hello guys!
we're back :) thanks nga pala
kay glenus at benj sa pag vote.more i want more charot!
anyway medyo busy ako kaya
medyo madalang update.at maraming thanks sa mga copyright na covers natin. mwah love you all.
********
ythan's POV
sinubukan kong bumalik sa bahay ko pero sira na ito. may mga tao sa loob at nararamdaman ko sila. nakita ko din si luke kaya lumayo na ako doon.
hindi ko na alam kung saan ako pupunta. alam ko na hindi na ako makaka balik sa dati kung buhay. may mga humahabol na sa akin ngayon. saan ako pupunta.
na alala ko na naman si Kier. kung hindi lang sakin napunta ang mark nato sana buhay pa siya. sana kasama ko pa siya ngayon.
throwback..
pagkatapos nang laban namin ay pinuntahan ko agad ang bangkay ni Kier. hinawakan ko ito sa pag babakasakaling meron pang kaunting buhay na natitira ngunit nabigo ako.
wala na itong buhay at isa nalang itong malamig na bangkay. umiiyak ako dahil alam kong ako ang dahilan nang pagkamatay niya. wala akong magawa kundi ang umiyak nang umiyak.
malaki ang butas sa dibdib niya dahilan para mawalan siya nang buhay. hangang sa huling pagkakataon ako parin ang inisip niya, kaligtasan ko parin ang inuna niya.
kumunot ang nuo ko nang makita kong lumiwanag ang katawan ni Kier. lumutang ito sa ere, nagtaka ako. maya-maya pa ay dahan dahang naging maliliit na butil nang liwanag ang katawan niya at naglaho sa hangin.
hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. ang alam ko lang ay hindi na babalik sa dati ang buhay ko. hindi na magiging normal ang isang kagaya ko.
*********
nasa gubat ako ngayon dahil hinahabol ako nang mga taong may itim na cloak. inutusan sila ni Luke alam ko. hindi ko sasayangin ang binigay ni Kier sa akin na pagkakataong mabuhay.
kelangan kung iligtas ang sarili ko. mabilis akong tumakbo papunta dito sa gubat.
mas may advantage ako kasi alam ko ang gubat na to.madaming puno at madilim ang paligid. hindi masyadong nakakapasok ang liwanag ng buwan sa loob ng gubat kaya naka pag tago ako.
sa tingin ko ay naisahan ko sila. hindi ko na sila nararamdaman ngayon. palagay ko wala na sila. napasandal ako sa puno at napa buntong hininga nalang. pagod na ako at hindi ko na kakayanin pang tumakbo.
nagulat ako nang mag si ilaw ang paligid ko. shit! napapaligiran na pala nila ako. lahat sila ay may hawak na baston na may makikinang na bato. sa mga bato nito nangagaling ang ilaw na nag mistulang lampara.
anong gagawin ko. sinubukan kong tumakbo pero hindi ako maka galaw. napansin ko ang isang lalaking nasa harapan ko. maraming siyang tattoo sa mukha.
(may adik pa atang napasama sa kanila joke.)
nagsasalita ito nang mabilis pero pabulong. sa tingin ko siya ang dahilan kaya di ako maka galaw. nag chant siya ng spell sakin. hindi ko na magamit ang kapangyarihan ko kanina dahil nawala na ang mga ala-alang pinahiram sakin ng magandang babae.
kalaunan itinapat nila sakin ang mga baston na hawak nila nagliwanag ang mga ito. ibat ibang kulay nang liwanag, puti, dilaw, berde, asul, etc.
nahihilo ako, nanghihina ang tuhod ko. sa tingin ko may kinalaman ang mga liwanag nato sa nangyayari sakin. maya maya pa ay naramdaman ko ang pamamanhid ng katawan ko at nalasahan ko ang lupang kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
The Elements
Fantasyfive individuals have been chosen to possess the power of the elements and win against the coming darkness. Ythan Sied is a young man who's life is changed by just one snap,Together with his besfriend kier frost and the other elemental lumia users...