Im back!
na miss ko kayo. dumadami nadin pala ang nakaka basa. excited nako for this chapter!lets get started!
*********
Ythan's POV
naka ramdam ako nang kakaibang enerhiya sa katawan ko. nagtataka ako pero di ko masyadong pinansin iyon dahil sa sakit ng mga sugat na natanggap ko mula sa atake ng mga kalaban.
hindi ko na inisip pa kung ano ang nangyayari. pinilit kong makawala sa higpit nang pagka gapos sa akin ni Sindge. abala siya ngayon sa pag lalatigo kay Kier at si Minerva naman ay nagpapakawala nang maraming smoke bombs.
nag tagumpay ako sa pagtangal ng mga ugat sa mga paa at kamay ko. bumagsak ako sa lupa at dahan-dahang tumayo. kahit pakiramdam ko ay bumabalik ang aking lakas hindi parin ito sapat para lumaban.
pinilit kong maka tayo! hindi ako napansin nang dalawa dahil abala sila kay Kier. kelangan ko nang bilisan dahil malubha na si Kier, ayuko siyang mamatay.
madilim ang paligid, nanghanap ako nang pwedeng gamitin pang laban sana sa kanila. ngunit bigla na lamang akong tumilapon at namilipit sa sakit. pinatamaan ako ni minerva ng smoke bomb niya.
tumilapon ako sa damuhan kaya hindi ganon ka sakit ang pag bagsak ko. pero namilipit ako sa hapdi ng sugat ko sa tagiliran. nabali na ata ang mga buto ko.
wala nabang katapusan to? nag sisimula na ulit akong manginig sa takot. natatakot ako para samim ni Kier. si Kier! na alala ko ang kaibigan ko. nanlumo ako nang makita ko siyang sugatan.
halos wala nang natira sa suot niyang damit. nagka punit-punit ito dahil sa lakas nang mga atake ni Minerva at Sindge. hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. saglit akong napa dasal.
maya-maya pa tinigilan na nila si kier. lumapit sakin si Minerva kinabahan ako sa susunod niyang gagawin. gusto kong tumakbo pero ayaw sumunod nang katawan ko sakin. hinawakan niya ang kanang kamay ko at tinitigan ito.
"nasa kanya ang mark Sindge. tama na ang laro". Minerva
lumapit si sindge sa akin at tinignan ang markang nasa kanang kamay ko.
"ano bang meron sa markang to? bakit sakin pa napunta to? ano bang kinalaman nito sa mga nangyayari?" sunod-sunod kong tanong sa sarili.
"dalhin na natin siya sa sa Ignus, at ibigay kay Drakar siguradong matutuwa siya sa regalo natin sa kanya." Sindge
"anong gagawin nyo sa kanya? lumayo ka sa kanila Ythan, tumakas kana!" nag aalalang sigaw sakin ni Kier.
bahagya akong natuwa dahil alam kong humihinga pa ang kaibigan ko. pero hindi ko parin ma intindihan ang mga sinabi nila. Ignus? at sino naman si Drakar? sana matapos nato.
"anung gagawin natin dun sa kasama niya?" sindge
"iligpit mo na siya, hindi na natin siya kaylangan!" Minerva
"teka! anong gagawin nyo kay Kier?" nanginginig na sigaw ko sa kanila.
pinilit kong makatayo para tumakbo papunta kay Kier. nagawa kong tumayo at makatakbo. malapit ko na siyang mahawakan pero napigilan ako ng mga ugat ni sindge.
nagpumiglas ako pero hindi ako nag tagumpay na makawala sa mga gapos ni sindge.
"tumakbo kana Ythan, tumakas kana. wag mo na akong isipin! iligtas mo ang sarili mo! sigaw sakin ni Kier.
" hindi! hindi ako papayag na iwan ka! mag bestfriends tayo diba? kaya kahit anong mangyari hindi kita iiwan!" sigaw ko sa kanya.
hindi ko iiwan ang bestfriend ko. kung papatayin nila si Kier isama nadin nila ako. marahas na dumaloy ang mapapait na luha sa pisngi ko. natatakot ako para sa sarili ko pero mas natatakot ako sa kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
The Elements
Fantasyfive individuals have been chosen to possess the power of the elements and win against the coming darkness. Ythan Sied is a young man who's life is changed by just one snap,Together with his besfriend kier frost and the other elemental lumia users...