka-depress. Ngayon pa lang ha? Na hindi siya nakikita tapos AKIN pa siya.... Nababaliw na 'ko. Paano pa kaya kung.. tangina, hindi ko na nga nakikita hindi pa akin. Edi tumalon ako sa isa sa building sa Makati?
Napaupo ako at kinuha ang cellphone ko. 2 more hours pa before ko siya makikita ulit. This time, sa simabahan na. This time, papakasalan ko na siya.
Nakatingin ako sa view mula rito. Kitang-kita ko ang Intramuros. "Hello?" Napapikit agad ako nang marinig ko ang boses niya. Sh-t. Tiis-tiis nalang. Konti nalang. Dalawang oras? Putanginang 'yan.
"Mahal..." I groaned like a little kid. Narinig ko ang marahan at malakas na pagtawa ng mga taong nasa loob but I didn't mind them. Wala na akong pakealam kung nagmumukha akong tanga.
I heard her chuckle. "Mahal? Ano 'yon?" F-ck. The sweetness of her voice will be the death of me.
"Miss you,"
"Miss na rin kita.."
Kahit kasi mukha niya hindi ko pa nakikita. Paano, pati videocall daw bawal! Galing ng nanay ko no? Hindi ko kinaya.
BINABASA MO ANG
LIKE THOSE MOVIES
FanfictionMavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring him into the clouds. In short, he dreams of making movies. Girls drool and run over him but he don't mind. He haven't been inlove or even in a...