Empress POV~~~
napansin kong namangha si Ythan sa nakita niya sa protectors garden. dito naka burol ang mga naunang protectors ng realm. at nais kong dito sabihin sa kanya ang lahat nang gusto niyang malaman.
" Empress nasaan ako at anong ibig sabihin ng Mark na nasa kamay ko?" tanong ni ythan sa akin.
" nasa Ignus ka ythan." sagot ko sa kanya.
"unang una sa lahat, ang mark na nasa kamay mo ay ang tinatawag na First mark of howling gale. ibig sabihin niyan isa kading Lumia user." paliwanag ko.
nakita ko ang pagbabago nang expression ng mukha niya at halatang nagtataka ito. kaya sinimulan ko ang pagpapaliwanag sa kanya.
" dito sa Ignus ythan, lahat ng tao ay gumagamit ng lumia. at nagagamit nila ang lumia dahil sa balanseng kapangyarihan nang apat na elemento. kapag nasira ang balanse ng apat na elemento ay masisira din ang balanse ng Ignus ant mundo nang mga mortal." paliwanag ko sa kanya.
mas kumunot ang nuo niya sa narinig niya.
"pero bakit ako? bakit sakin pa napunta ang mark nato? dahil dito namatay ang kaisaisa kong kaibigan!" mangiyak ngiyak niyang tanong sa akin
" dahil ikaw ang isa sa mga itinakdang mag po protekta sa realm. ikaw ang napili nang isa sa apat na elemento na mangangalaga nang balanse ng mundo." malumanay kong sabi sa kanya.
nakita ko ang luhang dumaloy sa mata niya. pinilit niya itong itago pero hindi siya nag tagumpay. alam kong nahihirapan siya ngayon kaya di ko maiwasang malungkot para sa kanya.
" nakikita mo ba ang mga estatwang nakapaligid sa hardin?" tanong ko sa kanya. nag nod naman siya upang sumangayon sa akin.
" isa ka sa kanila ythan. nakikita mo ba yang estatwang may marka sa kamay na kagaya nang sayo? ikaw ang taong yan ilang libong taon na ang nakakaraan. ikaw ay isang reincarnation. at ang estatwang angel na nasa tabi niyan ang ang Lumia mo. siya ang spirit of wind, ang pinagmulan ng kapangyarihan mo." sabi ko sa kanya.
base sa nakikita ko naintindihan niya naman agad ang mga sinabi ko sa kanya. alam kong matalino siyang tao dahil matagal ko na siyang pinagmamasdan sa mundo nang mga mortal.
" pero bakit ako pa? bakit sa akin pa? para saan ang kapangyarihan nato kong hindi ko naman nagawang protektahan ang kaisa isang pamilyang meron ako?" sunod sunod na tanong niya.
alam ko din ang nangyari sa kaibigan niya at kilala ko din ito. si Kier Frost anak siya nang isang Lumia user na galing sa Ignus at isang mortal. ngunit ipinanganak siyang walang taglay na Lumia kaya namuhay siya nang normal.
pinaslang ng mga taga naviria ang mga magulang niya kaya maaga itong naulila sa ama at ina niya. sa kasamaang palad napaslang din siya dahil sa pag protekta niya sa first mark.
" si Kier Frost ba ang tinutukoy mo ythan?" nanlaki ang mga mata niya sa gulat kung bakit kilala ko ito pero nagbago din agad ang ekspresyon niya, napalitan ito nang lungkot.
"oo si kier na pinaslang nila nang walang kalaban laban." malamig ang tono ng boses niya.
"Nasa amin ang mga labi ni Kier. Kinuha ko ito sa noong araw na mapaslang siya at may magagawa ka ythan para maibalik ang buhay niya."
Nawala ang lungkot sa mga mata niya. Napilitan ito nang pagtataka.
"Paano gagawin ko ang lahat para maibalik siya." Pagmamakaawa niya.
"Pero nasayo ang disesyon ythan, ikaw ang makaka tulong sa sarili mo. Use your Lumia and talk to its spirit. Lahat nang Lumia ay may spirit dahil ito ang pinanggagalingan ng kapagyarihan." Maingat na pagpapaliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Elements
Fantasyfive individuals have been chosen to possess the power of the elements and win against the coming darkness. Ythan Sied is a young man who's life is changed by just one snap,Together with his besfriend kier frost and the other elemental lumia users...