Life after Death

20 0 0
                                    

Kier's POV

Nagising ako sa di pamilyar na lugar. Sobrang liwanag ng paligid kung saan puro kulay puti lang ang nakikita ko. Hindi ko matandaan kung bakit ako narito.

Ang huling naaalala ko ay ang gabing hinabol at pinapahirapan kami nang di kilalang mga tao. Hindi ko alam kong nasaan na ako. Hinanap ko si ythan ngunit nabigo ako.

Napaikot ikot ako pero wala talaga akong makita. Ako lang ang nagiisang tao dito ngayon. Inisip ko nalang na siguro ay namatay ako noong gabing yun.

Kung ganun nga ang nagyari, maaaring buhay pa si ythan dahil hindi ko siya kasama ngayon. Napansin ko din na maayos na ang suot kong damit.

Siguro nga ay patay na nga ako. Ilang araw na siguro ang nakakalipas pero wala parin akong mahanap ni isang nilalang sa lugar na ito.

Nang biglaang may tumawag sa pangalan ko. Kilala ko ang boses niya. Alam kong naiiyak nako sa mga oras nato ngunit wala nakong pakialam.

Dali dali kung pinahid ang mga luha na nangangahas na dumaloy sa mga pinsngi ko. Agad kong hinanap ang boses na tumatawag sa pangalan ko. Patakbo akong paikot ikot sa paligid.

"Kier!" Sigaw niya sa pangalan ko.

Tumakbo ako papunta sa dreksyon kung san nanggagaling ang boses pero wala akong nakita. Nag pa linga linga ako ngynit nabigo ako dahil wala akong na datnan kundi ang sarili ko lamang.

Siguro labis ko lang na miss ang kaibigan ko. Miss ko na nga si ythan. Lumabo ang mga paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko.

Hindi ko na napigilan at tuluyan nang dumaloy ang mga luha ko. Nalulungkot ako sa katotohanang magisa nalang ako.

"Kier?"

Nagulat ako nang marinig ko ulit ang boses niya sa bandang likoran ko.

Dahan dahan akong lumingon para kunyari may slow motiong effect (charot) joke lang.

Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. At sa wakas ay hindi ako nabigo. Nakita ko ang mukha ni Ythan na akala ko hindi ko na masisilayan pang muli.

Hindi ko inaasahang tatakbo siya papunta sakin. Hinayaan ko lang siya habang ako ay hindi maka galaw dahil sa tuwang nararamdaman ko.

Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at agad akong niyakap. Laking gulat ko nang tumagos lang siya sa katawan ko. Nilingon ko siya ngunit natigalan ako nang makita ko ang mga mata niya.

Umiiyak na siya. Hindi ako sanay na umiiyak siya, alam kong dahil sakin kaya siya umiiyak. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tumahimik nalang ako.

"Sumama ka sakin kier!" Sabi ni Ythan sakin. Hindi ko alam kong san kami papunta basta sumunod lang ako sa kanya.

Tahimik lang akong naka sunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang bangin.

Hindi kita ang nasa ilalim neto. Tumigil sa paglalakad si Ythan kaya napahinto din ako. Lumingon siya sa akin at tinignan ako ng madiin sa mata.

Naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin. Kaya pumikit ako kasabay ng isang malakas na hanging umihip sa mukha ko. Sa sobrang pagtataka ko ay dinilat ko ang aking mga mata.

Bahagya akong natuwa dahil wala na ang kulay puting paligid. Wala na ang nakakasawang lugar kung saan nakulong ako ng mahabang panahon.

Nilibot ko ang aking paningin sa lugar. Parang nasa isang mahiwagang kagubatan ako ngayon. Tinignan ko si ythan at halatang natutuwa siya sa nakikitang reaksyon sa akin.

Nagulat ako ng may bigla akong maramdamang presesnsya sa likoran namin.

"Mabuti at nakabalik na kayo." Mahinhin ang pagkaka bigkas niya sa bawat salita at mahinahon ang tono ng boses neto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Elements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon