The First Mark

41 3 0
                                    


hello everyone :)
eto na ang chapter two nang The Elements, I hope you'll like it.
ipapakilala ko na din pala si
Kier kaya tutuk lang kayo.

*******

Ythan's POV

magkasabay kami ni Kier na kumain nang dinner. nagluto ako at pinaayos ko sa kanya ang mesa para maka kain na kami agad pagka luto nang pagkain.

magkaharap kaming nakaupo sa mesa at nag ku kwentuhan sa mga nangyari kaninang umaga.
bigla siyang natigilan kaya nagtaka ako nung tinignan niya ang kamay ko.

"anong gimik na naman yang nasa kamay mo?" pagbibirong sabi niya.

"nagtataka nga din ako eh, hindi ko maalalang nag pa henna tattoo ako last day." pati ako nagtataka dahil ngayun ko lang na alala ang marka sa kamay ko.

nag patuloy kami sa pag kain at mabilis namin etong inubos dahil may pag aaralan pa kami.
natawa ako nang biglang ma bilaukan si Kier sa kaka madali niyang kumain. tumawa siya nang malakas pagkatapos maalis nang bumarang pagkain sa lalanunan niya.

naalala ko tuloy nung unang pagkikita namin ni Kier. hindi ko lubos maisip na magiging bestfriend ko siya. siya lang ang nag iisang taong tinatakbuhan ko kapag may problema ako.

*******

flashback

nasa ilalim ako nang isang malaking puno at nasa cemetery ako nung araw na iyon. nakapikit ang mga mata ko pero
dinadaluyan eto nang malulungkot na luha dahil yon ang araw na inilibing si daddy.

umiiyak ako at walang tigil ang pag buhos nang luha ko. nahikbing dinilat ko ang aking mga mata dahil sa tunog nang mga dahon at sangang nababali. may taong nag lalakad palapit sa akin.

nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa harap ko. sa tingin ko ay kaedad ko lang siya. namumula ang kanyang mga mata at halatang kagagaling lang netong umiyak.

umopo siya sa tabi ko na agad kong ipinag taka. nakaupo lang siya at nasa malayo naka tingin.
hangang sa lumingon siya sakin at nag salita.

"hi!" malungkot na bati niya.
"daddy mo ba yung iniling kanina?" walang emosyong tanong niya sa akin.

"oo. daddy ko nga yun" naiiyak na sagot ko. natatandaan ko ang lalaking to. siya yung lalaking nakita ko kanina.

"parehas lang pala tayo, kakalibing lang din nang parents ko today." naluluha ang mga mata niya nung pagka bangit niyang nilibing ang parents nya today.

"by the way Im Kier, Kier Frost sa tingin ko ay mag ka kilala ang daddy mo at ang parents ko. magkapitbahay lang tayo. pero di ako parating lumalabas nang bahay kaya siguro di mo ako matandaan". pakilala niya sa akin.

mali siya nang iniisip. kilala ko siya at ngayon ko lang na alala ang mukha niya. nakita ko na siya before. tinignan kong mabuti ang mukha niya. makinis eto at maputi ang balat, matangos ang ilong neto at bumagay sa mukha niya ang manly niyang jawlines.

" Im Ythan Sied". pakilala ko sa kanya."nakita na kita before at alam kong magkapitbahay tayo. di ko lang sigurado kung magkakilala nga ang parents natin". paliwanag ko sa kanya.

parehas kaming sabay nawalan nang magulang. sa isang iglap lang nawala ang mga taong pinaka mamahal namin. kaya simula nun, araw araw na kaming nagkikita ni Kier.

after naming matapos sa Atlanta's High nag desisyon kaming pumasok sa iisang university. parehas naming pangarap na makapag tapos at tuparin ang mga pangarap nang magulang namin.

nagpatuloy ang pagkakaibigan namin hangang sa tinuring na namin ng isat isa bilang mag bestfriend. hindi namin alam parehas kung ano ang mangyayari sa amin kung magkakahiwlay kami.

flashback ends

*******

nagliligpit nang kinainan namin si Keir. inutusan ko siya dahil ayukong maghugaa nang mga pinggan. tinatamad ako sa mga oras nato kaya siya na ang pinaghugas ko.

nakasimangot naman eto sakin. halatang hindi niya gusto ang ginagawa niya. hindi ko maiwasang asarin siya dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya.

nagulat kami nang biglang may malakas na katok sa pinto. napakunot nuo akong nagisip dahil wala naman kaming inaabangang bisita. nakakapag duda kaya nagka tinginan kami ni Kier.

mayamaya pa ay kumatok na naman eto ngunit halatang galit eto dahil mas malakas ang katok sa pangalawang beses na parang gusto nang sirain ang pinto nang bahay. kinabahan na ako sa mga nangyayari. umalerto agad si Kier halatang alam niya na may kakaiba sa mga nangyayari.

kinuha agad ni Kier ang bakal na tubo. para kung sakasakali na pumasok eto ay handa siya. malakas na kaba ang naramdaman ko dahil hindi ako handa sa ganitong mga sitwasyon. lampa ako at si Kier naman ay medyo malaki ang katawan dahil nag training siya dati nang karate.

patuloy ang malakas na kalabog sa pinto hangang sa bigla nalang may sumabog at bumagsak ang pintuan nang bahay ko.

"shit! Ythan!" malakas na sigaw ni Kier sakin dahil medyo malapit lang ako sa pintuan nung mang yari ang pagsabog. natumba ako dahil sa lakas nang impact nang pagsabog.

agad naman akonng tumayo, at tumakbo papalapit kay Kier. may maliit na sugat ako sa braso dahil sa maliliit na parte nang pinto na tumama sakin.

"are you okay?" nag aalalang tanong sakin ni Kier. tumango lang ako upang sumangayon sa kanya. hindi ko magawang makapag salita dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

"be ready" alertong paalala ni Kier.

lumaki ang mga mata ko sa mga sumunod na nangyari. tatlong di ko kilalang tao ang pumasok sa pinto. dalawang lalaki at isang babae at mukhang hindi mga normal sa mga itsura nila.

nakasuot nang black fitted suit ang babae at lutang na lutang sa suot niyang damit ang hubog nang maganda niyang katawan. tinitigan ko sya dahil namamangha ako sa kagandahan niya.

siniko ako ni Kier. dahilan para bumalik ako sa katinuan. natakot ako dahil sa kakaibang atmosphere na bumabalot ngayon sa paligid. may hindi tama sa mga nangyayari.

nag salita ang babae at itinuro ako. "are you the first mark of howling wind?" kumunot ang nuo ko dahil hindi ko alam ang sinasabi niya. nagtataka namang lumingon sakin si Kier na halatang naguguluhan din sa mga pangyayari.

hindi ako makapagsalita. nagugulahan ako. bigla namang nagsalita ang isang kasama niyang lalaki. "mukhang wala tayong mapapala sa kanila Minerva." kakaiba ang mukha niya at ngayon ko lang napansin na mala puno ang balat niya na lalong ikinatayo nang mga balahibo ko.

"hindi maaaring wala dito ang hinahanap natin Sindge!" sagot nang lalaking nakaitim na suot pero kalmado lamang ito. napansin ko din na may kapogian itong taglay at ang lalo kung kinagulat ay nakalutang eto sa ere.

"tama si Luke." sagot nang babae. hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. naramdaman ko nalang na humigpit ang pagkakahawak sakin ni Kier.

"maghanda ka Ythan, mukhang hindi normal ang mga taong to." pabulong na sabi ni Kier sakin. halata din ang takot at pagkalito sa mukha niya. parehas kaming naguguluhan sa mga nangyayari.

"lets just finish our job and make it quick! para di na tayo maparusahan." naiinip na utos ni minerva.

"sino sa inyong dalawa ang may first mark nang howling gale of the wind? wag na kayong manlaban para wala nang masaktan." kalmado parin si luke habang nagsasalita.

napapa atras ako dahil sa nahihila ako ni Kier. umaatras siya at nag iisip kung saan kani pwedeng dumaan pag tumakbo kami.

"maghanda kayo parang walang gustong mag salita sa dalawang to". utos ni Sindge sa mga kasamahan niya.

to be continued ...




hangang dyan nalang muna :)
bitinin ko muna kayo.
marami pa akong gagawin
kelangan kong tapusin.

makaka takas kaya si Ythan at Kier sa mga kalaban?
kalaban nga ba sila o kakampi?
abangan...

The Elements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon