A Letter from Her

1.5K 17 5
                                    

Ang buhay ko naman talaga ay simple lang. Gigising sa umaga, kakain, mag-aaral, matutulog at babangon ulit para bukas. Paulit-ulit lang ang takbo ng buhay ko nun, parang isang gulong. Paikot-ikot.

Pero nagbago ang lahat ng pumasok sya sa buhay ko. Nang makilala ko ang isang hindi ordinaryong tao.

-

Uwian na nung madatnan ko sya sa gate na mag-isa. Hindi ko pa sya ganun kakilala. Sabi ko nga ang buhay ko ay paikot-ikot lang walang excitement kung baga.

She's just a simple girl. Naka ponytail palagi ang buhok. At hindi gaanong maputi o maitim. Everything on her is balance.

I started noticing her presence since nung tumungtong ako ng senior high. At palagi ko syang nakikita sa gate na parang may inaabangang lumabas.

Umuulan din naman. Kaya di mo na ako lumabas ng school lalo na't wala akong dalang payong.

Ewan ko kung bakit palagi ko syang nadadatnan sa gate na may iniintay.

Halos malapit ng matapos ang school year pero same story pa rin every weekdays.

Tuwing 5 pm nandon na sya sa gate at nagsisimula ng mag-intay.

Kahit ako na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko ay naagaw ng atensyon nya.

Madalas tinatanong ko sa sarili ko, ako lang ba? O may iba ring nakakapansin sa kanya?

Kahit na security guard man lang walang ginawa para tanungin sya kung sino ang iniintay nya.

Halos paulit-ulit ang nangyayari tuwing uwian. Makikita ko sya at magmamasid mo na ako ng mga ilang oras.

Pero sa tuwing sumisilip ako sa relo ko para tignan kung anong oras na, pagkabalik ko ng tingin sa kanya wala na sya.

-

Isang araw nag decide ako na tatanongin ko na sya. Ako kasi yung tipo ng tao na nag-aala detective. Inaalam ang mga hindi kakaibang nangyayari. At kapag once na na-curious ako sa isang bagay aalamin at aalamin ko kung ano yun.

At sinimulan ko na ngang alamin kung ano talaga ang totoo.

Kahit na hindi ako ganun ka socialize na tao ay kailangan kung gawin ito.

Palabas na ako ng gate. Same time at same thing sa mga ginagawa nya.

Kung hindi lang sa school uniform ay iisipin ko ng hindi sya nagpapalit ng damit.

Papalapit ng papalapit na ako sa kanya.

"Miss?! May hinihintay ka ba?" Tanong ko.

Pwede ng markahan ang petsa ng araw ngayon sa kalendaryo na 'First time in history na may kinakausap na isang hindi kilalang babae.'

Tumingin lang sya sakin na may kahalong tuwa sa kanyang mga mata.

"Sino ba yung hinhintay mo?" Tanong ko uli.

"Ikaw." Nakangiti nyang sagot.

"Ako? Hindi naman tayo, magkakilala ahh? " Sabi ko.

Pero nginitian lang nya ako.

Sabay abot sakin ng isang Pulang Sobre.

"Para saan ba tong sobre na to?" Tanong ko.

"Para yan sayo." Sabi nya. At nagulat na lang ako ng hinalikan nya ako sa Cheeks.

Namumula ako sa sobrang hiya. Ito ang unang beses na may gumawa sakin nun except sa Mama ko.

Hindi ko namalayan na nakaalis na pala sya.

One-Shot Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon