It was me whom you dance that night

1.1K 10 2
                                    

"Ericka!" Tawag sakin ng isang lalaki sa kalayuan.

 "Ericka, Sandali!" Tawag niya uli sakin. 

(Alarm Clock Buzzer)

 Iminulat ko ang aking mga mata. Panaginip lang pala. Pero hindi ko maiwaksi sa isipan ko ang lalaking tumatawag sakin sa panaginip ko. 

Sino kaya siya? 

Bakit niya ako kilala? 

Naghilamos na ako ng mukha at bumaba para mag almusal.

 "Good Morning anak!" bati sakin ni Mama. 

"Good Morning Ma!" bati ko pabalik. 

Nakita ko ang puting sobre sa mesa at nakalagay ang pangalan ko.

 To: My dearest Ericka

"Babasahin mo na ba? Anak." tanong ni Mama. 

"Ahm.. opo." Sagot ko. 

Since nacu-curious rin ako kanino toh galing kaya binuksan ko na. Address lang ang nakasulat. Nakapagtataka. Sino naman kayang mokong ang magpapadala nito sakin?

"Ma, sino po bang nagpadala ng sulat?" tanong ko. 

"Wala bang may nakalagay dyan kung sino? Diko rin alam anak." Sagot ni mama. 

Tinitigan ko na lang ang nakasulat na address. Makalipas ang ilang minuto napaggugol ko sa sulat na yon ay nag ayos nako para pumasok sa trabaho. Tatlo na lang kami sa bahay. Ako si Mama at ang bunso namin na Senior high pa lang. Matagal na rin simula nung pumanaw si Papa. 

"Hi ka!" Bati sakin ng katrabaho kung si Maxine.

 Ngumiti lang ako tanda ng pagbati pabalik. 

"Tamlay ahh?! May problema ba?" tanong niya. 

"Alam mo ba tong Address nato?" tanong ko, sabay abot sa kanya ng papel. 

"Hindi eh." Sagot niya. Buong araw ko iniisip kung anong meron dun sa Address na yun. 

Hanggang sa pagpatak na ng hapon at malapit na rin matapos ang duty ko hindi pa rin ito maalis sa isipan ko. Papauwi nako ng may mahagip ang mga mata ko. Nasa waiting shed ako at nag aantay ng masasakyang jeep ng makita ko ang lalaking nasa panaginip ko. Agad ko siyang sinundan pero ang bilis niyang nawala. Lumingon lingon pako at nagbabakasakali na makita siya uli. Pero bigo akong makita siya. Para akong lantang gulay na umuwi samin. 

"Buti naman nakauwi ka na anak." ani ni Mama.

 "Ate may naghahanap sayo kanina. Ang gwapo niya ate hihi" Ngiting sabi ng kapatid ko. Ako naman patay malisya lang kasi wala namang alam.

 "Hinahanap ka niya kanina Ericka at sabi pa niya sa kanya daw galing yung sulat." Ani pa ni Mama. 

"Talaga? Ba't pa siya nagpadala ng sulat na may lamang Address kung alam naman niya kung saan ako nakatira? Para san naman yung address?" Inis kung tanong. 

Nakakatanga yung ganun kasi.

 "Address daw yun ng bahay nila. Yun ang sabi niya." Sagot ni Mama. 

Nakakaloka! Ang gulo naman ng nangyayari.

 Pagkatapos namin pag usapan yun ay kumain nako at pumanik na rin sa kwarto para makapagpahinga na. Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho. Hindi ko na rin inalam pa kung sino yung lalaking pumunta samin at nagpadala ng sulat. Pakiramdam ko pinagtritripan lang ako nun. 

"Hoy! Ericka alam mo ba, may naghahanap sayo." ani ni Maxine. Nagulat naman ako sa babaeng toh kakarating lang pero mukhang hyper sa hyper ang dating. 

One-Shot Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon