The Healer

1.3K 17 7
                                    

Malakas ang buhos ng ulan. Pauwi na sana ako
pero bigla na lang akong naabotan ng ulan sa
daan. Ba't ganun hindi ko man lang napansin na
uulan pala. Katangahan nga naman.

Patakbo na ko ngayong naglalakad hindi na rin
ako huminto at nag abalang sumilong pa. Para
saan pa?! Basa na rin naman ako.

"Allison!"

Napahinto ako ng bigla kung marinig ang pangalan
ko. Lumingon ako at tinignan kung sino ang
tumatawag sakin. Ngunit wala naman.

"Allison!"

Tawag uli sakin. Ano ba pinagtritripan ba ko?! O
baka naman may multo o di kaya stalker ko?

Jusko po! Anong gagawin ko!?
Tumakbo na lang ako at hindi na lumingon pa.

Natatakot na rin ako, dahil medyo dumidilim na rin
at mag-isa lang ako sa daan.
Jusko po! Kayo na pong bahala sakin! Huhuhu.. takot pa naman ako sa multo.
Takbo pa rin ako ng takbo ng bigla akong nadapa.

"Aray! Ang sakit nun ha!" Sabi ko as if naman
kung may makakarinig.

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo."

Teka, tama ba ang narinig ko? May nagsalita?
Ano ka ba Allison walang tao sa paligid. Sino
naman ang magsasalita?

"I need to take you there before the portal close."
Sabi nito. Kung sino man sya.

"Sino ka? Magpakita ka?" Tanong ko.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Hanggang sa
may naaninag akong liwanag na nakakasilaw talaga.

"Let's go Allison." Sabay hawak nito sakin.

"Whaaaaaaaa!!!! Sino ka? Please parang awa mo na. Wala akong pera. Ayoko pang mamatay. Please maawa ka sakin. Tulong! Tulongan nyo ko!" Sigaw ko.

"Stop it! Ano ba? Hindi kita papatayin kailangan mo lang sumama sakin." Sabi nya.

"Sumama saan? Isa ka bang sindikato? Ibebenta mo ba ko?" Tanong ko.

Kumunot lang ang noo nya. Oh my Tinola! Ang gwapo naman ng nilalang na toh. At tsaka, bakit sya
nakasuot ng isang balute? Ano sya? Knight and shinning armor? Kawal ng isang palasyo? May cosplay bang naganap kanina sa mall?

"At last. Tumahimik ka rin. Lets go!" Ani nya.

"Teka lang ayokong sumama sayo. Wala pa kung costume. Tsaka ano ba i co-cosplay ko?" Sabi ko.

Pero hindi sya sumagot. Hinila nya pa rin ako papunta dun sa liwanag na nakakasilaw.

"Ano ba?! Ayoko ngang sumama."

Nabitawan nya ako at tumakbo agad ako pero nasa harapan ko na sya bago pa man ako makalayo. Binuhat nya ako. Hindi yung bridal carry, kung
hindi para akong sako ng bigas na inilagay sa balikat nya.

"Hoy! Ibaba mo nga ako! Ano ba! Ipapapulis talaga
kita!" Sabi ko pero hindi talaga sya natinag.

Waahh.. papasok na kami dun sa liwanag.

"Wahhhh!! Tulungan nyo po ako." Sigaw ko.

Bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo ng makapasok na kami sa liwanag. Ano ba tong nangyayari? Pinikit ko na lang ang mga mata ko.

-

"Aray! Ba't mo ba ako biglang binagsak? Ang sakit kaya sa puwit." Sabi ko.

"Patawad. Mukha kasing ine-enjoy mo na yatang pasan-pasan kita."

Abat anak ng tokwa toh!

"Teka, nasan tayo?" Tanong ko.

"Nandito tayo sa kaharian ng Finereya. Kung saan nakatira ang mga mahaharlika at may mga dugong
bughaw."

One-Shot Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon